lll. I LOVE YOU PAPA

1095 Words
"Honey! Finally, natapos na rin ang matagal ko ng paghihintay. Kompleto na ang naipon natin pambili ng kotse!" masiglang pahayag ni Lance sa asawang si Rica. Kasalukuyan kasing binibilang nila ang halos dalawang taon nilang ipon. Hindi yon sa bangko kundi nag ipon challenge sila ng asawa. May binebenta kasing second hand na sasakyan ang kanilang kumpare at kulang na kulang pa ang kanilang cash kaya pinag-ipunan muna nila iyon. At ito na nga, dumating na ang pinakahihintay nila.Sa wakas mabibili na rin ni Lance ang kotse ng kanyang kumpare na pangarap niyang mapasa kanya. Kinabukasan. Pasipol-sipol pa siya habang minamaneho ang bago niyang kotse. Walang pagsidlan ng tuwa ang kanyang puso dahil sa wakas pag-aari na niya ang kotseng matagal na niyang pangarap na mapa sa kanya. Sinundo lang niya ang kanyang mag-ina para kumain sila sa labas. Gusto niyang ipasyal ang kanyang mag-ina gamit ang bago nilang sasakyan. Naging masaya silang mag-anak ng araw na iyon. Si Junjun na limang taong gulang nilang anak ay tuwang-tuwa habang sumasakay sa mga rides na pambata sa mall na kanilang pinuntahan. Isang araw. Abala sa pagwa-washing ng kotse si Lance, si Rica naman ay nagluluto ng pananghalian. Si Junjun ay abalang naglalaro sa garahe habang patingin-tingin sa ginagawa ng ama. Maya-maya ay pumasok saglit si Lance sa loob ng bahay para kumuha ng pranela na gagamitin pang tuyo sa kotse. Sa pag-alis niya, tumayo si Junjun at lumapit sa kotse. Ang musmos na bata ay nakakita ng pako na nasa sahig at agad na nagsulat sa katawan ng kotse. Tuwang-tuwa pa ito habang sinusulatan ang kotse ng Ama gamit ang pako. Mababakas sa mga mata nito ang kasiyahan habang ginagawa iyon. Patuloy lang ito sa pagsusulat, tila hirap na hirap pero pinilit niyang tapusin iyon. At nang matapos ng bata, tuwang-tuwa itong nagtatatalon at pumapalakpak pa. Iyon ang naabutan ni Lance, bigla ang pag-akyat ng dugo niya sa ulo dahil sa matinding galit at biglang hinila ang anak. "Anong ginawa mo Junjun?! Walang hiya kang bata ka! Anong ginawa mo sa kotse ko?!" galit na sigaw niya dito. "S-sinulatan ko lang po Papa," nahihintakutang sagot ng bata at pagkuwa'y tuluyan na itong umiyak. "Ah, sinulatan?! Sinulatan pala ha?!" galit na sabi niya dito at dahil sa galit hindi na nakapag-isip. Iyong hose na gamit niyang pang-washing ang nadampot niya at hindi na siya nakapag-isip. Tuluyan ng nagdilim ang kanyang paningin at walang awang inihampas iyon sa anak. Tumama sa katawan ng bata ang hose. Nagsisigaw ang bata at namilipit dahil sa sobrang sakit. "Tama na po Papa! Mamaaaa!" sigaw ng bata. Nagmamakaawa na ito sa ama pero hindi pa rin tumitigil. Hanggang sa itinaas ng batang noon ay nakaluhod na sa sahig ang kamay at sa maliit na kamay ng paslit tumama ang dulo ng hose na nakakabitan ng bakal na gripo. "AaAahhh!" sigaw ni Junjun. Dahil maliit lamang ang braso ng bata, hindi nito kinaya ang malakas na paghampas ng Ama. May narinig na parang nabali si Lance kasunod niyon ang pagkawala ng malay ng anak. Bumagsak ito sa sementong sahig na wala ng malay. Doon naman napalabas si Rica. "Junjun! Anak ko! Dyosko anong nangyari?" sigaw nito at agad na tinakbo ang kaawa-awang paslit. Si Lance naman ay tila natauhan na ng mga sandaling iyon. Hindi siya makapaniwala sa nagawa sa anak. Tulala lang siyang nakamasid sa kanyang mag-ina. "Honey! Ano pa bang ginagawa mo! Buksan mo na ang pinto ng kotse, dadalhin natin sa hospital si Junjun!" sigaw ng kanyang asawa. Doon lang siya tila natauhan sa pagkakatulala. Tumalima siya sa utos ng asawa at agad na minaneho ang kotse patungo sa pinakamalapit na hospital. Sa Ospital. "Doc, k-kumusta na po ang anak namin? M-Maibabalik pa po ba ang nabali niyang braso?" tanong ng maluha-luhang si Rica. Mahigpit na hawak naman ni Lance ang kamay ng asawa, hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na nagawa niya iyon sa kanyang anak ng dahil lang sa pag-gasgas nito sa kotse niya. "Paumanhin po Mrs, pero malabo na po nating maibalik sa dati ang braso ng anak nyo. Masyado pa po kasing malambot ang buto ng isang batang liman taong gulang lamang. Kung mapapansin nyo, nakalaylay na lang ang kalahating braso ng anak ninyo. Ibigsabihin non, tuluyan na po itong nabali. Habang buhay na po niya itong dadalhin. Ang magagawa ko nalang ay tuluyang maghilom ang sugat sa loob ng braso niya at paghilumin ang mga pasa sa katawan niya. Ano po bang nangyari sa bata Misis, kawawa naman po kasi siya. Napakabata pa niya para danasin ang ganyang kalupitan. " malungkot na pahayag Doctora. Umiyak nalang si Rica, iwinaksi ang kamay ng asawa at binato ito ng masamang tingin. Bagsak ang balikat na una ng umalis si Lance at nagtungo sa silid ng anak. Noon naman ay nagising na ang bata at pilit na umuupo pero hirap na hirap ito. Tumingin ang kanyang anak sa kanya at ngumiti. "Papa!" masiglang tawag ng kanyang anak sa kanya. Dahan-dahan siyang lumapit dito at hindi niya napigilan ang hindi maluha. "S-Sorry anak, sana m-mapatawad mo ang Papa ha," paputol-putol na sabi niya sa anak. "Okey lang po iyon Papa, kasalanan ko naman po ei," nakangiti nitong sabi pero agad na napangiwi ng maramdaman ang kirot ng brasong nabali. Napalapit siya dito ng mabilis. Tsaka inalalayan itong makaupo. "Papa, ang sakit po ng braso ko. Hindi ko po sya maigalaw kasi nakalaylay lang po sya. Maibabalik pa po kaya sya sa dati?" enosenteng tanong ng bata sa ama. Doon na hindi nakapagpigil si Lance. Napahagulhol siya ng malakas at yinakap ng mahigpit ang anak. Sising-sisi siya sa nagawa, pero nangyari na ang lahat kaya hindi na maibabalik ang naganap na. Dumating si Rica at hindi niya natagalan ang mga titig nitong galit at paninisi nito sa kanya. Minabuti niyang magtungo nalang sa kotse sa parking lot ng ospital. Agad siyang napaluhang muli ng makita ang kotse. Papano niya nagawa iyon sa kanyang anak ng dahil lamang sa kotse? Sa galit niya, sinipa niya ang kotse kung saan banda nagsulat ang kanyang anak. Napatingin siya doon at agad na nag-unahan sa pagpatak ang kanyang luha. Nakita kasi niya ang isinulat ng anak. Nakalagay don ang katagang... "I LOVE YOU PAPA" Sising-sisi sa nagawa. Pumalahaw siya ng iyak hanggang sumandal siya sa kotse, padaosdos siyang napaupo sa sahig habang isinisigaw ang... "Patawad anak ko, patawad Junjun." THE END
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD