Liliana' POV
"Ahg!" Tumilapon ako sa gilid ng sofa ng malakas akong sampalin ni Creek. Hinawakan ko ang nasaktan na pisngi at mahinang humikbi. Bilang lang yata ang araw na hindi ako inaabuso ni Creek. Palagi siyang nagdududa sa amin ni Logan na hanggang ngayon ay may relasyon pa rin kami.
Yes, I love Logan but I married him. Siya pa rin ang pinili ko at hindi si Logan pero hindi ko maintindihan kung bakit nagkakaganito pa rin si Creek.
"Filthy slut woman! A w***e! A gold digger b***h!" Nagagalit ang kaniyang mga kamay na sinabunutan ako. Lahat na yata ng masamang salita sa mondo ay nasabi niya sa akin.
"S-stop...na-nasasaktan na ako Cre-reek..." umiiyak kong sabi.
"You have no right to be hurt! You choose this path! Argh!" Muli niya akong sinampal. Sumubsob ang mukha ko sa gilid ng sofa. Lumakas ang hikbi ko.
"Do you still love him huh? Do you!?" sigaw niya sa akin.
Kahit hindi ko na makilala ang sarili mula sa pag-iyak ay nagawa ko pa rin siyang tingnan at sagutin. "Yes! I love him! I love him until now! Are you happy?"
Namumula ang mukha ni Creek na itinaas sa akin ang kamay at balak akong sampalin ulit. "Go! Slap me! Ruin my face! Ruin my face!" sigaw ko sa kaniya.
Naiwan sa ere ang palad niya. Nagtaas baba ang kaniyang dibdib at pinipigilan ang mga kamay na huwag lumapat sa pisngi ko.
"Bullishit!" singhal niya sa akin. Hinawakan ako sa panga at idiniin sa sofa.
"Huwag na huwag kang magpapahuli sa akin Liliana kung hindi ay ililibing kita ng buhay." Pagbabanta niya. Nanlalaki pa ang mga mata na tinitigan niya ako habang pinagsasabihan. "Hindi kana mahal ni Logan. You're just his toys and nothing. He will never marry a w***e. You're lucky because I still marry you. Slave! Poor! Pathetic!"
Muli akong napaiyak. The reason why I married Creek is because of his money. I don't love him I just obey him for money exchange.
"Don't forget where you came from Liliana. Do you want me to send you back to your rotten hometown!" sighal niya. Binitawan ang panga ko.
Hinding hindi ako babalik sa lugar na pinanggalingan ko. I rather die than go back to my old town. Pero sa yaman ni Creek ay wala itong hindi kayang gawin. Binabaan ko ang pride ko at lumuhod sa paanan niya.
"Please sweetheart don't...don't do this." Pagmamakaawa ko. Niyakap ko ang isa niyang paa at nagpatuloy sa pagmamakaawa.
"Halikan mo ang mga paa ko total ay katulong ka naman dito sa pamamahay ko." Bigla akong nagulat sa sinabi ng asawa ko. Hindi ko akalain na ipapagawa ito sa akin ni Creek.
"Cre—reek.." pabulong kong sabi.
"Do it?" He commanded.
Wala na akong magagawa kung 'di ang sundin siya kaysa naman sa bugbugin niya ako. Paano na ako magpapakita sa kasal ni Logan bukas kung puro ako pasa. Huminga ako ng malalim at nanginginig ang aking mga labi na inilapit sa kaniyang mga paa. Pinilit ko ang sarili kahit diring diri na ako. I kissed his foots.
Sinipa niya ang kamay ko pagkatapos kong halikan ang mga paa niya. "Stay in the house. You will dead if I find out that you sneak out." Banta niya. Tumalikod na ito at lumabas ng bahay.
We been married for a month but he never treated me well inside his household. Palagi kaming nagtatalo dahil kay Logan. He always brought up about Logan and I past relationship. Walang katapusan ang pag-uungkat niya ng nakaraan. Umupo ako sa sofa at hawak hawak ang pisnging nasaktan. Kumuyom ang kamao ko.
"I hate you, Aurelia!"
Aurelia's POV
Bumulong ang luha sa mga mata ko ng mapagmasdan ko ang sarili sa harapan ng salamin. Katatapos lang nila akong ayusan pero mukhang magre-retouch ulit ang make up artist ko. Kasama ko sa room sina Brill at Ate. Hindi sila sumali na maging abay ko. May mga maid of honors at Bestmans raw pero hindi ko mga kilala.
The wedding gown I chosen with Logan was so perfect on me. Bagay na bagay sa akin at para akong ibang Aurelia. I am so beautiful. Ngayon ko pa lang napuri ang sarili ko sa tahang buhay ko.
"Napakaganda mo Au," naluluha na rin na sabi sa akin ni Ate.
Ngumiti ako sa kaniya. Dinikit niya ang ulo sa gilid ng ulo ko. Ingat na ingat na huwag masira ang pagkakaayos ng aking buhok.
"Salamat Ate." Hinawakan ko siya mga kamay at matamis na ngumiti sa kaniya.
Lumapit na rin si Brill sa amin at nakihawak kamay.
"Congratulations my beshy! Matatameme iyong groom mo mamaya kapag nakita ka." Nagtawanan sila ni Ate. Ang make up artist na rin ay nakisabay sa amin.
"Ang hot kaya ng groom mo iha. Sigurado akong 'di kana lugi doon." Kinindatan pa ako ng bading na make up artist.
Napangiti ako sa sinabi niya. "As hot as a hell fire!" sambit rin no'ng isa.
Nagkakatuwaan kami ng biglang pumasok sina Mama at Mama Laila. Parehong nakasuot ng Pilipina gown na kulay puti. Nakalugay ang kanilang mga buhok at sinadya pang ipakulot sa dulo. Aba't nag-couple hairstyle at dresses rin ang mga matatanda.
Nakangiti silang pareho na lumapit sa amin. Hinawakan nila akong pareho sa magkabilang kamay at pinagmasdan mula ulo hanggang paa.
"Ang ganda," bulong ni Mama Laila. Hindi makapaniwala ang ekspresyon ng mukha habang titig na titig sa akin.
"Napakaganda mo anak," sabi rin ni Mama. Parehong tulala.
Pinanliitan ko sila ng mga mata. Parang mga iwan at gusto rin akong paiyakin. Umaapaw na nga ang kaba dito sa dibdib ko ay dinadagdagan pa nila. Tumingala ako at sinilip ang pintuan.
"Nasaan si Lola?" tanong ko sa kanila. Kanina ko pa siya hindi nakikita.
Tumawa si Mama Laila. "Sumakit ang mga tuhod niya kaya nasa reception na. Tulak tulak pa nga ng kuya Ethan mo ang kaniyang wheelchair dahil hindi na makapaglakad ng malayo."
I giggled. Minsan kasi ay sumasakit ang mga tuhod ni Lola. Matanda na rin siya at mahina na ang katawan.
"Ang ganda ninyo pareho." Puri ko sa kanila. Natutuwa ako sa suot nila at ayos.
"Syempre!" Tumaas pa ang kilay ni Mama Laila at nakangiting nagpa-cute. Sina Brill at Ate ay nakasuot lang ng casual dresses pero nagpaayos na rin sa make up artist ko.
Saglit pa kaming nagkuwentuhan sa loob ng dressing room. Puro kasiyahan at magandang papuri ang naging usapan namin. Masayang masaya ako na tila lalabas na ang puso ko. Ito ang araw na pinakahihintay ko. Maraming taon ko itong pinapangarap at palaging pinagdadasal na sana ay matupad balang araw. Heto na! Heto na at magiging akin na siya.
Napahinto kami sa pagkukuwentuhan ng pumasok ang organiser. Pinapalabas na ako dahil magsisimula na ang kasal. Tahimik akong nagdasal habang naglalakad papunta sa reception. Sina Mama ay nauna na sila at iniwan ako sa bungad. Hindi ko nasisilip ang loob dahil ay harang at hindi pa nila binubuksan.
Nang magsalita ang MC at sinabing papasok na ang bride ay dahan dahan na bumukas ang harang. Napatda ako at hindi makakilos ng masaksihan ang kagandahan sa loob. This is a fairytale. Pantay pantay ang mga puting upuan ng mga guest at napapalibutan sila ng mga bulaklak at balloons.
Nakatayo si Logan sa harap kasama ang pari at ang mga abay. Sina Kuya Rio, Ethan at ang papa nila ang nakikilala ko lang roon. Tumayo si Papa sa kaniyang upuan at nakangiting nilapitan ako. Nerbyos, takot, at pag-aalala ang nararamdaman ko.
"Are you ready?" Ibinulong sa akin ni Papa ang kaniyang tanong sabay lapit ng kaniyang braso upang pakapitin ako roon.
Tumango ako sa kaniya at tipid siyang nginitian. Humawak ako sa braso ni Papa at mahigpit na pinulupot ang kamay ko roon na tila doon ako kumukuha ng enerhiya.
Napansin ng papa ko ang kinikilos ko. Bumulong siya ulit sa akin at mababaw na hinaplos ang palad ko sa braso niya.
"Relax anak."
Hindi ko suot ang belo ko. Hinayaan ko iyon na aking likuran kaya kitang-kita ng mga panauhin ang mukha ko at ayos. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Wala akong masyadong kilala sa mga bisita dahil pawang mga kasosyo at kaibigan lang ito ng pamilya ni Logan. Hindi ko alam kung may mga kamag-anak na rin sila sa mga bisita.
Nang tumingin ako sa harapan ay nakatingin na rin sa akin si Logan. Titig na titig at para akong kinukulong sa mga mata niya. Imbes na matuwa ako ay bumulong ang luha ko. Ni minsan kasi ay hindi ko maiwasan na isipin ang panloloko ko kay Logan. Niloko ko lang siya. Biktima ko siya.
Napayuko ako. Pinigilan ko ang luhang balak na bumulong ulit at pinakalma ang sarili. Nang marating namin ang kanilang kinatatayuan ay inilahad ni Papa ang kamay ko sa kamay niya.
"Take care of my daughter, son." Bilin ni papa sa kaniya.
Tumango si Logan. "I will."
Ang init ng palad niya ng hawakan ang kamay ko. Pagbaling ko sa gilid ay kinawayan ako ni Kuya Rio kahit malapit lang ito. Napangiti ako. Logan's brothers and parents like me a lot. Isa lang ang naitatanong ko sa sarili kung gano'n rin ba si Logan sa akin. Matutunan niya kaya akong mahalin kapag nagsama na kami? Mapapatawad kaya niya ako kapag nagtapat ako sa kaniya? Mabigat na kasalanan itong ginawa ko at hindi ko na alam kung paano ko lulutasin isang araw.
"Huwag kang kabahan narito lang ako." He assured me.
Tiningala ko siya. Hindi ako makangiti dahil naiiyak ako. "Relax honey. Sundin mo ang puso mo," ani niya.
Tumango ako sa kaniya. Paglingon ko sa kabila ay sinalubong ako ng matalim na mga mata ni Liliana. Strange woman! Mapula ang lipstick at nakakatakot kung makatitig sa akin. Hindi ko siya pinansin. Kung inaakala niyang maagaw niya sa akin si Logan ay nagkakamali siya. Akin lang ang asawa ko! Hindi ko siya naipagdadamot noon dahil hindi pa kami kasal pero sinisiguro ko na simula bukas ay ako lang ang may karapatan sa kaniya.
Kinuha ni Logan ang atensyon ko at humarap kami sa Pari. Nakangiti sa amin ang pari habang hawak ang kaniyang bibliya.
"Let's started from the vows," nakangiti niyang sabi sa amin.
Humarap sa akin si Logan. Inabutan siya ng microphone at nakangiting tumitig sa akin. Masaya siya. Alam kong hindi kunwari ang ekspresyon ng kaniyang mukha ngayon kung hindi isang kasayahan.
Itinaas niya ang kaliwang kamay at nanumpa sa harap ko.
"I Logan Treveno promise to love my wife, Aurelia Benoist. To protect her, to respect her, to appreciated her, to be faithful to her. I will love her in sickness and health until death do us part."
Nagpalakpakan ang paligid pagkatapos niyang manumpa. Nakangiti siyang inilahad sa akin ang microphone upang ako naman ang manumpa sa kan'yang harapan.
"I Aurelia Benoist promise to love my husband, Logan Treveno. To obey him, to choose him, to make him happy until the rest of my life."
Nagsigawan ang lahat. Lumakas ang musika pati na rin ang ingay ng mga bisita.
"You may now kiss the bride!" utos ng pari.
Napalunok ako. Muli akong hinarap ni Logan at nginisihan. Namula ang pisngi ko dahil hindi man lang siya nahihiya. Para bang proud na proud pa siya sa sigaw ng mga bisita.
"KISS!"
Walang pasabi na dinukwang ako ni Logan at hinalikan sa labi. Masuyo pero matagal. Kung hindi ko pa siya itinulak ay wala itong balak na palayain ang labi ko.
"Yes!" sigaw niya pagkatapos niya akong halikan. Hindi nahinto ang tawanan at palakpakan.
Binaba niya ang labi sa tainga ko at bumulong sa akin.
"You're mine tonight."