episode 5

2355 Words
dumating ang araw ng exam ko. kumuha ako ng special exam para matapos ko kahit high school man lang. kaylangan ko muna mag ipon at kaylangan muna ni tatay na makabawi ng lakas bago ako pumasok ulit sa eskwelahan. hindi nadin ako aattend ng graduation kukunin ko nalang muna ang aking diploma dahil kaylangan ko yun. hindi naman din kasi masaya kung mag isa lang akong aakyat ng stage at wala si papa. kaylangan ko din iwasan si Shan dahil paniguradong dadalo sya dahil yon ang pinaka espesyal na araw para sa kanya. hindi ko lang alam ngayon kung saan paaralan ba sya mag aaral ngayon. teacher abby tapos na ho ako. paki check nalang ho. maraming salamat po. tawagan nyo nalang ako sa oras na pwede ko na ho makuha ang diploma ko. sigurado kabang ayaw mong umattend sa graduation ceremony? wag na ho makuha kolang ang diploma ko masaya na ako saka hindi naman ho pwede umakyat si tatay. mahawakan kolang ho ang diploma ko masaya na ako. ok kung yan ang gusto mo. tandaan mo ano man hirap ng buhay kaylangan mag patuloy lumaban.. ano man maging problema wag kang mahiyang lumapit sa akin. para na kitang anak. maraming salamat ho teacher abby. napakabuti nyo po sa akin. walang ano man. alis na ho ako. salamat pong muli. mag iingat ka. balitaan moko s kalagayan ng tatay mo. matulin na lumipas ang araw 2 bwan na nga ang lumipas wla na akong balita pa kay Shan hindi na din ako nag abalang makibalita kung saan ba sya mag aaral. galit pa kaya sya sa akin? napatawad na kaya nya ako? hangang ngayon masakit parin yung pag hihiwalay namin. sana makuha ng puso nya ang patawarin ako. tay nakauwi na ho ako. kumain na po ba kayo? napakunot ang noo ko dahil hindi sumagot si tatay. baka natutulog pa sya. sinilip ko sya sa kanyang kwarto at laking gulat ko ng makita ko syang nakahandusay sa ilalim ng kama. itay sigaw ko. ngunit malamig na sya at wala ng buhay para akong pinag pipiraso sa sakit na nararamdaman ko. bakit itay bakit moko iniwan? paano na ho ako...bakit hindi ka lumaban? itay hagulgol ko.. mara anong nangyari dito? mang berto wala na ho si itay iniwan na nya ho ako. . hagulgol kong sagot.. iha tatagan mo ang loob mo. lahat ng pang yayari ay may dahilan. wag kang panghinaan ng loob. nandito ako handang umagapay sayo anak. hindi kana iba sa akin dahil parang anak na kita kaya mag pakatatag ka. iwan muna kita at tatawag ako ng funeral service at ng maayos na si Lando. kaawaan ka ng panginoon anak. babalik agad ako hintayin moko. walang humpay ang pagtulo ng luha ko habang yakap yakap si itay ito na ata ang pinakamasakit na pangyayari dito sa aking buhay. anak nandito na ang mag aasikaso sa labi ng ama mo. tumayo kana dyan at ng makapahinga ka muna kahit sandali lang. mang berto wala na ho talaga si tatay. mag pakatatag ka andito ako aantabay sayo hindi kita iiwan anak.. niyakap nya ko at niyakap ko sya pabalik inalalayan nya akong maupo sa sofa sa sala. umupo ka muna dyan at mag pahinga. hihingi ako ng tulong sa mga kapit bahay para ma ayos na itong bahay bago ibyrol ang iyong itay. habang nasa morgue pa ito. hintayin mo ko at mabilis lang ako. lumipas ang 5 oras at dala na nila si tatay, 3 araw lang ibuburol sa bahay at ililibing na sya. yung perang galing kay Shan na pinalago ko naubos lahat sa pampalibing ko kay tatay. wala ng sobrang sakit na maiwan ng nag iisa. dumating sina Josh, Raffy, Anjo at Khey sa lamay ni tatay. pero ni anino ni Shan ay hindi koo nakita. kaya mas lalo akong nalungkot ngayon ko sya mas higit na kaylangan pero hindi man lang sya nag paramdam sa akin. ganon na ba katindi ang galit nya sa akin. Condolence Amara panabay na sambit nila salamat sa pag dalaw. wag mo na sya hanapin dahil napansin pala nila ang pag tingin ko sa likuran nila. hindi sya pupunta amara, sinabihan na namin syang pupunta kami dito pero hindi nya kami kinibo. sinubukan kodin sya pilitin pero ayaw nya sumama. malungkot akong napa tango. salamat sa inyo kasi naalala nyo padin ako. anything for our princess. so anong balak mo ngayon? tanong ni khey. hindi ko nga alam kung ano gagawin ko wala na si itay, yung pera binigay ni Shan sa akin ay naubos na sa pag aayos ng puntod ni tatay. pati yung mga naipon ko y nasimot na. wala naman kaming mga kamag anak na pwede tumulong sa mga gastusin namin dito sa burol ni tatay. isa isa silang nag abot ng sobre sa akin. maraming salamat sa inyo at nag abala pa kayo. wag mona isipin ang mga gastusin dahil sa mga binigay naming ito ay maibibigay mo sa tatay mo ang magandang hantungan. maraming salamat sa inyo kakapalan ko na ang mukha ko at tatangapin ang tulong nyo. Amara after this ayaw mo ba mag aral muli? tanong ni khey. gustuhin koman pero san naman ako kukuha ng pantustos ko sa pag aaral? ni hindi ko nga alam saan ako pupulutin pag kalibing ni tatay. alam nyo naman kaya ako lumalaban sa buhay dahil kay itay. pero ngayon wala na sya ano pa ang saysay ng mabuhay? wag mong sabihin yan nandito kami at handang tumulong sayo amara. kung gusto mo mag aral pwede naman sa school na pag mamayari ng pamilya ko matalino kana man at makaka kuha ka ng scho;arship doon. pwede kadin mag trabaho sa library para may pantustos ka sa pag aaral mo. talaga khey? oo pero medyo malayo lang yun dito dahil sa manila pa ang paaralan. kaylangan mong lumipat ng tahanan para hindi ka mahirapan. san naman ako titira kung sakali. eh wala naman ako kakilala sa manila. i can give you a place Amara kaya dont worry mula ngayon sasama ka na sa aming barkada. tutuloy ka sa condo ko sa manila. wala naman nakatira dun kaya ok lang na gamitin mo. pero nakakajiya na sa inyo. hindi nyo ako obligasyon. mula ng pumasok ka sa barkada obligasyon kana namin ok? pero paan si Shan? tiyak magagalit yon at hindi ba kasama nyo sya sa pag aaral ? dont worry to much Amara. aalis na si Shan ngayon ang flight nya papuntang america para dun mag aral. kinausap nya sina papa na dun na mag aral dahil ayaw nya makisalamuha sa mga mahihirap. kaya wag mo sya alalahanin ok? slamat sa inyo. isa pa sa ina alala ko buhat nung may mangyari sa amin ni shan ay hindi pa dumadating ang buwanang dalaw ko. wag naman sana na mabuntis ako dahil hindi ko kakayanin. Josh anong oras ang alis nya? sa ngayon nakasakay na yun ng eroplano amara wag mo na sya isipin ok? nandito kami aalalay sayo..wag mong isipin ang taong duwag na katulad nya. alam nya sa sarili nya na sya ang naka una sayo. dapat ng may mangyari sa inyo ay hindi kana nya iniwan ng basta basta kaso hindi. iniwan kanya hindi matangap ng pride nya na mali ang akosasyon nya sa iyo. Josh paano kung buntis ako? ano panabay na sagot nila. wag kayo masyado maingay. buhat nung may mangyari sa amin hindi na ako dinatnan hindi ko naman inisip na baka mag bunga yung mga nangyari sa amin. my god amara bakit ka napasok sa gulong ito. walan****ya Shan nayan dapat nyang malaman ito. no wala mag sasabi sa kanya ng kalagayan ko ok? kung mahal nya ko o totoong minahal nya ako hindi nya ko tatalikuran. oo inaamin ko ako ang unang nag kamali dahil nakipag hiwalay ako sa kanya pero tama bang basehan iyon para iwan ako pag tapos ng mga nangyari sa amin? hindi diba. alam nya sa sarili nya na sya ang naka una sa akin pero pntawad ba nya ako? hindi diba. pinabayaan nya ako ni hindi an lang nya ako nagawang kumustahin pag tapos ng mga nangyari sa amin so bakit pa ako mag aabalang gambalahin sya kung dun sya masaya? oki kahitbwala sya may apat naman tatay ang baby mo amara kaya dont worry ok. kakausapin ko si tito at ipapa alam ko sa kanya ito. Josh pano kung kunin nila sa akin ang bata? hindi gagawin ni tito yun para maturuan ng leksyon si Shan kaylangan nating sabihin kay tito ang kalagayan mo. dumating ang araw ng libing ni tatay at walang humpay ako sa pag iyak. laging naka alalay sa akin ang apat kong kaibigan. dumating din ang ama at ina ni shan. na sina sir Sherwin cristobal at Mam Shaina cristobal. ito na ata ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay ko. wala na ang itay ko. iyak ako ng iyak. inalalayan ako ni Josh, Amara tama na makakasama sa bata ang sobrang pag iyak mo. oo confirm na buntis ako dahil agad bumili ng pregnancy test ang mga ito para sigurado lima agad ang pinagamit nila sa akin at lahat ng yon ay possitive. nakausap na din ni Josh ang mga magulang ni Shan. pero hindi ko pa sila nakakausap. itay san masaya kana kasama si inay... lagi nyo po akong gabayan, kami ng magiging apo nyo. sayang ho at hindi nyo man lang nasilayan ang apo nyo. pero masaya nako dahil alam kong dyan sa kabilang buhay ay wala ng sakit na iyong mararamdaman..mahal ko kayo itay inay...inihagis ko na ang bulaklak sa puntod ni tatay. paalam mahal kong ama. ng maka uwi kami ay maayos at malinis na ang bahay sa tulong ni tatay berto ay naipalinis nya agad ito pag uwi namin. mang berto dito ho muna tayo may pag uusapan lang po tayo. ano yun iha? sila ho ang ama ng dati kong kasintahan na si Shan. mang berto buntis ho ako at anak ho jila ang ama. ano? ay naku iha napakabata mopa para sa pag bubuntis paano na nyan? nasaan ba ang lalakeng naka buntis sayo at ng mapag sabihan? hmm tumikhim ang ama ni Shan. hmm sir ako ho ang ama ng nakabuntis sa kanya. humihingi ako ng dispensa sa nangyari kay Amara. oh nasaan ang anak mo kaylangan nya panagutan itong si amara, hindi ako papayadg na madehado itong batang ito dahil na ipangako ko sa kanyang ama na aalagaan ko sya. yun nga ho ang problema mang berto. ayoko na ho ipaalam sa kanya na buntis ako. dahil labis ho ang galit nya sa akin. anong ibig mong sabihin anak? kaylangan nya managot sa ginawa nya sa iyo. paano ang magiging anak nyo? lalaking walang ama? sumabat naman ang apat at sabay sabay na kami ho ang magiging daddy ng baby ni amara. na pangiti ako sa kanila. nawalan man ako mas dumami naman ang mag aalaga at mag mamahal sa amin ng anak ko. salamat itay at hindi mo ko pinabayaan. wala hong problema sa amin maaga man kami mag ka apo ay tatangapin namin dahil isa po itong blessings sa pamilya, mula po ngayon ay kami na ho ang bahala kay amara. hini ho naming hahayaan mag hirap ang magiging ina ng po namin. no hong ibig nyong sabihin sir? mula ngayon ay sasama kana sa amin. sa bahay kana titira. pero hindi o pwede dahil baka malaman ng anak ninyo. oo nga Sherwin. alam mo naman ang anak mo biglaan kung umuwi ni wala man pasabi...hindi sya pwedeng manatili sa bahay. sa condo ko nalang ho tito. wala naman gumagamit dun. yung ang regalo ni daddy sa akin nung graduation.. ipapagamit kona po muna kay amara. ok lang ba sa iyo yun khey? opo ok lang besides para hindi na din ho ako mag hanap ng caretaker ko dun si amara nalang ho ang patitirahin ko. ok kukuha nalang ako ng makakasama mo sa bahay, dahil hindi ka pwede mag isa lalo na sa kalagayan mo ngayon. maraming salamat ho. hmm paano ba yan amara pati pala ikaw ay iiwan mo na din ako. malungkot na taning ni mang berto. mang berto kayo lang ho yung kaantabay namin ni tatay. kaya ako nanatili dito kasi hindi ko kayo maiwan mag ama. ngayong aalis kana din at wala na si lando. panahon na din siguro para samahan ko ang mga anak ko sa america.. basta lagi mo ako tatawagan iha ah. wag mong kakalimutan nandito lang ako lagi aantabay sayo. tawagan molang ako pag may problema at uuwi agad ako dito para sayo. niyakap ko si mang berto ng mahigpit at naluha ako maraming salamat po mang berto sa lahat lahat po ng tulong nyo sa amin ni tatay. walang ano man yun pamilya na ang tingin ko sa inyo. ang pamilya nag dadamayan tandaan moyan. basta mag ingat ka palagi at alagaan mo ang batang nasa sina pupunan mo. masaya ako para sayo iniwan kaman ni lando may dumating naman anghel sa buhay mo kaya dapat kang mag pakatatag alang alang sa anak mo. oh sya alagaan nyo ho itong si Amara, madaming hirap na ang nadanasan nya kaya sana mahalin nyo din sya na parang isang tunay na anak. mabait na bat ang batang ito kaya paka mahalin nyo ho sana. wag po kyo mag alala kami na ho ang bahala sa kanilang mag ina. hindi namin sy pababayaan. makaka asa po kayo. kung ganon ay salamat sa inyo. Amara ayusin mo na ang mga gamit mo ng makasama kana sa manila. wag ka mag alala babalik tayo sa ikasyam ng ama mo. sige maraming salamat sa inyo. tulungan kana namin dahil bawal mag buhat ng mabigat ang buntis. hindi pa nga halata oh.. kahit na buntis ka padin kaya maupo kanalang dyan ituro mo yung mga gamit mo nang maiayos namin. yung unang durabox lang. babalik naman tayo dito sa pag balik nalang natin ang iba. maupo ka na muna iha, opo sir, wag mo na kami tawagin ng sir at mam tawagin mo na kaming daddy at mommy ok magiliw na sagot ng ina ni Shan. nahihiya man salamat ho mommy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD