Chapter 1
"aray ko! naisahan ako ng mga yun ahhh! ". daing ng isang binatilyo na kasing edad ko lang ata o mas matanda ng isang taon sa akin, basta di ko sure ehh.
may sugat ito sa may bandang labi at parang galing sa bugbugan ata. gusto ko sana itong lapitan kaso naalala ko ang bilin ni mama.
"jade anak lagi mo itong pakatatandaan na lumayo ka sa mga basagulero at baka madamay ka sa gulo nila". that's my mother said, at saka mother's knows best sa mga ganito, pero.......
lumapit parin ako sa kanya at nakaupo ito sa isang bench dito sa may parke. "ayos ka lang?". inabot ko ang isang piraso ng band aid sa kanya.
" huh!?, hibang ka ba!?". sagot nito at tinitigan lang ako.
"sabi ko ay ayos ka lang ba." tinuro ko ang sugat nito sa may labi at ngumiti.
tumayo siya sa kaniyang pagkakaupo at muntik na akong matumba dahil mas malaki siya sa akin ng ilan. dapat pala nakinig nalang ako kay mama.
akmang susuntukin niya na sana ako pero nakita ko na may sugat din ang mga kamao nito. nagmadali ako na kinuha yun at nilagyan ng mga band aid na kabibili ko lang sa butika, may design itong frog na cute.
"and it's done!." matapos ko malagyan lahat ng band aid ang sugatang kamao nito. his hand is big at medyo magaspang dahil siguro sa basagulero ang isang ito.
ang cute tingnan pero natigil ang saya ko dahil nakatitig na sa akin ang binatilyo.
"are you done!." bulyaw nito sa akin at napatango nalang ako dahil sa takot.
"o-oo, baka hinahanap na ako ni mama". palusot ko. "don't forget na ipakita yang sugat mo sa center!. take care!". Saad ko muli, sabay takbo ko ng mabilis papalayo sa kanya.
kakamadali ay naiwan ko ang panyo ko na regalo ni mama, mapapagalitan ako neto pag di ko nakuha yun. pero bahala na. isang bagsakan lang naman galit nun at saka sanay na ako sa ugali ni mama.
nagmadali nalang akong umuwi para maibigay ang mga gamot niya. sana di tanungin sa akin kung bakit walang band aid sa pinamili ko.
sa awa ng poong maykapal ay..... "anak ka talaga ng tatay mo jade!. nasaan yung band aid!?". bulyaw ni mama.
" aahhh.... ehhhhh.... ma, nakalimutan ko". palusot ko na baka sakaling gumana at gumana nga!.
"o siya ay ganun ba?. sige na maghugas ka na ng kamay at kakain na." utos nito sa akin.
paalis na ako para mag hugas ay. "nakalimutan daw". mahinang sabi niya.
" may sinasabi ka ma?. " maang maangan ko na tanong.
wala, may narinig ka ba na sinasabi ko?. inilapag na ang sinandok nitong kanin at ulam sa lamesa.
"wala po ma, at ang sarap po ng luto niyo na ulam. the best po!." ginulo ni mama ang buhok ko at umupo na rin para umpisahan na kumain.
my mother and I are not live in a lavish life. nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw pero di ganoon ka garbo. bahay lang namin ay simple na kubo pero malinis ito kahit saan ka man angulo tumingin. pero kahit na ganto kami ay masaya kami ni mama.
about pala kay papa ay matagal na itong patay sabi ni mama. pero ang nakapagtataka ay wala itong litrato kahit isa sa bahay tanging kami lang ni mama. di ba ang weird?.
pero ang balita sa mga cctv sa barangay ay este mga wifi na mga chismosa ay nabuntis daw si mama ng mga kano yung poriner. pero di ko na pinansin pa 'yun dahil masaya na kami ni mama.
_____________
sana ay maging masaya ang pasok ko bukas sa school dahil may bago daw kaming classmate. I wonder if mabait ba siya o kabaliktaran. lalaki ba o babae, di kasi sinabi ni maam Castillo ehh.
naway pumaldo ang bukas ko hehehe. joke lang!. good night na nga. ikaw din tulog na mahimbing, di mahimbing na pagpuyat hah!. lagi ko itong naririnig kay mama ehhh. "kaka-cellphone mo yan!." wag ka ng magpaliwanag pa, matutulog na ako. bye eat well ay este sleep well.
___________
how, paano, why?. anong ginagawa niya rito sa room namin!. di ako makatingin sa harapan ngayon dahil sa tao sa harapan na ipapakilala ni ma'am Castillo. nakasuot parin ang band aid sa kamao nito at hawak niya ang panyo ko na naiwan, kaya todo iwas ako ng tingin.
"this is your new classmates na sinasabi ko sa inyo, magpakilala ka na hijo." pakilala ni ma'am Castillo.
itinaas nito ang kanyang kamao at kita ang band aid na nilagay ko. "I don't like introduction but, this is fine. I'm johan, johan harvard. ma'am, I can sit wherever I want right?. nakatitig lang ito sa akin at lumapit.
nagbubulong bulungan ang mga classmates ko tungkol sa pamilya niya. mayaman daw ang pamilya nito dito sa Pilipinas at pati na din international.
tumingin ako sa gilid ko at nandoon nga siya. "hi, Mr band aid!. sabi nito sabay ngiti na parang lalamunin ako ng wala sa oras. " hi din." matipid ko na bati at ngumiti.
nagulat ang mga classmates ko sa ginawa niya at muli ay naging maingay ang klase.
"class!. lower your voice!. I will start my lesson".
nagstart na ang lesson pero parang wala akong natutunan ngayon dahil distracted ako sa katabi ko na tulog lang ginagawa. paano ba naman kasi kinuha niya libro ko at ginawang unan lang!. hmppp!.
ginising ko ito, pagtapik tapik ko sa kamao nito n may band aid. gusto ko na tumawa ng malakas dahil di ko aakalain ang isang basagulero ay may cute na band aid, di fit sa mukha niya na pang basag ulo.
muli ay tinapik tapik ko ang kamao nito at muntikan na akong napasigaw dahil kinuha niya ang wrist ko sabay hawak ng mahigpit. " don't wake me up, it's not even lunch break". sabay balik ulit sa tulog.
"pero y-yung libro ko." mahina ko na sabi at napabuntong hininga nalang, umupo nalang ako ng maayos dahil wala na akong magagawa pa.
nakatitig lang ako sa kanya na mahimbing ang tulog sa klase, para bang ang tahimik ng mundo. wala akong marinig na ingay na nagmumula sa mga classmates ko at teacher na nagtuturo sa harapan. seeing him na ganyan ay parang inaantok na din ako, pero tama nga ba ang pag tulog sa klase?.
"why are you starring at me?. listen to the class and I will copy your answer". Saad niya na nagpanganga sa akin.
this mr. is unbelievable, "di naman kita tinitignan ehhh, at saka ibalik mo na kasi ang mga libro ko." dahil sa bawat labas ko ng libro ay kinukuha agad niya para hiramin daw, ehhh ginagawa niya lang ito kamo na unan.
"ring". tunog ng bell na naghuhudyat na uwian na ang tanghali.
agad siyang umupo ng maayos at kinuha ang bag nito. pero di pa ito umaalis at parang may hinihintay ata ako.
" anong pang hinihintay mo?. do it faster, I'm famish."
ano daw?. gusto ko atang dagdagan sugat nito sa labi. "huh!?. mauna ka ng lumabas dahil sa bahay ako kumakain ng tanghalian". binilisan ko ang paglagay ng mga libro ko sa bag at inayos ang aking lamesa.
________________
kumatok siya sa may bahay namin ng ilang beses. "magandang tanghali po ma'am, kaibigan po ako ng anak niyo at nandito po ako ngayon makikikain dahil masarap daw po kayong magluto na kwento niya sa akin". ganoon lang kadali ay pinapasok ito ni mama sa bahay. this smooth talker!.
pero paano nga ba nangyari ito, I will tell you the whole story.
"makikikain ako sa inyo." tama ba ang narinig ko?. makikikain ang isang ito sa amin?. siya ba ang hibang?. o sadyang may sayad lang ang isang ito!.
"sorry?."
"makikikain ako sa inyo!. bingi ka ba?." hinila ako nito palabas at hanggang paglabas sa ng school.
maraming nakatingin sa amin pero ang isang ito ay walang pakialam sa paligid, well for me it's not!. ayaw ko na maging topic ako sa school.
nagmamadali akong maglakad pauwi pero sinusundan parin niya ako. "bakit mo ba ako sinusundan?".
" gaya ng sabi ko ay makiki-." di ko na pinatapos pa ang mga susunod na sasabihin niya.
"bahala ka sa buhay mo!". di na ako lumingon pa.
and diyan nagtatapos ang aking kwento.
ay kapal naman talaga ng mukha neto. nakaupo na ito sa hapag namin. sumusubo na ng ulam.
" di ka ba kakain?". ay gusto pa ata nitong mang asar. muli ay bumaling kay mama. they talk comfortable na parang kilala nila ang isa't isa.
"usog ka kunti at uupo ako". umusog naman siya sa kawayan namin na pahabang upuan at simulan na namin kumain.
ngayon lang naging maingay ang bahay namin, sa una ay naiilang pa ako sa isang usag na ito. pero kalaunan ay nagiging komportable na din ako sa ugali niya. di naman pala ito masama gaya ng ibang basagulero sa mga kalye.
beyond this wall ay may nakatagong katauhan na di ko pa natutuklasan ng maayos. all i need is to understand him. how can like him na mayaman ay papasok sa maliit na bahay at kakain ng mga lutong ulam na ordinaryo lang kaysa sa mga kinakain nila sa mamahaling restaurant. how can like him talk comfortable sa amin na parang pantay lang ang estado sa buhay.
beyond this wall, a rich kid like him is kind and friendly. may saltik nga lang pero ayos naman.