Ep. I: VIP

1625 Words
The Lady Vs. The Genius Ep. I: VIP [Some time ago in Cambridge Palace] "Momma, you are packing my things. Are we going on a vacation? Bakit kayo po ang gumagawa nyan?" tanong ko. Niyakap ako ni Mama habang nangingilid ang kanyang luha, "Yes, darling. You must go on a secret vacation. That's why Momma has to do it." Bakit umiiyak si mama at bakit ako lang ang magbabakasyon? Pinunasan ko ang luha sa mukha ng aking ina, "Are you not coming with me, Momma?" tanong ko ulit. "Momma has to stay here and look after your Papa, so you have to go alone." Lalong umiyak si Mama kaya napaiyak na rin ako. "Is Papa going to be alright?" mahikbi-hikbi kong tanong. "I don't want to go on a vacation. I want to wait until Papa is ok again. Let's go together when he gets better, please, Momma." Pagmamaka-awa ko. Pinagpatuloy ni Mama anf pagsasa-ayos ng mga gamit ko. "Lily Anne, promise mo kay Mama na magpapakabait ka doon kina tito mo ah? Doon ka muna sa bahay nila kasama ang tita mo at si Chiyo." “Mamimiss ko kayo ni Papa.” Pinipigilan ko nang umiyak Tiningnan ako ni mama, hawak nya ang mga pisngi ko, "When you turn 18, you will return here. At that time, you will be the Duchess of Cambridge. Your father found someone who will be your force to take back what is rightfully yours, so be brave, my little Lily." "Yes, Momma. I will," tumango ako. ~ “Opo, Mama… O—” Naalimpungatan ako dahil sa pagsa-salita ko. “Yurime!” Hindi ko pa naigalaw ang ulo ko. Namanhid na ata sa pagkakahiga ko nang matagal. Dahan-dahan akong umupo sabay kamot sa ulo. Gising na si Chiyo ang pinsan ko. “Nananaginip ka pa?” nakapamewang na sya. Daig nya pa ang nanay. Pumalakpak sya sa tapat ng mukha ko na pagka-lakas, “Tanghali na! May pasok pa tayo!” Biglang nagising ang diwa ko. Napatayo ako at dali-daling hinila ang tuwalya na nakasabit malapit sa pintuan ng banyo. Almost thirteen years ago nang ipadala ako ng mga magulang sa Japan para manirahan sa bahay ng tiyuhin ko bilang anak nya. Kailangan kong magtago at ilihim na ako ang nag-iisang anak ng duke ng Cambridge. Matapos kong maghilamos, nagpunas ako ng mukha. Napatigil ako nang mapansin ko na nawawala na ang kulay itim sa tuktok ng ulo ko. Kailangan ko na magpa-retouch ng kulay. Sabay kinuha ko ang contact lens sa cabinet para takpan ang kulay berde kong mga mata. Isinuot ko ang bagong uniform ko para sa bagong school. Paglabas ko ng banyo, iniabot ni Chiyo ang kulay itim na ribbon. Tiningnan ko muna bago ko isuot—may itim na butones ito at may naka-sulat sa gitna na kulay gold. Habang isinusuot ko, naalala ko yung sabi ng pinsan ko. Sa school nila, kapag naka-black ribbon ka, VIP ang tawag sa inyo- mga scholar ng bayan. Nasa 20 percent sila. Mga Silverliners ang mga naka silver ribbons na ibig sabihin ay scholar ng school. Mga estudyanteng nakakuha ng 95% score sa exam kaya naging scholar. Wala pang 10 percent ang bilang nila sa school. At ang mga naka-red ribbon na nagma- match and ribbon sa coat ng school uniform ay ang mga Aristocrats or Redsters. Sila yung mga karaniwang mayayamang bata sa school na nagbabayad ng tuition. Higit 70% ang bilang nila. Ang top five students ay naka-gold ribbon—Elites ang tawag sa kanila. Matapos ang ma-seremonyas ko’ng pag-gayak, umalis na kami ni Chiyo. Habang papalapit kami nang papalapit kami sa school, parami nang parami ang mga magagarang sasakyan ang nakakasabay namin habang kami naman ay nasa ordinaryong sasakyan lang. Ilang sandali lang ay nakarating na din kami sa pagkalaki-laking gate ng school. “Mukha na talaga kayong kambal!” sabay tawa ng tiyuhin ko, ang tatay n Chiyo. Siya namang irap ni Chiyo sa pagtawa ng tatay nya kaya natawa na lang din ako kahit di ‘ko alam kung nang-aasar lang ba talaga siya. “Papasok na kami!” sabay labas si Chiyo nang sasakyan at sumunod na rin ako. “Ingat!” sabi naman ng tiyo ko habang nakadungaw sa bintana ng sasakyan. Tumingin sya sa’ken at sumenyas na lumapit ako sa kanya. “May balita ako sa’yo. Sabi ng mama mo nakakatayo na ang papa mo ulit!” bulong nya habang iniaabot ang sobre saken. “Ito. Maya mo na basahin.” Sabay kindat. “Thanks, Dad! Una na ‘ko. Ingat sa pagmamaneho, ah?” sabi ko. “Thanks, princess. ‘Wag iiyak ah. Papanget ka!” sabay tawa nya. “Alam ko,” inis kong sabi. “Ba-bye!” sabay andar. Hinabol ko si Chiyo papasok sa school. Sobrang laki at lawak dito sa loob, parang kalahati na nang buong siyudad sa laki. Nakita ko ang banner ‘Learning is unending’ ang nakasulat. Nice one. Sobrang nakaka-sosyal malaking fountain sa entrance sabay ang kulay pulang pader ng school na ang lakas maka-London vibes. Dumiretso kami sa shoe locker area. Sa kaliwa ay ang mga itim na locker, sa kanan ang mga silver locker. Pag-bukas ko ng shoe locker ko, nagulat ako na may sterilizer pala ‘to at ang sapatos—wow! Sigurado ba sila na Chanel talaga dapat ang sapatos? Sana nakakatalino ‘to. Matapos naming mag palit ni Chiyo nang sapatos, niyakag ako niya na ‘ko papunta sa mga classroom. Huminto kami sa tapat ng classroom na may naka-lagay na 2-B sa taas ng pinto. “Dito classroom namin,” turo nya sa classroom sa likod nya. “Mamayang lunch ah?” “Yes, ma’am!” sagot ko. *Bell rings* Nang buksan ko ang pinto may sumalubong na lumilipad board eraser na sumapol sa pader sa gilid ko. Nagtawanan ang mga tao naka-pwesto sa bandang harapan. Mga hunghang. Napasimangot agad ako pero pinigilan ko ang gigil ko sa kanila. Pangit naman kung makikipag away ako agad, eh unang araw pa lang. Pumunta na lang ako sa bakanteng upuan sa bandang likod para malayo sa kanila pero mukhang ayaw nila ng tahimik na buhay. Nilapitan ako ng makukulit na Redsters na ‘to, kasama ang isang kalbo na walang suot na ribbon. “Hi!” umupo ang mayabang na kalbo sa lamesa ko. “Bago ka dito?” tanong nya. Napataas ang kilay ko, “Oo. Hwag kang umupo sa lamesa ko.” “Woah!” kantiyawan ng mga Redsters. “You’re just type,” sabi ng buwisit na ‘to sa’ken. Isang kalokohan na walang maniniwala. Napatayo ako sa inis, “Hindi nakakatuwa!” Hahawakan nya sana ako sa ulo nang bumukas ang pintuan. “Good day, class,” ~ ah, pumasok ang teacher, finally may magsa-saway na sa mga lokong ‘to. May katandaan na si sir. Tila may dumaan na anghel nang tumahimik ang paligid. Kumalma ang inis ko nang tumunog ulit ang bell at syempre dahil nandito na ang teacher. Walang introduction. Isinulat lang ni sir ang pangalan nya sa board. ‘Mr. Hasegawa’. Gumuhit sya sa kalahit ng pisara at patuloy na nagsulat. Kumuha ako ng notebook at ballpen sa bag ko para kopyahin yung nasa board. Habang nagsusulat ang lahat, maliban kay kalbo, bumukas na naman ang pinto. Naunang pumasok ang dalawang Redsters na babae kasunod ang isa pa naka-gold ribbon. Kulot at mahaba ang buhok. “Class dismissed!” napatigil ako sa sinabi nya habang nakangiti. May kasunod pa syang lalaking naka-bangs na halos matakpan ang mukha. Wala ring suot na ribbon ang isang yun. “You take your rest, Mr. Hasegawa. Thanks!” sabi pa nung kulot na babae. Parang mali ata ang desisyon ni Dad na ilipat ako dito sa school na ‘to ah? Imagine, teachers yung sumusunod sa estudyante. Umalis si Mr. Hasegawa at dumiretso ng pasok yung mga baging dating. “New silver liners?” tanong nung kulot bago sya umupo. “Wala, Loveydoves eh,” parang disappointed pa si kalbo pero tumayo sya sabay akbay dun sa babae. “Tigil-tigilan mo nga ‘ko, Uno. Pag sinapak kita makikita mo,” inaalis nung babae ang kamay ni Uno sa balikat nya. “Pero may bagong VIP!” sabay baling ng tingin sa’ken ang mokong. Pinawisan bigla ang paa ko nang lumingon sa’ken ang mga kaklase ko. Lumapit sa’ken yung lalaking payatot na mahaba ang bangs. Kinuha nya ang bag ko at hinagis sa my pintuan sa likod. Napatayo ako, “Ano b—” “Upuan ko yan,” sabi nya. Buwisit na ‘to?! “Ganito pala kayo mag-welcome sa mga estudyante?” Nagsimula ang mga bulung-bulungan na parang mga bangaw. Alam ko naman na masama ang makipag-away, pero hindi naman ako ang nagsimula eh. “Hindi mo ba kilala kausap mo?” tanong nya. “Basura.” Basura?! How am I supposed to know eh bago lang ako dito? Napabuntong hininga na lang ako. Pinipigilan kong di sumagot pero nangangati ang dila ko. Lalong napasama ang tingin ko sa kaniya, “Paki ko sa’yo?” Nanlaki ang singkit nyang mata at halatang nabu-buswisit sya. Kinuwelyuhan nya ‘ko at napatingkayad ako dahil matangkad sya. Malakas sya para sa patpatin. “Matuto kang rumespeto,” sabi nya habang nanlilisik ang mata. “No one dares the heir of Hachiban University. No one talks back to Seiko Hachiban. If they do, they die.” Nanginig ang mga tuhod ko. Hinanap ko ng mata ang bag ko, nung nahanap ko, bumilang ako para tumakbo. Isa. Dalawa. Tatlo. “MUKHA KANG ASO!” sigaw ko sa mukha nya sabay tulak nang malakas, sabay takbo papunta sa bag ko. Tumakbo ako nang mabilis na mabilis palabas ng classroom, palabas ng main entrance. [To Be Continued]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD