CHAPTER 1

2917 Words
“Ano na, Cham? Kailan mo ba talaga balak magbayad ng renta sa bahay? Aba! Pabalik-balik na ako dito pero hanggang ngayon wala ka pa ring iniaabot kahit na singkong duling sa akin! Napapagod na akong puntahan ka Rito araw-araw!” Gusto nang mapasimangot ni Cham sa tungayaw na iyon sa kaniya ng landlady ng inuupahan niyang apartment. Totoo nga na ilang beses na itong pabalik-balik doon sa kaniya para singilin siya sa halos dalawang buwan niyang upa sa bahay na hanggang sa mga oras na iyon ay hindi niya pa rin nababayaran. Pero wala naman kasi siyang ipinangako na magbabayad siya nang araw na iyon kaya hindi niya malaman kung bakit naroroon na naman ito at naniningil sa kaniya nang pagkaaga-aga. “Aling Conching, sinabi ko naman po sa inyo na mag-aabot ako kapag mayroon na, 'di ba? Ako po mismo ang pupunta sa inyo. Talagang gipit lang din po ako ngayon dahil halos lahat ng sinahod ko sa pinagtatrabahuhan ko ay ipinadala ko kina nanay sa probinsiya. Pasensya na po talaga. Magbabayad naman ako,” sagot niya sa inaantok pang boses. Nang sipatin niya ang orasan na nakasabit sa may dingding ng kinaroroonan niyang apartment ay parang gusto niyang mapaungol sa sobrang pagkadismaya. Tatlong oras pa lamang ang naitutulog niya mula nang lumabas siya sa kaniyang trabaho kaninang alas-kwatro nang madaling araw. May sideline pa siyang pagtu-tutor mamayang alas-dose naman nang tanghali hanggang alas-tres nang hapon bago siya muling pumasok sa panggabi niyang trabaho. “Aba ay dapat lang na magbayad ka talaga, noh!” nakapameywang nitong sikmat sa kaniya habang sinisipat siya ng tingin, “Pasalamat ka nga at hindi pa kita pinapalayas! Pero kapag umabot pa ng tatlong buwan na wala ka pa ring bayad, pasensyahan tayo, Cham! Maghanap-hanap ka na ng ibang matitirahan mo,” nakairap na banta ng singkwenta y tres anyos na ginang. Marahan naman siyang tumango roon kasabay ng pagturo sa may banda kung saan naroroon ang kaniyang pang-isahang mesang kainan. “Baka gusto niyo ho ng ulam, Aling Conching? May pritong isda dyan at porkchop.” The lady's face suddenly lit up upon hearing those words from her. Ano pa bang bago? Bukod naman sa paniningil kuno nito sa kanya, alam niya na may iba pa itong pakay kaya ganoon na naroroon na naman ito ng gano'n kaaga. Manghihingi ito ng ulam. Alam na niya iyon. Sanay na siya. Kaya nga kung minsan ay nilalabisan talaga niya ang pagbili ng ulam doon sa karinderyang nadadaanan niya sa may labasan bago siya dumiretso ng uwi sa tinutuluyang apartment. “Huwag na. Nakakahiya naman sayo. Baka isipin mo na kaya lang ako punta nang punta rito dahil sa pang-ulam mo,” nakairap na saad nito sa kanya pero kakaiba naman ang pagkakatingin nito sa natataklubang pang-ulam na nasa mesa. Umiling siya roon saka bumangon na sa pagkakahiga at nilapitan ang kinaroroonan ng mesa. Kinuha niya ang supot na siyang naglalaman ng pritong isda at porkchop saka iyon iniabot sa ginang na malawak na malawak na ang pagkakangiti nang mga sandaling iyon. “Para sa inyo ho talaga 'yan, Aling Conching,” malumanay niyang saad dito. Walang pangingimi naman iyong tinanggap nang una, “Siya, salamat. Oh, paano? Mauna na ako? Marami pa akong sisingilin. Basta ha, babalik ako sa isang araw,” anito saka kumekendeng-kendeng pang lumabas ng apartment niya. She sighed on that. Kahit na ganoong gipit na gipit siya, hindi niya rin matiis na hindi mag-abot kahit papaano sa ginang. Kahit naman kasi napakabungangera nito at walang preno ang bibig sa pagtalak sa kaniya kapag naniningil, mabait ito. Ilang beses na ba siyang nale-late ng bayad sa upa? May lagpas lima na siguro. Ilang beses na ba siya nitong pinagbantaan na palalayasin doon kapag hindi siya nakabayad agad pero hanggang sa mga oras na iyon ay naroroon pa rin naman siya? Kaya naman bilang tahimik na pasasalamat sa kabaitan nito, idinadaan na lamang niya sa ganoon, sa pagbibigay dito ng pang-ulam na alam niyang malaking tulong din dito. Hindi na siya muli pang bumalik sa paghiga para matulog dahil lumipas na rin naman ang antok niya. Inabala na lamang niya ang sarili sa paggawa ng modules para doon sa itu-tutor niya mamaya. She sighed again. Pagod na pagod na ang katawan niya mula sa walang tigil at walang pahingang pagtatrabaho pero wala siyang planong tumigil. Hindi siya pwedeng magpadaig sa pagod niya dahil maraming umaasa sa kaniya doon sa probinsiya nila sa Tarlac. Dalawang kapatid pa niya ang tinutulungan niyang mapatapos sa pag-aaral. Ang nanay nila ay may maintenance na gamot sa high blood at diabetes. Kaya ganoon na lamang ang pagsisipag niya sa trabaho at ang pagtitipid na ginagawa niya. “Hello, Ate Cham?” Ngumiti siya nang marinig ang cute na boses na iyon ng kanyang bunsong kapatid. “Hello, bunso. Bakit nasa sayo ang cellphone ng Ate Chim?” magiliw niyang tanong sa kapatid habang patuloy siya sa paggawa ng module para sa mamaya. Her little sister giggle on that as she heard little ruckus on the background. Sa hula niya ay tumatakbo ito papunta sa kung saan man ito naroroon. “Naglalaba po kasi si Ate Chim kaya hiniram ko muna ang cellphone niya. Kakausapin mo siya, Ate Cham?” Muli siyang napangiti roon. Miss na miss na niya ang kapatid niyang ito. Ang tagal na rin kasi simula nang huli siyang makauwi sa kanila. Nanghihinayang din kasi siya sa magagastos na pamasahe kung uuwi siya. Kaya sa halip na gumastos sa pamasahe, iniipon na lamang niya iyon para maidagdag sa pampadala sa mga ito. “Hindi na, Che. Bigay mo na lang kay nanay. Okay lang ba?” “Opo, Ate! Katabi ko po si Nanay! Eto siya,” bibong sagot ng kapatid at kasunod niyon ay narinig na niya ang boses ng kanyang pinakamamahal na ina. “Hello, anak? Oh, napatawag ka? Kagigising mo lang ba?” Mahina siyang tumawa roon, “Kanina pa po, 'Nay. Kamusta na ang pakiramdam niyo? Anong sabi sa check-up sa inyo?” Inatake na naman kasi ng altapresyon ang kanyang ina noong isang araw kaya ura-urada siyang nagpadala ng pera sa mga ito para may magamit at magastos sa pagpapa-check up nito. Mas ayos na sa kanya na walang matira sa perang pinagtatrabahuhan niya basta masigurado lamang niya na ligtas ang kanyang mga mahal sa buhay. Kasi kaya rin naman siya nagsusumikap sa pagtatrabaho ay para rin sa mga ito. Wala siyang ibang gusto kundi ang maibigay ang maluwag na buhay sa kanyang ina at mga kapatid. Hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo. Hanggang second year college lamang ang naabot niya at hindi na niya nagawang matapos pa iyon dahil sa hirap ng buhay nila sa probinsiya. Kaya nga siya napilitan na lumuwas ng Maynila at doon ay makipagsapalaran. Ilang trabaho na rin ang kanyang napasukan pero lahat ng iyon ay pangmabilisan lang. Contractual. Ngayon lamang talaga medyo umayos ang kaniyang trabaho sa bar. Kaya naman kahit na hirap na hirap siyang mag-adjust at palaging puyat dahil sa panggabi ang oras ng kaniyang duty sa bar ay tinitiis at kinakaya niya iyon dahil sa maayos ang sweldo niya roon. May mga tip pa siyang nakukuha mula sa mga mayayamang customers ng bar. “Ayos naman, anak. Wala naman daw dapat ipag-alala sabi ng doktor. Tumaas lang ang dugo ko dahil ng sobrang init nitong mga nagdaang araw. Pasensya ka na ha? Napagastos na naman tayo ng malaki.” Bakas sa boses ng ina ang pagkahabag sa sitwasyon na mayroon sila. Palagi nitong inihihingi ng pasensya at paumanhin ang mga bagay na hinihingi ng mga ito sa kanya. Malungkot naman siyang napangiti roon. “'Nay, ano ba kayo? Bakit kayo nagso-sorry? Wala naman po 'yung gastos. 'Yung pera naman kikitain ko pa ulit 'yon pero 'yung buhay at kalusugan niyo po at nang dalawa kong kapatid, mahirap kapag iyon ang nawala,” sambit niya saka mahinang tumikhim para palisin ang bikig sa kanyang lalamunan, “Kaya 'Nay, huwag na huwag po kayong mahihiyang magsabi sa akin kung kailangan niyo ng panggastos. Huwag niyo rin titiisin ang nararamdaman niyong sakit. Ako pong bahala sa inyo.” Pinilit niya na huwag maiyak kahit pa naririnig niya ang mahinang pagsinghot ng kanyang ina habang umuusal ito ng pasasalamat sa kanya pati na rin sa kung gaano ito kaswerte na siya ang naging anak nito. Nang matapos siya sa kanyang pagtu-tutor ay kaagad na siyang dumiretso sa pinagtatrabahuhang bar, ang Gentlemen's Club, na pagmamay-ari ng isa sa mga anak ng sikat at hinahangaang business tycoon na si Liam Stanfield. Balak niya na magpahinga muna roon nang kahit kaunti bago siya tuluyang sumabak sa isang gabi na naman ng trabahong pagse-serve ng mga mamahaling alak at cocktail drinks sa mga bigating customers doon. She's silently sitting, almost lying down on the couch inside the staff room of that bar when she heard the door creaked open. Mabilis na napatuon ang tingin niya sa gawi ng pinto at agad na ngumiti nang makita niya roon ang isa rin sa mga kasamahan niya na si Jemmalyn, na isa rin sa mga pinakamalapit niyang kaibigan sa lugar na iyon. “Ang aga mo ngayon, beh. Maagang natapos ang pagtu-tutor mo?” untag nitong tanong habang ipinapatong ang dalang bag sa mesang naroroon. She nod her head on that, “Magpapahinga muna ako ng kaunti. Medyo mabigat ang pakiramdam ko, eh.” Tumango-tango rin doon ang kausap saka siya hinayon ng tingin mula ulo hanggang paa. “Medyo namumutla ka nga, beh. Sure ka ba na kaya mong magtrabaho ngayon? Pwede ka namang magpaalam na muna kay Sir Gray, na masama ang pakiramdam mo. Papayag naman siguro 'yon na pagpahingahin ka,” may bakas ng pag-aalalang suhestiyon sa kaniya ng katrabaho na mariin niyang inilingan. May kung anong sumipa sa loob ng dibdib niya nang marinig ang pangalan na iyon ng kapatid ng kanilang boss. Sa hula niya ay ito na naman ang magbabantay sa bar para sa gabing iyon. Madalas naman ay ganoon. Salitan sa pagbabantay at pagmamando sa naturang bar sina Blue, Caevan, Wayne at Gray. Minsan ay nagbabantay din doon si Red pero kapag wala itong pinaghahandaang tournament lamang. She gulped nervously as she sat properly. Mas lalo yatang hindi aayos ang pakiramdam niya dahil sa sobrang kaba at nerbiyos na nararamdaman. “H-hindi na, Ate Jem. Kaya ko naman. Sayang din ang isang gabi. Kailangan kong magdoble kayod ngayon. Pambayad ng upa sa apartment. Baka bukas makalawa, sa kalsada na lang ako tumira, eh,” biro pa niya para lang pagtakpan ang kabang nararamdaman. Her workmate stared at her for quite some seconds before looking away with a shrug on her shoulders. “Napakasipag mo talaga, Cham. Pero huwag mo ring abusuhin ang katawan mo, okay? Pahinga rin 'pag may time,” paalala nito na tinanguan naman niya nang may maliit na ngiti sa kanyang mga labi. She sighed the moment Jemmalyn went inside the comfort room to change her clothes to their uniform. As much as possible, iniiwasan niya na makabanggaang balikat si Gray Stanfield. Iniiwasan niya kahit na ang mapatingin dito dahil sa takot na baka marekognisa siya nito. Umaakto lamang siyang normal at walang kabang nararamdaman kapag alam niya na naroroon ito sa malapit pero ang totoo ay halos sumabog na sa sobrang kaba ang kaniyang dibdib dahil sa nangyari tatlong linggo na ang nakakalipas. But then, as she was observing him from afar, mukha namang walang kakaiba sa kilos nito. He's still the same Ashire Gray who loves to flirt and do steamy acts with those elite girls flocking around him. Chic-magnet ito. Masyadong mainit sa mata ng mga kababaihang nagtutungo sa bar na iyon. Minsan nga, naririnig niya sa usap-usapan sa tuwing nagse-serve siya ng mga alak na kaya lamang nagpupunta ang mga ito roon ay dahil ni Gray. Hindi naman niya masisisi ang mga ito. Gray is really a head turner. Bukod sa ma-kwela itong kasama, sobra rin itong maalaga at mapagkalinga na kung minsan ay talaga namang maipagkakamali at malalagyan ng ibang meaning ang mga kilos nito. But then, she knew better. Mabait lang talaga ito lalo na sa mga kababaihan. Why wouldn't he? He's the notorious Ashire Gray that everyone loves because of his wits and gentleness. Bukod sa nag-uumapaw nitong kagwapuhan at karismang taglay, successful din ito pagdating sa larangan ng pagnenegosyo ng mga sasakyan. Full package na, ika nga. She heaved a deep sigh as she closed her eyes for a nap. Nang maalimpungatan siya ay naroroon na ang halos karamihan sa mga staff na naka-duty para sa gabing iyon. They were all happily chit-chatting with each other about how their day went and what happened to them. Siya naman sa kabilang banda ay tahimik ng kumilos para magpalit ng uniform nilang pantrabaho. Hindi gaanong nakatulong sa kanya ang ginawang pag-idlip niya dahil sa mas bumigat lamang ang pakiramdam niya. Pero kagaya nga nang naunang sinabi niya kanina, she'll be just fine. Sayang ang isang gabing kita kung magpapadaig siya sa sama ng pakiramdam. “Cham! Pakidala naman nito sa Table 12. Kanina pa 'tong pinapa-follow up ni Sir Gray. Salamat!” What she heard almost didn't registered her mind immediately. Tila ba nag-loading sa kanya ang sinabing iyon ni Tanya, isa rin sa mga lumilibot na waitress para magdala at mag-serve sa mga customers doon. Gustuhin man niya na tumanggi at ipasa sa iba ang pagdadala ng mga inumin sa table na iyon ay hindi niya magawa dahil walang available na waitress para magdala niyon. Bukod tanging siya lamang ang pwedeng magdala dahil wala na siyang pagse-serve-an pa. She gulped as she nervously held the tray in which the Whisky was put. Para nga iyon sa kapatid ng boss nila. Wala naman kasi itong ibang iniinom sa bar na iyon kundi ang naturang Whisky na dala-dala na nga niya. Huminga muna siya nang malalim para maibsan kahit na papaano ang kabang nararamdaman niya habang palapit siya nang palapit sa kinaroroonan ng binata. She almost tripped on her feet when their eyes met. It's like, for a millisecond, her world same as her heart beat stopped when he held his gaze at her. Pigil na pigil niya ang paghinga habang buong ingat na inilalapag ang inumin nito sa mesa kung saan mag-isa itong naroroon nang mga sandaling iyon. Pero hindi pa man siya natatapos sa ginagawa ay may may bigla na lamang dumating doon na isang babae. The woman was wearing a body-fitted black dress that went up to the middle of her thighs making her tall height noticeable even more. It also exposed her white and fair skin that she's dying to have even in her dreams. “Hi there, Gray!” Something inside her stirred up upon hearing that flirty voice of the woman greeting Gray. Pinilit niya na huwag mag-angat ng tingin sa mga ito lalo pa ng marinig niya ang mahinang tunog ng paghahalikan ng mga ito. She almost bit her lip on that. ‘Notorious nga. Notorious na matakaw sa babae,’ she uttered inside her mind as she turn her back at them, para sana bumalik na sa counter na pinanggalingan niya kanina. Pero hindi iyon nangyari nang maramdaman niyang may isang malaking kamay ang humawak sa kaniyang pala-pulsuhan para pigilan siya sa tangkang pag-alis. “What did you just say?” Halos manlaki ang mga mata niya sa narinig na iyon at pakiramdam niya ay para bang sasabog ang kaniyang ulo dahil sa sobrang kaba. Did she just say it out loud? Narinig ba nito ang sinabi niya? Shit! Gusto na lamang niyang bumuka ang kinatatayuan niya at kainin siya ng buo dahil sa labis na kahihiyan. Marahan siyang muling nagharap ng tingin sa binata at nakita niya ang nakakunot nitong noo habang hinihintay ang kasagutan niya. “P-po?” she nervously asked back as if she didn't hear what he asked. Her heart is racing up its speed because of too much nervousness. Ang tanga-tanga naman niya kung nasabi nga niya nang malakas ang dapat ay sa loob lamang ng kaniyang isip. “You were saying something a while ago. What was that?” Mabilis siyang napatingin sa babaeng kasama nito na halos nakaupo na sa kandungan ni Gray at nakita niyang nakatingin din ito sa kaniya. The woman is looking at her with an irritation and disgust on her eyes while eyeing her from up 'til down. Magkakasunod ang ginawa niyang pag-iling habang pasimpleng hinihila ang pala-pulsuhan niyang tangan pa rin nito nang mga sandaling iyon. “W-wala po iyon, Sir Gray. Sabi ko lang po, enjoy your drinks po,” aniya saka alanganing ngumiti rito. Pero halos pagsisihan niya ang ginawang pagngiting iyon dahil mas nagkaroon tuloy ito ng pagkakataon na pagmasdan siya, na siyang iniiwasan nga niya. Nakita niya ang muling pagkunot ng noo nito sa kaniya. Akmang may sasabihin pa dapat ito pero laking pasasalamat niya dahil inagaw na ng babaeng kasama nito ang atensyon nito. Lihim siyang nakahinga nang maluwag doon saka nagmamadali ng bumalik sa pinanggalingang counter. Her knees are wobbling and her heart is beating so loud and fast inside her chest, she could almost feel it going out. She shut her eyes tightly as memories flooded her mind. Ayaw na niyang maisip ang pagkakamaling nagawa niya pero sa tuwing nakikita niya si Gray, parang bahang rumaragasa ang mga alaalang iyon na pilit na niyang kinakalimutan. ‘Kalimutan mo na, Cham. Wala lang ang nangyaring 'yon. Normal lang ang ganoon. Hindi ka naman niya natatandaan. Okay na iyon.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD