Nagising ako sa sunod sunod na katok galing sa pintuan ng kwarto kaya agad akong bumangon. Tulog na tulog pa si Anzel sa tabi ko kaya dahan dahan akong bumangon para buksan ang pintuan ng kwarto. Bumungad sa akin ang isang maid. “Yes?” ina antok kong tanong sakanya. “Ma’am nandito po ang parents ni sir Anzel,” sambit ng maid sa akin. Agad akong napa deretso ng tayo at tumingin sakanya. Mahina namang na tawa ang maid sa ginawa ko. “Seryoso ka po ba?” tanong ko sakanya. Tumango naman siya sa akin kaya dali daling ginising si Anzel. Tinapik tapik ko ang braso niya. “Bakit ayaw mong gumising ha!” galit na sambit ko sakanya kaya hinampas ko nang ma lakas ang braso niya. Agad naman siyang na gising sa ginawa ko. Gulat siyang napa tingin sa akin. “What is your problem woman?” gulat na

