Chapter Nine Lubhang nakabawi na si JJ kay Kathleen. Parang hindi sya tuloy nainip habang hinihintay ito. Okay lang na nakatunganga sya sa loob ng studio. Okay lang na wala syang ginagawa. Okay lang lahat. Siya naman ang pinakamaganda. This is what you called a cloud nine feeling of falling in love. Falling in love? Nang sumapit ang ikalima ng hapon ay nagmamadali na silang bumiyahe pabalik sa resort. Mas mabilis ang pagpapatakbo nito ng sasakyan. Napansin iyon ni Kathleen. “Yan ba ang epekto sayo ng babaeng napili nyo bilang modelo ng resort? On a hurry?” puna niya. “Ito ang epekto mo sa akin.” Matipid at kahit sa pagtugon ay nagmamadali rin ito. “Bakit ako?” pagtataka niya pero nag-init na naman ang pisngi niya. Hindi pa nga sya tuluyang nakaka-move on sa kilig banat nito kanina eh.

