HIS SELF-CONTROL

365 Words
Abot-kamay na sana ng binata ang kaligayahang inaasam ng sinumang lalaki ngunit bigla siyang natauhan ng mapagtantong parang ang bilis ng mga pangyayari. Hindi siya ang tipo ng lalaking madaling matukso kahit na mga babae na mismo ang lumalapit sa kanya noon. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya mapigilan ang sarili at siya na ang natutuksong akitin ito. Nang mahismasan ang binata ay dinampot niya ang itinabing saplot ng dalaga at siya na mismo ang nagsuot dito at inayos din niya ang bestida ng babae na ipinagtaka naman ng dalaga. "I'm so sorry love. You know how much I want you now pero di ko dapat ito ginawa sayo dahil alam kong bago sayo lahat ng ito. Sobrang naging mapangahas ako. Di ko lang talaga napigilan ang sarili ko love. I'm really sorry." Sising-sisi sabi niya dito "Ginusto ko din naman love. Alam kong may pangangailangan ka din. Huwag mo ng sisihin ang sarili." "Salamat sa pang-unawa love but I made a promise to your parents na alagaan ka but I took advantage of you instead. Naging mahina lang talaga ako. I'm a man of self-control pero pagdating sayo nagiging marupok ako. Muntikan na talagang may mangyari sa atin at di ko alam kung mapapatawad ako ng parents mo." "Nangyari na yun love kaya itigil mo na yang kasisisi mo sa iyong sarili. And to tell you, I cherished those moments at wala akong naramdamang pagsisisi." "Talagang isusuko mo ang iyong sarili sa akin? Di mo ako pipigilan?" "Tulad ng sabi ko, may tiwala ako sayo love kaya hahayaan kitang gawin ang mga bagay na sa tingin mo ay nararapat sa atin." "I'm so much touched for that trust you have for me love and I promise you that I won't break that trust. I love you so much my sweet Mari." "And I love you more my handsome Nathan." Muli niyang niyakap ang dalaga at kinantilan ng halik sa labi bago bumalik sa harap ng manibela upang ipagpatuloy ang pagmamaneho papunta sa lugar kung saan sila mamamasyal at i-enjoy ang araw na magkasama sila kahit paman may limitadong mga bagay na silang dapat sundin upang hindi na maulit ang pagkadarang sa isa't isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD