Chapter 17 Halos magulantang ako sa sinabi ni Sir Alaric at hindi makapaniwala sa aking narinig. Nakatitig pa rin siya sa akin habang ako ay punong-puno ng gulat na ekspresyon sa aking mukha. Kumunot ang noo niya sa akin. “What’s with the reaction? We’re just going out to eat lunch. It’s not like I’m going out to eat lunch with the woman I like and besides you’re a man,” wika niya sa akin. Para ngang diniinan pa niya iyong salitang man para mahimasmasan ako sa naiisip ko kanina. Kung sabagay ay lalaki nga naman talaga ako kapag nasa office kaya bakit ako nakakaisip ng mga ganoong bagay na parang yinayaya niya ako makipagdate? Gusto ko sabunutan tuloy ang aking sarili. Eto ang napapala ko sa pakikinig ko kay Sir Christian eh! Kung anu-ano na tuloy ang iniisip ko dahil sa kakasabi niya ng

