Aurelia Dumating ang mga kaibigan ko sa birthday ni Papa. Si Zack ay hindi na rin nagpahuli. Isinauli rin ang cellphone ko na naiwan ko sa kotse niya kahapon. Masaya ang kaarawan ng papa ko. Ang iba naming kapit bahay ay inimbeta namin. Maraming putahe ang niluto nina Mama at Ate. Nag-inuman pa sila kahit tirik ang araw. Kami naman ng mga kaibigan ko ay nagkantahan sa videoK-han nina aling Madi. Kapit bahay namin na may malaking grocery store. "Hay, ang saya ng araw ko ngayon bitches kahit hinahanap ko ang malamig na aircon sa kompaniya ni fafa Logan." Napangiwi kaming sabay ni Brill. Nagpaypay pa si JC na tila init na init sa klima. Itinapat sa kaniya ni Kristine ang nag-iisang electric fan namin sa sala. "Oh ayan! Sana mag-yellow kana sa lamig," natatawang sabi ni Kristine. "Baba

