Aurelia Sumabay sa alon ang malalim kong pag-iisip habang nakaupo ako sa gilid ng karagatan. Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang nangyari sa amin ni Logan. Sariwang sariwa pa ito sa mga ala-ala ko at patuloy akong binabangungot. Ang pagakakasala ko na rin kay Zack ang pinakamalaking bangungot na hindi ako tantanan. After that steamy night with my ex husband here I am in Batangas chilling and relaxing. Pero mukhang hindi naman ako nare-relax, instead ay mas nadodoble ang takot ko't kaba. Nagpapasalamat ako sa mga kaibigan ko dahil pinagtakpan nila ang nangyari noong gabing iyon. When Zack asked where I am. Brill told him that I was with them safely, but drunked. Hindi na rin ako tinanong ni Zack kung bakit kami biglang nawala sa party ng kompaniya at hindi niya kami naabutan roon.

