Ep. IV: Introduction To War

1264 Words
The Lady Vs. The Genius Ep. IV: Introduction To War Yurime's POV [Hachiban University] Bago bumalik sa homeroom, ipina-check muna ako nina Seiichan at Chiyo sa clinic. Wala namang physical injuries kaya ‘di pa makukulong si Seiko Hachiban. Malayo naman sa bituka ‘yon pero nakaka-trauma. Hinga muna malalim bago tumapak sa impyerno. “Aba, aba, aba! Buhay ka pa pala?” panga-asar ng pinuno ng kadiliman sabay tawanan ang mga kampon n’ya. “Seiko!” saway ni Seiichan. Tumigil si Hachiban sa pag-tawa n’ya, “Sige. Titigil na.” pero yung ngisi nya ay nagsisinungaling. Napaka-walang-h’ya talaga. *Bell rings* Pumasok ulit si Mr. Hasegawa. ‘Di na s’ya bumati. Diretso lang s’yang nag-sulat sa pisara. Ngayon, mas naiintindihan ko na kung bakit hindi na nag-aabala si Mr. Hasegawa na mag-salita—wala naman kasing makikinig. Patuloy lang s’ya sa pag-sulat at ako naman sa pag-kopya. Nakakainis silang lahat. “Paki-basa n’yo na lang ang pointers. Magse-send ang division office ng mga quiz materials next week. Salamat,” sabi ni sir. “Boo!” sabi nung isang ungas na tropa ni Hachiban. Lumingon ako sa kanila. Si Seiichan lang ang hindi nakiki-isa sa mga lintik na ‘to. Pero bakit parang wala rin s’yang gustong gawin? Nakakalungkot. Nakakagalit. Ayoko na. Hindi ko na kaya. “Mr. Hasegawa,” tawag ko kay sir bago s’ya tuluyang lumabas. “’Di pa po tapos ang klase. ‘Wag muna kayong umalis.” Tumayo ako tiningnan sila. ”Yan lang ba kaya n’yo?” Tanong ‘ko. “Intimidating others because you can afford their time and skills?" Nag-taasan ang mga kilay nila. Tumahimik ang paligid. “Nahihibang ka na!” sabi nung Redster na nagsabing ipinatawag daw ako. “’Di bagay sa’yo magpaka-heroine.” “Hibang ka rin!” nagsitawanan ang mga ungas. “’Di lang ikaw ang kausap ko, ‘wag assuming, ‘te! At kayong lahat, wala talaga kayong paki-alam sa nararamdaman ng iba kase ‘di kayo relate sa kanila noh? Pero kung alam n’yo lang yung pakiramdam ng ginagawa n’yo, ‘di n’yo gagawin ‘tong mga kalokohan na ‘to.” Umepal bigla si kalbo. “Ang haba naman ng speech mo, non-sense naman!” tawa nya. “Alam mo, ang non-sense lang dito ay ang existence mo!” banat ‘ko naman. “Pwede bang igalang n’yo lahat ng teachers naten. Hindi lang si Ms. Horida, ang unfair n’yo eh!” Lumapit si Mr. Hasegawa at bumulong, “Hanazaki, tama na ‘yan. Ok lang.” “Sir, hindi po,” sagot ko. “Hindi po tama ang ginagawa nila at hindi po dapat kayo pumapayag sa pag-trato nila sa inyo. May license po kayo na pinagpaguran nyo kaya dapat igalang nyo rin ang self-worth nyo. Sigurado ako na hindi alam ng school directress ‘to.” Itinuro ko si Hachiban, “Ikaw na evil genius ka, malalagot ka kay Mrs. Hachiban. At Seiichan, ano?” Tumingin sa’ken si Seiichan, saka tumayo. “Tama ka, bestie,” sagot ni Seiichan. “Mr. Hasegawa, pasensya na po kayp sa ugali nila. I failed as the directress’ representative here. Hindi ko kase laging nakikita yung ganito eh, pero ngayon na alam ko na, kayong lahat!” turo nya sa mga nasa paligid. “If any of you disrespect any teacher in this school, I will make sure to talk to your parents, and it will definitely reflect on your records here. And I mean EVERYBODY." Natigil sila sa sinabi ni Seiichan. Bakas sa mukha ni Seiko Hachiban ang inis. "Both of you are so ridiculous!" biglang walk out nya saka siya sinundan ng alipores nya. "Can you start with the real lecture, Sir Hasegawa?" ngiti naman ni Seiichan. •••>>>OSeiko's POV [Hachiban University: Student Lounge] Humupa nang kaunti ang inis ko pagka-upo ko sa