Kabanata 1: Martians nga ba tayo? (2)

1557 Words
Kabanata 1: Martians nga ba tayo? (Ikalawang Bahagi) Pagpapatuloy... May isang pag-aaral na noong 4,800 B.C ang planetang Jupiter ay nagbago ng pag-revolve sa ating araw. Dahil dito, ang mga 'outer planets' ay nabalahaw ang kanilang pag-revolve kung kaya ang Jupiter ay sumalpok sa isa sa mga planeta sa pagitan nila ng planetang Mars. Ayon sa mga physicist ang labi ng planetang ito ngayon ang Asteroid Belt, at ang malaking bahagi ng Jupiter ay ang naging Venus. Itong Venus naman na ito, na isang dambuhalang tipak ng bagay, nang mapalapit sa Mars ay sinira ang mga buhay at hinigop ang atmosphere ng planetang ito, at nang mapagawi ang Venus sa Earth, ang malakas na gravity ng ating planeta ang humigop ng atmosphere ng Venus na galing sa Mars. Makailang beses na lumigid ang Venus sa orbit ng Earth hanggang sa humantong na ito sa kasalukuyan at regular nitong orbit sa ating solar system. Ito diumanong pagligid ng Venus sa ating planeta ang dahilan ng mga dambuhalang tidal waves noong 4,800 B.C. Mas malapit daw sa araw ang Earth at Mars noon bago pa ito gambalain ng planetang Venus. Kung kaya nga kapag ang Venus ay lumilitaw ng maliwanag sa langit ng Earth ay tinagurian itong 'Lucifer' o light bringer. Ayon sa talaan ng pinakaninunong Mesopotamia at Central America, hindi nila isinali ang Venus sa kanilang 'planetary culture', at kalaunan na lang. May mga obsessed naman sa Venus ang ginawan ito ng kultura, gaya ng pagaalay ng tao (human sacrifices). Ang Venus diumano ay naging isang kometa na nababalutan ng yelo, at ang yelo na ito ay nasira nang mapalapit ito at nag-orbit sa Earth. Ito ay tinatawag na Roche Limit kung saan kung magbabanggan ang dalawang dambuhalang bagay, ay mauuna nang masira ang mas maliit miski hindi ito talaga sumalpok. At dahil sa delikadong radiation ng Araw, at ng Van Allen Belt ay na-ionised o nalusaw ang mga yelong nasira mula sa Venus at hinatak ito ng malakas na pwersa ng gravity ng Earth. Nasa magkabilang polar region ng Earth ang pinakamalakas ang magnetic force kung kaya mapapansing ang pinakamaraming yelo ay naroroon. Bilyong toneladang yelo na nagpababa sa temperatura ng mundo hanggang -273 degree centigrade, at nagdulot ng biglang pag-freeze sa lahat ng bagay na may buhay, na halos kisapmata lang ang bilis. Kung kaya may mga nahukay na labi ng mga mammoth na nanigas sa yelo habang ito ay nanghihinain. Lingid sa kaalaman ng lahat, ang mga mammoth ay hindi uri ng hayop na naninirahan sa malalamig na lugar, sila ay sa mga grassland nanirahan. Kung ang mga ionised ice na ito ay umulan galing sa Venus nung mga panahon na iyon, marami dito ang mapupunta sa mga magnetic pole ng mundo pagkat naroon ang pinakamalakas na pwersa. Sa Aklat ni Job, na pinaniniwalaang isang Arabo, ay may ganitong tanong 'Saan nagmula ang yelo?' (Whence cometh the ice?) Palagay ko ay alam na natin kung saan... Ito rin ang dahilan kung bakit may mga sinaunang mapa na walang mga yelo sa polar regions. Ang mga polar regions ay walang yelo ng hanggang sa 7,000 taon nakalilipas. Wala talagang Ice Age gaya ng sinasabi sa 'official history', ito ay ilusyon lamang. Kung paka-aaralin ang ebidensya ng 'Ice Age' ay matutuklasang nagkaka-kontrapelo ang mga ito o hindi nagtutugma. Bago ang delubyo ng yelong ito, ang Earth ay pinaniniwalaang may pantay na tropical climate sa buong sangsinukob, at may ebidensya ng mga fossilized na mga halaman sa mga sinasabi nating 'polar regions' na maraming yelo. Sinasabi ng mga physicist na ang pressure na dulot ng pag-orbit ng Venus sa Earth ay lumikha ng higanteng tidal wave na may taas na 10,000 feet sa mga karagatan. Kung kaya ang mga sinaunang agrikultura ay nasa altitude na 10,000 feet. Si Plato ay may tala sa kanyang librong 'Laws', sinasabi rito na ang sistemang agrikultura noon ay nasa taas na 10,000 talamapakan matapos sirain ng dambuhalang alon ang mga mabababang lugar ng agrikultura. May pagaaral nga ang isang botanist sa 50,000 uri ng ligaw na halaman, at ang lahat ng ito ay nag-originate lamang sa walong lugar, at ito ay nasa mga kabundukan. Ang mga nasabing higanteng tidal wave ay lumilikha ng 2 tons per square inch na pwersa, na sinasabing dahilan ng pagkakalikha ng panibagong mga kabundukan (mountain ranges), na-fossilized ang lahat ng maraanan nito sa loob lamang ng ilang oras. May mga natagpuan kasing fossilized na mga puno na 'intact' o buo, pagkat kung susundan ang lohika ng fossilization ayon sa 'offcial history at science', kailangan munang mabulok at masira ng isang punong magiging fossil, at kulang kulang na ang mga parte nito. Ang Earth ay may kalapitan sa araw noong wala pa ang Venus, at ang Mars ay sa orbit ng Earth naroroon. Ang mga deep canyons diumano sa Mars ay likha ng malalaking agos ng tubig, at sinasabi ring may mainit na klima ang planetang ito. Hindi na daw gaya ngayon, na kapag nagsaboy ka ng tubig sa Mars ay bigla itong magyeyelo sa kisapmata lang, at sa sobrang nipis o halos walang atmosphere (nearly vaccum) ang himpapawid nito ay kapag naghagis ka doon ng tubig ay agad itong magve-vaporized o magiging 'asó' (vapor). Dahil ang Earth noon ay malapit sa araw, sinasabing ang mga sinaunang tao ng Earth ay lahing itim (black race) upang matiis nito ang matinding sikat ng malapit na araw. Ang mga natagpuang mga buto sa sinaunang Stonehenge na malapit sa England at sa kanlurang baybayin ng France ay nahahalintulad ang 'nasal' (buto sa ilong) at ang spinal column na kagaya sa maraming babaeng Africans. Sa kabilang banda naman, ang mga nananahang tao sa Mars na mas malamig at malayo sa araw, na halos nahahawig sa klima ng Earth sa kasalukuyan, ay sinasabing mga puting lahi (white race), bago sumalpok ang Venus dito. Ayon pa sa mga mananaliksik ay itong mga White Martian na ito ang gumawa sa mga Pyramid na nasa Mars, at siyang naging kalaban sa digmaan ng mga advanced black race upang sakupin ang mundo. Ito diumano ang 'digmaang laban sa mga diyos', na mababasang tala sa sinaunang kasaysayan lalo na sa Hindu Vedas. Ang mga white Martians na ito, na nanahan na sa ating mundo ay hindi na nakaalis dito na wala ang kanilang teknolohiya kasabay pa ng pagkakasira ng kanilang planeta. Itong mga white Martians na ito ngayon ang mga puting lahi o mga 'white people' sa kasalukuyang panahon. Kapag daw ikinulong mo ang mga 'white people' na ito sa isang sensory deprivation tank, ang kanilang circadian rhythm ay 24 hours at 40 minutes, na hindi tumutugma sa rotational period ng Earth, kundi ng Mars! Samantalang ang mga non-white race ay in tune sa rotational period ng Earth. Ang mga white Martians na ito ay walang iba kundi ang mga Phoenicians at Aryans na matagal nang isinasagawa ang pagbalik ng kanilang kapangyarihan sa teknolohiya matapos ngang masira ang kanilang planeta. Itong mga Phoenicians namang ito o kilala pa sa ibang tawag ay sila ring mga 'utak' sa pagkabuo ng Egyptian civilization, mga taong 3,000 B.C. Ang kapatagan ng Giza kung saan naroroon ang mga pyramid ay naunang tinawag na 'El-Kahira', mula sa salitang Arabic na 'El-Kahir' na ang ibig sabihin ay planetang Mars. Ayon sa mga sinaunang tala (ancient texts), ang basehan noon ng oras ay halaw sa Mars. Gaya halimbawa ng March 15, ay ang 'ides of March' (Mars), isang mahalagang pagdiriwang para sa kanila upang gunitain ang oras sa planetang Mars. Ang nasasaad namang kwento sa 'Holy Grail' tungkol kay King Arthur ay isang pagpupugay sa planetang Mars, pagkat ang 'Camelot' ay nangangahulugang 'Mars'. Para sa akin ay kumbinsido ako sa mga tala ng kasaysayan, na nakaranas ng mga matinding delubyo at pagbabago ang ating mundo sa pagitan ng 11,000 - 1,500 B.C. Isa na rito ang pagtatapos ng Golden Age, at pagkasira ng advanced civilization na nauna sa kanila. Ang mga Extraterrestrials ay maaaring nilisan ang planetang ito, o kaya ay lumipad lulan ng kanilang 'space craft' sa pinakamataas na altitude upang takasan ang delubyo ng malaking baha; o kaya sila ay nagsisuot sa kalaliman ng lupa nitong mundo. Marami sa mga E.T na ito at mga tao ang hindi nakaligtas sa mga delubyo. Ang mga nakaligtas, at ang nag-umpisa ng panunumbalik sa kapangyarihan at kanilang teknolohiya ay ang mga E.T. gamit ang mga teknolohiyang natitira. Nahahati sa dalawang kategorya ang mga nakaligtas (survivors); ang mga extraterrestrials origin na may advanced knowledge, o ang human race slaves (na karamihan ay di nakaligtas). Ang mga E.T race ay nahahati din sa dalawang kampo; ang mga nais gamitin sa positibong paraan ang mga advanced knowledge and technology, at ituro sa sangkatauhan ang mga ito. Samantalang ang isa pang kampo ay sinasarili lamang ang mga kaalaman at teknolohiyang ito, at gawing mga alipin ang sangkatauhan. Ang tagisan ng dalawang kampong ito kung paano gagamitin ang kanilang kaalaman at teknolohiya ay nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan. Bagamat nakaligtas ang mundo sa mga delubyo nung 11,000 B.C, ay sinundan naman ito ng mga kagimbal gimbal na kaganapan at mga bagong simula. Ang isang tema na mapapansin natin ay minamanipula at kinokontrol ng mga maaalam, sa pamamagitan ng talino, ng mga advanced extraterrestrial race ang sangkatauhan (humanity). Sa mga susunod na kabanata ay marahil magbago ang panamaw mo sa bagay na ito at talagang mas pagiisipin ka pa. __Wakas ng Kabanata 1__
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD