Chapter 28 Isang magulong umaga ang bumungad kay Alaric pagkatapos niya magpainterview. Naging hottest topic iyon at naging mala-bagyong resulta ang nangyari dahil nagtrending lang naman ang ginawa niyang sagot. Usap-usapan din na pinahiya niya si Queenie Rodriguez na anak ng kilalang senator sa Metropolis. Umiling si Alaric nang makita niya ang nagkalat na mga ganoong balita. Wala naman talaga siyang balak pahiyain si Queenie. What he said is true. He will never like someone who can’t respect him or the people around him at iyon ang ginawa ni Queenie. How could they think that he can like someone who disrespect him? Kung hindi na nito nagagawang respetuhin ang mga taong nasa paligid nito ay paano pa kaya ang ibang tao? He doesn’t need to have someone like that in his life. Hindi rin n