paborito kong sofa dito sa lounge. Buwisit talaga yung babaeng ‘yun. “Hindi maganda na magkakampi sila ni Seiichan,” sabi ko kay Jin. “Bago pa lang silang magkakilala ni Seiichan. Kayo ni Seiichan, magkapatid!” sabi nya naman. “You can still have your twin on your side.” “Alam ko naman. Pero alam mo naman kung ga’no ka seryoso sa buhay yung kapatid ko. Nahihiwagahan lang ako kung pa’no sila naging sobrang close agad,” sabi ko. “Hmm... Maybe because she's your brother's ideal girl," pakli naman nya. Gusto ko s’yang kutusan pero tumahimik na lang ako. Na-realize nya na di na ‘ko umimik. Tumawa s’ya nang malakas, “Bro, biro lang! Imposible naman na ganu’n yung gusto ni Seiichan! I mean, she’s an average jane. Her eyes look unnatural, though. But still.” Nag-buffer ako, naisip ko yung hitsura ng babaeng yun. Tama si Jin. Parang manyika ang mata nya. “Contact lenses.” Sagot ko kay Jin. “Baka malabo ang mata?” sabi niya. “Cosmetics lang. Hindi matatakpan nang ganon yung pupils kung clear contacts lang yun eh,” saad ko pa. “Kating-kati na ko mapaalis sya rito.” Biglang tumunog yung mga speakers. "Calling the attention of the following students: Watanabe, Jin, Yoshida Uno, Uehara Ara, and Hachiban Seiko. Please proceed to the director's office after your class. Thank you." Inulit pa ‘yun ng dalawang beses. Jin and I exchanged looks. Pumunta kami sa opisina ng nanay ko pagtapos ng bell. Nakasalubong naming sina Ara at Uno na naka-sambakol ang mga mukha. Pagpasok namin, nag-tanong na agad si Mommy at andito rin si Daddy. “Can someone tell me how long you have been dismissing other teachers' classes?" tanong ni Mommy. Kalmado lang s’ya tingnan pero mas nakakatakot talaga kapag ganito s’ya kalumanay. "Since 4th grade po, Directress." Sagot ni Uno. "Six years," inulit ni Mommy. "With whose permission? Wala! You don't know the damage this incident will cost our school," inis na inis na siya. "Lintik na mga bata ‘to!" "As your punishment, you are all coming to detention an hour after class. You miss it, your parents will be called, and we will talk about it," Dad announced. "What has gotten to you people? Answer me!" tanong pa ulit ni Mommy. "The other hired teachers are boring except for Aunt Midori, and also, they are slow-paced and do not treat the class like someone sharp. They are babying kids, which isn't good. I hate them," sagot ko naman. Napatayo si Mommy at saka siya lumapit sa’ken. “Dahil ayaw mo sa kanila?” Lalong nagalit ang nanay ko. “Is that what we told you to do when you hate what's happening? I don't know what the royal family is going to say about this when they find out that their princess is marrying an a$$h0l3 brat." "Mom?" napakunot ang noo ko. "Don't bring that into this." Bumalik siya sa upuan, "Of course, honey. Nakakahiya ‘to." I don't want Lily Anne to withdraw from the betrothal. That's the only thing I'm looking forward to. I want to be a part of the royal family. "I will personally monitor the detention," sabi pa ni Daddy. Lalo tinakasan ng saya ang mukha ng mga kaibigan ko. Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin, bumukas ang pinto. “Ma?” Pumasok Seiichan kasama yung buwisit na babae. “Seiichan, Ms. Hanazaki, come in,” Pinapasok na sila ni Mommy sabay pinalabas kaming mga nauna pumasok. Biglang bumait si Mommy pati na rin si Daddy nung kasusap na nila yung dalawa. Napaka-weird lang talaga. Hanazaki. Bakit pamilyar yung pangalan na ‘yun? Sa’n ko yun narinig? [To be Continued]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD