The Lady Vs. The Genius
Ep. III: Inside GD Jail
Seiko's POV
[Hachiban Residence]
Hinintay kong maka-baba si Seiichan. Hindi s’ya naka-uniform, ibig sabihin ‘di siya papasok.
“May meeting?” tanong ko.
“With school building developer,” sagot n’ya. “Nagpapagawa ng bagong aviary si Mommy.”
Confirmed. Pwede ko nang ituloy ang balak ko sa buwisit na babaeng ‘yon. Mukhang exciting ang araw na ‘to.
“Magpagawa na lang kaya s’ya ng zoo sa school. Wait. Speaking of, saan pala sila?” tanong ko.
Tumingin saken si Seiichi sabay lunok, “Nasa dati nating bahay!” sobrang saya ng mukha n’ya. “They’re giving it off to you for your wedding. Swerte mo, bruh! You’re marrying the Duchess and sa’yo ibibigay yung dream house ko.”
The Duchess. I paused. Will Lily Anne look like the girl in that picture?
“Ngiti ba yan?” nakasilip si Seiichi sa mukha ko. “Naka-ngiti ka!”
“Baliw!”
“I’m excited to see you getting married,” sabi n’ya sabay tayo. “Thanks for the breakfast, Kazehaya!”
Pagka-alis ng kapatid ko, tinawagan ko na ang homeboys ko para i-ayos yung kulungan. Lagot talaga yung disrespectful bedbug na ‘yon.
•••>>>OYurime's POV
[Hachiban University]
Bago pumasok, ini-spray ko sa buhok ko yung hairdye na ibinigay sa’ken ni Chiyo para ‘di mahalata yung blonde hair ko. Mag-katabi naman ang classrooms namin kaya sigurado akong ‘di ako mawawala. Nang buksan ko ang pinto sa classroom namin, medyo nakaramdam ako ng kaba. Payapa ang paligid pero kinakabahan ako. Huminga muna ako nang malalim. Sana maging mas maayos ang araw na ‘to.
Pagka-upo ko, nilapitan ako nung isa sa mga alipores ni Hachiban.
“Hey, Hanazaki.”
“Bakit?”
“Hina-hanap ka ng student council president” sabi n’ya habang naka-taas ang kilay.
“Bakit daw?” Tumayo ako.
“May ibibigay sila sa’yo. Badge for newbies. ‘Di ba nasabi ng ate mo? Meron s’ya nu’n,” sagot n’ya naman.
Wala namang nasabi si Chiyo about sa badges. Tsaka may student council pala dito? Strange.
“May tanong ka pa? Naghihintay na sila,” ang demanding n’ya.
Habang sinusundan ko s’ya, mas lalo akong kinabahan. Tumigil kami sa office ng student council at kumatok s’ya.
“Dito ka lang,” utos n’ya. “Tatawag ako, baka may meeting.”
“Bakit? ‘Di hinihintay nila ‘ko? Or mali yung intindi ko?” tanong ko ulit.
“Manahimik ka na lang,” tsaka s’ya tumalikod at lumaya nang kaunti.
Hindi na ulit ako nagtanong. Tumingin na lang ako sa orasan. Masyado nang natatagalan ang paghihintay namin. Naisipan ko na ring kumatok pero ‘di ko itinuloy. Almost fifteen minutes na kaming nakatayo rito at magisisimula na ang klase.
“Hanazaki!”
Biglang may usok galing kung saan. Hinanap ko yung tumawag sa’ken at hindi s’ya yung kasama ko kanina. Parang may tanke ng gas na sumisirit. Patakbo na sana ako pero parang marami na ata akong nalanghap na usok. Unti-unti kong naramdaman ang binti ko sa sahig. Kusang pumikit ang mga mata ko.
Sa sunod kong pag-dilat, madilim ang palagid.
Namamanhind ang buong katawan ko. Nakayakap ako sa binti sa loob ng kahon at galing sa tuktok. ‘Di ako makagalaw. Pinigilan kong huminga saglit para maialis ang kamay ko sa may binti. Unti-unti akong nakagalaw at nakatayo.
Dumaloy ulit nang ayos ang dugo sa katawan ko. Mukhang na-set up ako. ‘Di dapat ako sumunod sa Redster na ‘yon!
Naririnig ko na ang mga tawanan kaya napatingin ako sa paligid. Parang nasa hawla ako.
Saka ko namalayan na napaka-baho pala sa loob na ‘to. Samu’t-saring amoy ng nabubulok na kung ano na talaga namang nanu-nuntok at yuma-yakap sa ilong. May mga uod, singsing-pari, tarantula at mga hantik. Muntik na ‘kong mapasigaw pero napigilan ko ang sarili ko. Galing ako sa science school, hindi bago saken ang iba’t ibang klaseng insekto.
So, parang t*****e arena ba ‘to? HAHA. Pa’no mo sasabihing mababaw ka nang hindi sinasabing mababaw ka?
“Hanazaki!” may speaker dito sa loob. “Naka-tulog ka ba ng mahimbing? Inihanda ko talaga ang GD jail para sa’yo. Welcome gift!” nakaupo ang mokong sa mataas na upuan hawak ang microphone.
Hindi naman ako natitinag ng GD Jail n’ya na ‘to. Anong ibig sabihin ng GD Jail? Daming alam. Naramdaman kong may gumagapang na tarantula sa’ken kaya kinuha ko na lang at hinimas.
Lalong nainis si Hachiban at bigla s’yang sumenyas sa alipores n’ya. Bumukas ang kisame at bumuhos ang ‘sangkaterbang tubig sa ulunan ko, basang-basa pati medyas ko. Saka ko naalala, washable ang hair dye ko nang makita ko na may tumutulong itim na tinta.
Anong gagawin ko ne’to? Gusto kong umuwi.
Matapos nilang magbuhos ng tubig, binuhusan naman nila ‘ko ng slime. ‘Di sila tumigil hanggang ‘di ako umiiyak. Yumuko lang ako para ‘di malagyan ang mata ko at baka ma-contaminate ang contact lenses ko. Naawa ako sa sarili ko bigla. Ramdam ko kung gaano ako kahina at walang magawa.
Sa sandali nabingi ako, narinig kong bumukas ang pinto. Pinatitigil silang lahat. Di ako lumingon pero ramdam ko ang pag-punas n’ya sa ulo ko.
“’Wag ka umiyak, bestie. Si Seiichan ‘to.” ~sino bang nag-sabi na umiiyak ako?
Pinunasan n’ya ang mukha ko kaya nakadilat na ulit ako nang ayos. Ini-suot n’ya sa’ken yung coat na suot n’ya, at saka n’ya ‘ko inalalayan lumabas. Tumahimik ang lahat sa paglabas namin.
Dinala ako ni Seiichan sa isang bahay sa loob ng school. Pwede pala ang ganito dito?
Bumukas ang pinto at inutusan ni Seiichan ang ale. Sinamahan ako ng ale sa banyo para makapag-linis ng katawan. Nagbanlaw muna ako sa shower dahil sobrang daming nakadikit sa katawan ko, lalo na sa buhok. Nang makabanlaw ako, sumalang naman ako sa bathtub na may milk at rose petals para matanggal yung amoy na kumapit saken. Tinulungan pa rin ako ng ale.
“Salamat po,” sabi ko naman.
“Walang anuman. Ano nga ang pangalan mo, ineng?”
“Yurime Hanazaki po,”
“Ang ganda, bagay sa’yo.” Sabi n’ya. “Alam mo, may kondisyon kase si Seiko kaya mabilis s’yang magalit eh. Pero mabait s’yang bata, hija. Hindi lang n’ya ipinahahalata. Sana magka-ayos kayo.”
Kondisyon? Hindi halata na mabait s’ya, pero halatang masama ang ugali n’ya. Abnormal.
“Sana po,” sabi ko na lang dahil mabait si ma’am.
“Napaka-bait n’yo po,” sagot n’ya ulit.
‘N’yo po’? Ang lalim naman ng pagkabati na ‘yun. Nang makatapos ay binigyan ako ng pamalit na damit saka ko pinatuyo ang buhok ko. Pag-labas ko ng banyo, sinalubong ako ni Chiyo.
“Lily!” bulalas n’ya sabay yakap. “Sinaktan ka ba ng mga ‘yon?”
Napalunok ako, “Ayos naman ako.”
Napansin ko ang orasan, lunchtime palang pala.
“This is unacceptable, Mr. Hachiban!” Bulyaw ni Chiyo kay Seiichan. “’Di ba dapat safe ang mga estudyante rito? This is insane!” nanggigigil n’yang sabi.
“Pasensya ka na talaga, lalo na kay Yurime. Hindi ‘ko kase alam kung ano bang naiisip ng kapatid ko pero gagawa ako ng paraan para hindi na ‘to maulit.”
[To be continued]