CHAPTER 21 Nagdaan ang mga araw, hindi lamang isa o dalawang beses naming ginawa ang bagay na iyon sa opisina ni Eiji sa tuwing matatapos ko ng maaga ang aking trabaho. Ngayon ay panibagong araw na naman na kasama ko siya. Gaya ng nakaraan, tahimik siyang nakaupo sa couch nang hindi ako inaabala sa aking ginagawa, maliban na lamang kung ako mismo ang tatawag sa kaniya, o kung makita niyang wala na akong ginagawa. Nang matapos ko ang ginagawa ay pabagsak akong napasandal sa aking kinauupuan. Kaagad na nakatayo si Eiji sa kaniyang kinauupuan para sa ‘massage’. Mahina akong napatawa at sinundan siya ng paningin. Akma siyang pupuwesto sa harapan ko nang hilain ko ang pulsuhan niya paharap sa akin. “Sit on my lap, first.” He gasped and was hesitant. “W-Why do you want me to sit on you?” “

