Chapter Twenty Eight Nothing's Too Late if The Heart is Sincere Andrea Samonte Mayroong nakapagkit ba kuntentong ngiti sa mga labi ko. Kahit na anong pilit kong mag-focus sa trabaho ay hindi ko magawa dahil paulit-ulit kong nakikita ang masayang mukha ng mag-ama ko. Mag-ama. Kahit kailan yata ay hindi ako masasanay na sabihin iyan. May kilig na dulot ito sa kailaliman ng puso ko ngunit mayroon ring kaunting pag-aalinlangan. Hindi ko lolokohin ang sarili ko at sabihing wala na akong nararamdanan kay Isaiah gayung alam kong siya pa rin ang nagmamay-ari nito. Oo nga at may ilang sumubok na makuha ang puso ko pero hindi sila nagtagumpay dahil may iba nang nagmamay-ari nito. Ngayong nalaman kong hindi naman talaga siya kasal at single pa rin siya ay unti-unting natutunaw ang itinayo kong

