Chapter Eleven Habang nakatayo at harapan sila ay tila may kuryenteng dumadaloy sa mata ni Kathleen patungo sa mga mata ni Margarette at vice versa. “Hindi ako sanay sa mga ganitong klase ng pag-uusap. You are the first to do that kind of thing to me. Bakit mo naman iyon ginawa Margarette? Bakit?” mahinahon at straight to the point na panimula ni Kath. Umismid naman ito saka ngumisi. “You’re still asking that? Isn’t obvious that I hate you!” bulalas nito. “May I know why?” she asked with interest. “You’re asking me why as if hindi mo alam?” napaismid pa ito. “Hindi ko talaga alam! Si JJ ba?! Dahil gusto mo siya?!” bulalas niya. Humalukipkip ito. “Eh alam mo naman pala eh. Hindi ko lang siya gusto. Mahal ko siya! Mga bata palang kami gusto ko na siya. I always dreamt na sana maging k

