CHAPTER 8 I WOKE up later than usual. Thank goodness it's the weekend and there’s not much to do! Gano’n na lang kabigat ang katawan ko, maging ang mga mata ko na bumangon sa kama ay hindi ko pa mamulat ng deretso. Hinilamos ko ang aking mukha gamit ng kamay ko upang gisingin ang sarili ko. Subalit natigilan ako sa ginagawa nang may maramdamang presensya sa tabi ko. Nang lingunin ko ang aking gilid sa kama ay bumungad sa akin ang postura ni Eiji na nakaluhod ng upo sa kama, paharap sa akin. Mukhang kanina niya pa ako pinakatitigan. Halos sira-sira na ang butones ng kaniyang pang-itaas na pyjama, at gano’n na lang kagulo ang buhok niya. Dahil sa liwanag ng araw ay rumepleka ang kaniyang mapupungaw na mga mata, na silang nagsusumamong nakatitig sa akin. Bigla ay bumalik sa alaala ko ang

