CHAPTER 17

1892 Words
Chapter 17 Kinancel lahat ni Renzo ang kanyang mga meetings ng araw na iyon, tinawagan siya ng Security guard sa kanyang bahay para ipaalam na umalis si Isabella sakay ng taxi. Tinawagan siya ng bodyguard ni Isabella,sinabi nito kausap ni Indira si Isabella  sa avenues mall at umalis ito kasama isang lalake sakay ng isang suv. “Ano gusto mo mangyari Isabella” Trying to leave me? In your Dreams, hindi ako papayag na mangyayari yan, habang buhay ako manatili ka sa tabi ko. Sa ayaw at sa gusto mo.” Wala pa isa minute, nakarating na siya sa address na binigay ng bodyguard ni Isabella sa kanya kung saan tumuloy ang kanyang asawa at kasama lalake. Maisip lang na me kayakap na ibang lalake ang kanyang asawa, nagpupuyos na ang kanyang damdamin sa selos at galit. Ang apartment ay matatagpuan sa Central Square ng Europe. At isa sa mga luxurious apartment, Narating nito ang apartment at pununtahan agad kung saan ang floor ng lalake kasama ni Isabella. Pinindut nito ang doorbell, walang nagbubukas ng pintuan, sinubukan nito ulit.Wala pa rin nagbubukas. Sa subra galit napasuntok si Renzo sa pintuan. Pinuntahan nito ang information ng building para alamin kung sino nag rent sa room na iyon. Napag alaman nito isang nangangalang Felipe Murillo ang nakatira sa apartment na iyon. Tinawagan nito ang kaibigang detective para alamin kung sino itong Felipe Murillo at kung ano uganayan nito sa asawa. ****** Kanina  pa nakarating si Renzo sa kanyang opisina, pero hindi pa rin mapakali, naiiisip pa rin nito ang kanyang asawa, kung sana hindi nito pinairal ang pride at galit. Hindi sana aalis ang asawa. Napukaw ang pag iisip ni Renzo habang nakamasid sa tahimik na siyudad ng Central Europe. Ang kanyang opisna ay matatagpuan sa gitna ng Slovenia, isa ito sa pinakamatayog na gusali sa gitna ng tahimik na lungsod. Muli tumunog ang intercom bago sinagot ni Renzo,pinindot nito ang pulang buton.”Yes, Rose?” Sir, nandito na po si Mr.Loria. “Sige papasukin mo” Pumuwesto si Renzo sa kanyang executive desk at hinintay ang pagpasok ng kanyang panauhin. Ilang saglit lang, bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaking nakaitim na pantalon maong,putting t-shirt, at itim na jacket na balat. Hinubad nito ang suot na sunglasses nang ganap na makalapit sa mesa ni Renzo. “Kumusta ang lakad mo” tanong ni Renzo matapus paupuin ang panauhin. “Positive sir, anito”Pagkunwa’y iniabut sa kay Renzo ang hawak na maliit na brown envelope. “Nandiyan ho ang lahat na impormasiyong pinapakuha niyo.” Binuksan nito ang brown envelope. At inilabas ang laman nito. Larawan ng lalaki ang tumambad sa kanyang paningin. Kagyat na napakunot ng noo si Renzo sa napagmasdan. Kung susumahin nasa 25-26 ang edad ng lalaking nasa larawan Mababakas ang palalong kagwapuhan at kakisigan na taglay nito. Ito si Felipe Murillo? Tunog pa lang ng kanyang pangalan ay sapat na upang mag aapoy ang dibdib ni Renzo para sa lalaki. Hindi niya napigil ang pagtagis ng mga bagang habang pinag mamasdan ang larawan ni Felipe. Na ipinagtaka ng kaharap na upahang detective. Wala ito ideya sa tunay na dahilan ni Renzo sa taong  pinaimbestigahan. Gayunman, nagsimula ito mag pahayag. Siya si Felipe Murillo, Mula sa angkan ng mga Pulitiko sa Bordeaux, France. Nagkaroon ng dalawang short-lived affair pero hindi nagtagal. Siya lamang sa kanyang pamilkya ang hindi pumasok sa Pulitika. Mas ninais niya pamahaalan ng mga negosiyo ng mga pamilya Murillo sa France. Binitiwan ni Renzo ang larawan at minasdan ang isa pa larawan nasa envelope, Si Felipe pa rin pasakay sa itim na Mercedes benz nito. Ang pangatlong larawan ang nag panganga kay Renzo, Sideview ng babaeng naka damit ng kulay rosas na damit. Nacapture ng camera ang pagsway ng mahabang buhok nito sa ere na lalong nagdagdag sa kaakit akit nitong anyo. Kinasabikan nito ang mukhang iyon na close up shot. Mabilis siyang naghagilap sa mga natitira pang larawan. Kagyat na nahuli ng kanyang mata ang hinahanap. Kuha ng babae nakaharap sa camera. Bagamat hindi nito alam na palihim ito kinukunan ng inupahang detective ni Renzo. Sa kabila ng pagkahapong nakabadha sa anyo nito,hindi kayang tabunan ang taglay nito natural na kagandahan. Mapside view- mapafront view,maganda talaga ang babae sa larawan, mala anghel ang maamo mukha,inosente ang dating yet kabigha bighani ang taglay na dating, yan ang paglalarawan ni Renzo sa kanyang asawa. Na lalong nag pasidhi ng pagkauhaw ng kanyang puso, naalala nito nitong sitahin niya si Indira, kulang na lang ay sakalin niya ang babae sa subrang galit. Nalaman din niya ito ang nag publish sa kuhang larawan nakalagay sa peryodiko. Tinawagan nito ang kilalang publisher at pinasara lahat ang may ugnayan sa mga nag publish ng kanilang larawa ni Indira. Nabuhay ang piping pag asam na mahahanap niya ang asawa at ibabalik sa kanilang bahay. Ngunit nabigo ang kanyang pagaasam ng muli magsalita ang detective. That Isabella Bustamante, Ang anak ni Eduardo Bustamante sa kanyang unang asawa, na ngayon may pangalawang asawa nagngangalang Vicky Bustamante, may anak sila nangangalang Stefanie Bustamante. Ang pamilya nila may mga hotel business dito sa Europe. Si Isabella at Felipe ay dating classmate during Colleges day, isa sa matalik na kaibigan ni Isabella si Felipe. Patungo sila sa Airport ng araw na yan sir. Ayon sa napagtanungan ko ng impormasion. Isang damdamin ang umiiral ngayon sa kanyang isipan poot at galit. Dahil ang kanyang pinakamamahal at sumama sa ibang lalake. At ngayon pa lang ay aanhin ni Felipe Murillo ang kanyang galit at poot. Nang umalis ang detective makaraan nito isyuhan ni Renzo ng personal check na may pasubrang halaga bilang bunos for job well done, muli niyang diniinan ang buton ng intercom upang tawagin ang atensiyon ng kanyang secretary. “Sir” sagot sa kabilang linya “Come here,Rose” “Yes Sir” Saglit lang ay nasa harap n ani Renzo ang matapat na kalihim “Paki check lahat ang flight kung saan ang mga destination ng araw at oras na ito.” Iniabot nito ang isang papel kay Rose na naglalaman ng imfornation ng asawa at kasama nito. Paki cancel lahat ng aking appointment utos nito at nag mamadali ng Umalis. ****** Maaga umuwi si Renzo sa kanyang Villa, sinalubong ito ni Nana Renta. Umupo ito sa kanyang sofa sabay hawak nito sa ulo. Wala ba siya nabangit sa inyo Nana? Tanong nito sa katiwa habang hinihililot nito ang kanyang sentido Tinanong ko siya kung ano oras siya babalik, pero wala naman siyang sinabi, sabi ko mag pahatid na lang siya sa driver at huwag na tatawag pa ng taxi, pero nagpumilit pa rin na mag taxi. Araw araw siya umiiyak Sir Renzo, naawa ako sa kanya dahil alam ko mahal na mahal ka niya.” Paliwanag ni Nana Renta sa kanya. “Sige na, iwan mo na ako” Sinandal nito ang ulo sa sofa, at nagsimla maalala ang nakalipas na araw. Mula ng mangyari ang gabing iyon, pinasiya niyang dumistansiya muna sa asawa. Gabi na ito dumarating, sinisilip ang asawa habang tulog sa kanilang kuwarto, sa tuwing lalapitan ito nag aalanganin.at aalis muli. Nang mga oras na ito gusto mag wala, magalit. At gusto ilabas lahat ang laman ng kanyang dibdib. Tumayo ito at tinungo ang kanyang wine bar, Nagsalin ito ng alak sa kanyang kupita. Gusto nito mag pakalasing at lunurin ang alak  lahat ng alala ng asawa. Kung kalian handa na siya makipag kasundo sa asawa, humingi ng tawad dito at ipaliwanag lahat na walang namamagitan sa kanila ni Indara, saka naman umalis na ang asawa at sumuko na ito sa kanya. Sunod sunod ang paglagok nito sa alak, hangang di niya namalayan halos ubos na laman ng bote. Sa subrang kalasingan ay pasuray suray ito umakyat sa kanilang kwarto ni Isabella.Tinitigan nito ang kanilang kama, naalala na naman ang matatamis nila alala, bago dahang dahang humiga, ilang dandali nakatalog na sa subrang kalasingan at pagud na katawan. Napangiti at parang nabunutan ng tinik si Isabella ng lumapag ang sinakyan nilang eroplano ni Felipe sa airport. Sa apartment mo na ba tayo tutuloy or sama ka muna sa akin, sa bahay ka na lang mag dinner. Yaya ni Felipe kay Isabella. “Bakit ba dina lang sa bahay ka tumira, maka save ka pa, saying din yan pang baayd mo sa rent.” Hikayat nito sa kaibigan. “Subra subra na naitulong mo sa akin, Felipe.” Ayaw ko naman maka disturb sa iyo at sa pamilya mo” sagot nito sa kaibigan. “Saka may work naman ako, sapat na ang kinikita ko sa Digital marketing para pantustus ko sa araw araw na pangangailangan ko.” “Kung may kailangan ka, tawagan mo lang ako, sabi nito habang pasakay na sila sa kanilang sasakyan mag hatid sa kanila. “Hatid mo na lang ako sa apartment, Felipe para makapag pahinga muna ako, at ikaw din alam kung pagud ka na rin.”Napansin nito nakapapaisip si Felipe at tahimik. Me problema ba? Tanong nito “Me pumunta daw sa apartment ko, isang lalake daw at hinahanap ako,mukhang galit na galit na daw” sabi ni Felipe kay Isabella.” Baka ang asawa mo yun at hinahanap ka na” “Baka me nakakita sa atin sa avenue kaya natuntun nila ang place mo” sagot nito kay Felipe. “Ok lang, ang importante natulungan kita, at nagkataon andun ako ng araw na need mo ang tulong ko” sabi ni Felipe “Subrang pasalamat ako, naging kaibigan kita sabay yakap dito.” “Wala ka ba balak balikan ang asawa mo”tanong nito kay Isabella “Sa ngayon ayaw ko pa muna isipan, Felipe” Hayaan ko na lang na ang panahon ang magpasiya” malungkot nito sabi “Sa ngayon kailangan ko muna maka survive,Felipe” at Salamat ng marami sa iyo”nagpapasalamat na tugon nit Isabella kay Felipe. “Malapit na tayo, yan ang apartment mo wika ni Felipe habang itinuturo nito ang malaking apartment.” Nagulat si Isabella sa natawin kanilang nadadaanan, dahil hindi basta basta subsdivision ang kanilang pinasok. Alam niya mga may kaya lang sa Alta Sociedad ang maka afford sa mga bahay dito, hindi pala bahay kundi Mansion na, mayaman sina Felipe matagal na niya alam, pero hindi niya expect na talagang napakayaman pala ang kaibigan” “Felipe,bakit ito ang kinuha mo apartment, baka hindi ko ito kaya bayaran” makungkot nito sabi sa kaibigan” “Huwag ka mag alala, pag aari ito ng pamilya namin” ako ang bahala” paliwanag ni Felipe sa kanya. “Hindi ba kalabisan na ito sa iyo at sa pamilya mo” nahihiya nito sabi sa kaibigan “Halika na, para makita mo sa loob, sigurado ako magugustuhan mo dito” yaya ni Felipe kay Isabella. Sabay baba sa sasakyan nila. “Kahit alanganin ay bumaba na rin at sumunod na rin kay Felipe.” “Sabi ko naman sa iyo, kahit maliit na apartment lang, ok na sa sakin. Nahihiya nito sabi sa kaibigan ‘hindi na pinansin ni Felipe ang pag proprotesta ng kaibigan. “Lalo nalula si Isabella ng makapasok ito sa loob ng kabahayan, mamahalin lahat ang muebles sa loob. Halos pareho sa villa ni Renzo, halos mamahalin din laman ng kanyang bahay. “We are bestfriend remember,magkaramay anuman darating na problema diba.””Niyakap niya ito at nagpasalamat. Magbabayad ako ng rent dito nakakahya sa pamilya mo, Felipe.”subra sura na ang naitulong, pati ikaw madadamay sa galit ni Renzo niyan. “Saka mo na alalahanin ang mga iyan, sa ngayon magpahinga ka na muna,wika nito sa kaibigan. At nag paalam na ito. Nakaalis na si Felipe, pero nanatili pa rin siya nakaupo.Natitigilan siya, Bakit masakit pa rin sa kanya pag naiisip ang asawa.,Ah, ayaw na niya isipin pa ang dahilan. I should feel relieved. Sa wakas ay nagawa na niya makaalis sa poder ni Renzo, diba ito naman ang gusto ko mangyari ang makalaya sa kasalang hindi naman para sa kanya. “Hindi ko alam kung ano magiging buhay ko dito, pero sisikapin ko kalimutan siya. At may isa pa siya ikinatatakot, pero sana nagkamali siya ng hinala.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD