Khiara's POV
Uwian na and for some uknown reason hindi ako masaya. Yung excitement ko kaninang umaga bumulusok pababa
"Khiara!!!!" may sumigaw
Sinong tumawag sakin?
"Khiara!!!" sigaw uli ng maligalig na person na yon lumingon ako para tingnan kung sino yon
And BOOM! bumungad ang nakangiting pagmumukha ni Cyrus. Nag glare nga ako sa kanya.
"Bakit ka ba kasi galit sakin?" and eto, nag start nanaman ang pangungulit niya
Bakit niya ba kasi pinagdidiskitahan ako?! Nakakabanas tuloy!! Mamaya humanda ka sakin sa battle papatayin kita!!! At hello! Close kami? kung maka tawag ng Khiara parang friends kami!!!
Nagstare na lang ako sa kanya, ang effort kase pag nagsalita pa ako ehh. Wala akong balak ubusin ang precious laway ko sa isang katulad niya! Hard IKR.
"Ano may gagawin ka ba mamaya?" tanong nya
Nagyayaya ba to sa laban? Ehh kalaban na naman niya ang gang namin ahh (If sila nga kalaban namin)
"Naghahamon ka ba ng away?!" woah para naman akong matandang single na nagkaron ng regla
"Huh? Khiara anong sinasabi mo?"
"Nagyayaya ka yata makipag battle ehh" Ok mas kalmado na ako dito
"Hindi may battle akong pupuntahan mamaya gusto ko sana kasama ka" sabi niya at nagsmile nanaman, if smile nga ang tawag sa ginagawa nya tch
"At bakit ano ako water girl? Diba water girl niyo na yung malanding si Dianna?" irap ko nanaman
"Teka pano mo nalaman yun walang nakakaalam ng pangalan ni Dianna bukod sa mga gangsters ahh?" gulat na gulat nyang tanong
Patay tayo jan.
"Ano umm, narinig ko lang"
Sana isa siyang malaking boploks at maniniwala siya sakin. Huhu.
"Ahh, ok wala lang gusto lang kita isama para Makita mo kung gano ako kagaling lumaban" at ayun nagmayabang pa siya
Storm Signal number 10 ang hangin mo!!!! I-untog kita sa semento ehh
"Bakit sino ba ang ka battle niyo?" tanong ko, kailangan ko masure if sila nga kalaban namin
"Ang Death Knights lang naman" sabi niya at nag cross arms
Boom. Knew it. Humanda ka sakin mamaya. Malalaman mo why I deserve the name Death Rose. I smirked internally.
"Sigurado akong wala kang binatbat kay Death Rose" sabi ko
"Supporter ka pala ng mayabang na Rose na yun"
Not even Zhane is allowed to call me Rose. Thats the one thing I hate the most. People calling me Rose, especially if si Cyrus ang magsasabi non.
"MAYABANG SI DEATH MAYABANG??!!" sigaw ko
Napalakas masyado ang sigaw agaw atensyon tuloy ako, bakit nagyon lang kayo nakakita ng nerd ha?!!! >.< Ka badtrip ang araw na to ibubuhos ko lahat ng sama ng loob ko sa makakalaban ko mamaya!!!
"Sorry supporter ka nga niya"
"So?!"
I don't like pushy people. Therefore, I don't like Cyrus.
"Pwedeng supporter na lang kita?" humirit pa talaga!
"At bakit ko gagawin yun?"
"Kasi ano........."
"Ano?!" Hehe mataray mode ako masyado
"Para may inspiration ako"
Yuck, eeew!!! Ano daw inspiration?! Nasusuka ako yakkkk. My Cyrus pinalala mo lang ang galit ko, humanda ka mamaya.
"Sorry tao ako hindi inspiration" Fab level 9962938562956245
"Please" wow nag puppy eyes pa
"Ayoko supporter ako ni Death hindi ng Black Devil!" Black Devil kase name nya, eew ang lame
"Ok pero pwede sumama ka para makita mo ako lumaban?" hirit nya nanaman
"Ayaw gagawin ko pa assignments ko"
"Huh? Wala naman tayong assignments ngayon ehh"
"Magrereview ako mag babalik tanaw sa lessons" sabi ko, aish pano ko nalimutan wala nga palang assignments
"Oh well pero promise mo sasama ka sakin next time ahh"
"Ayoko" I crossed my arms at umalis
Umalis na ako head held high at may hair flip pa kase fabulous ako. Minsan lang magpaka taray ang nerd na to, pagbigyan niyo na.
Pagdating ko sa bahay, hinanap ko ang black jacket ko at yung iba ko pang damit at bumaba.
"Mama, Papa" bati ko
"Oh Khiara" sagot ni mama habang nainom ng tea
"Pupunta lang po ako kayna Zhane mag gagawa po kami ng assignments" sabi ko at nagsmile
"Para san yang bag mo?" tanong ni Papa
"Mga books at notebooks ko po, papa talaga" pabiro kong sabi
"Sige anak ingat ka ha" sabi ni mama
"Opo mama"
"Mag-aral ng mabuti" pahabol ni papa
"Opo papa sige po aalis na po ako"
Mabuti na lang talaga ay kapit bahay lang namin sina Zhane walking distance lang ang house nila, kung malayo yan kailangan pa ako ihatid at antayin mahihirapan ako makatakas kung nagkataon papasamahan pa ako ng mga bodyguard.
Pagdating ko sa bahay nila nag doorbell ako at hinintay sila. Inayos ko yung bag sa balikat ko.
"Khiara!!!"
"Tita!" sabi ko at ngumiti
Yon ang nanay ni Zhane si Tita Xanne, pronounced as Sane, magkatunog lang name nila ni Zhane no? Kamag anak kaya nila si Zayn Malik ng 1D? OMG may bestfriend ata akong may popular na relative eh. Itatanong ko nga minsan. Hehe.
"Gagawa ba kayo ni Zhane ng assignments?" tanong ni tita at pinapasok ako
"Opo! " sagot ko at pumasok sa loob
"Sige andon lang siya sa kwarto"
"Sige po"
Umakyat na ako sa kwarto ni Zhane pagtaas ng hagdan kakanan at diretso yung pinaka dulong kwarto ang kwarto niya.
"Night!!!! Death to!!!" sabi ko pero di pasigaw baka marinig ako nina tita
Red Night ang name ni Zhane red para sa blood at night dahil mahilig daw siya sa gabi, ayon sa kanya night creature daw siya. Dami alam no? Sumesenti lang yan kasi di siya crush ng crush niya.
"Khiara!!!"
"Eh?! Nakahanda ka na!! Hindi mo manlang ako hinintay?!"
"Nag ayos na ako para pagdating mo aayusan na lang kita tapos magspar tayo sa battle grounds"
"K fine" sagot ko at binato ang bag ko sa kama nya
Inalis ko na ang salamin ko at yung damit ko tapos inalis ko rin ang braids ko. Nilagyan ako ni Zhane ng eyeliner, foundation, konting blush on at "lip GROSS" nandidiri ako sa lip gloss kaya ginawa kong lip gross ang tawag dun. Kasi naman tuwing nadikit ang dila ko sa labi ko malagkit nakakadiri tuloy! Hindi lang talaga ako nasanay.
"Night kailangan ko ba talaga maglagay ng lip gross?"
"Oo para kumpleto ang make-up mo tsaka bitak bitak labi mo girl parang yung Earth nung nawala ang Pangaea"
"Aishh"
"Masasanay ka din jan" sabi ni Zhane at ngumiti pang encourage
"Matatagalan pa yon" nakasambakol lang mukha ko
Tapos nilagay ko na ang white sleeveless shirt ko with black rose design, tapos pinatong ang black leather jacket ko at suot ko yung palda mas masarap kasi sumipa pag yun ang suot ko above the knee siya at HOY MAY SUOT AKONG SHORT SA LOOB paalaala ko lang baka isipin niyo wala akong suot kundi 'yun' may short ako F.Y.I. lang. Tapos suot ko din ang lucky boots ko lucky siya kasi lagi akong panalo pag suot ko. Diba tatlo outfit's ko. Yung may pantalon Outfit no. 1 itong may palda outfit no. 2 at yung may red sleeveless na checkered outfit no. 3 Nilalagyan din ako ni Night ng face paint nilalagyan niya ako ng black rose na may skull sa may gilid ng kanang mata ko. Tapos siya naman naglalagay sa gilid ng kanang mata niya ng red crescent moon. Sabi niya style daw para astig tingnan. Magiging artist ata tong best friend ko paglaki eh.
Nakakatakas kami ng bahay nila kasi nilalagyan namin yung pinto ng DO NOT DISTURB sign at sinabi na namin sa buong family ni Zhane na kapag may ganon ang pinto, serious kami sa pag aaral at hindi pwedeng istorbohin. Pag nakalagay ang sign na yun walang bubulabog samin dahil ayaw nilang mawala kami sa concentration sa pag aaral.
Akala nga namin ni Zhane hindi effect pero akalain niyo yun sinakyan nila ang kalokohan namin. Pag nalagay na namin ang sign tatakas kami sa back door at dadaan sa secret na daan namin papunta sa battle grounds.
Nakahanap kami ng shortcut sa likod bahay nina Zhane at dun kami nadaan lagi tago kasi sa mga tao, kami nga lang ang naka discover nun kaya private way namin.
Pumunta kami sa battle grounds sa may tabing ilog lang para kung may mamatay ihahagis na lang, joke malawak kasi ang space dun kaya dun ginaganap ang battle at wala masyadong nadaan kaya masarap maglaban don gets? Pagdating namin lingunan sila ehh. Ba naman pareho kaming head-turner ni Night. Ang cool nga ng itsura ni Night ehh naka red na tube siya bago may naka patong na half body na leather jacket tapos naka maikling short siya na may red belt at naka long boots din siya.
"Hi Rose" sabi ng isa sa mga rejected kong suitor
"Don't call me Rose" I glared
"Hi Night!!!!" sabat naman ng suitor ni Night
"Hi" wink ni Night
Ewan ko ba dito kay Zhane ine entertain niya pa ang mga yan tumataas tuloy ang hopes nila na may chance sila, bakit kasi pinanganank na friendly tong si Zhane ayan tuloy ine entertain pa sila. Pero kapag may natipuhan siya sakto naman na hindi siya gusto, hay ok lang yan, nobody is perfect talaga. Maski ako hindi din naman perfect.
"Ano ba to! Are we gonna fight or manliligaw kayo?!"sigaw ng isang irritated girl
"Can't we do both?" sabat naman ng isa ko pang suitor
"Sorry but hindi ako napatol sa mga low ranking gangsters na gaya niyo!" sabi ko, yes rude ugali ko
"Aww" sigaw ng isa ko pang suitor, dami nila dibaaa?
"Anjan na ang Dark Knights!!!" sigaw ni Black Lightning or Jay
Pshh, feeling ni Cyrus ang gwapo gwapo niya, siguro nga mejo gwapo siya pero huh dumating lang siya humangin na agad!
"Yo Rose!" bati niya
"How many times have I told you don't ever call me Rose!!!!" I glared again
"Mas gusto ko yun ehh!!" giit nya at nag smirk pa
"I'm serious here. Don't call me Rose"
"Make me" he said still smirking
"Ahh make you pala ahh!!!"
Ayun sinuntok ko, make him daw ehh!
"WHOO!!! Ang weak mo!!!"
"Haha babae lang ang katapat mo!!!"
"Angas mo kanina tumba ka pala!!"
"Hoy babae lang to kaya hindi ko pinapatulan, tsaka hindi pa naman kasi start ano yun? You play dirty!" sagot ni Cyrus
"WEH?!!!" sagot nila in unison
"Umamin ka na kasi mahina ka lang!" sabi ko, it's my turn to smirk
"Hindi ahh" defense ni Cyrus, I stared hard
Cyrus' POV
Normal na araw galit sakin si Rose err Death, ahh basta mas gusto ko ang Rose bakit niya ba kasi ayaw sa name na yun? Tsshh, naaalala ko tuloy si Khiara sa titig ni Rose sakin.
Pwes hindi ako magpapatalo sa titigan
Ang tagal yata namin nagtititigan, nang biglang
"Yeee!!! Ang sweet niyo naman!!!"
"Witweew!!!"
"suntukan gusto niyo?!! Wala akong aatrasan sa inyo" sigaw ni Death
I swear parang halimaw ang babae na to. Type ko na sana kaso.... sobrang bayolente. Yes, I like feisty girls kaso nasobrahan siya. And there's this tugging feeling sakin, I can't help comparing Rose and Khiara. They're so alike,
"Cyrus gusto mo ng tubig?" tanong ni Dianna
"Hindi pa naman ako nalaban tsaka yung ibang members ang asikasuhin mo hindi puro ako lang!"
"Ok" sagot nya at tumungo
Akala ko pa naman matinong water girl si Dianna yun pala lalandi lang din sakin. Tsk tsk san ba kasi ako makakahanap ng matinong water girl na hindi lalandi sa leader ng gang?
Tumingin ako sa paligid wala pa pala ang ibang kasamahan ng kalabang team at wala pa rin pala yung 3 kong members
"Alex nasan yung 3 bugok?" tanong ko kay Alex
"Wala pa po"
"Tss, alisin mo na sila sa gang wala naman silang kwenta ehh"
"Opo"
Tumingin tingin ako sa paligid si Red Night pinapaligiran ng lalaki bakit niya ba ine entertain yun? Yung iba naman kung hindi naninigarilyo umiinom may nagtetexts may nagsosoundtrip yung iba kwentuhan. Si Rose naman marami ding lalaki na naka palibot, at, OUCH! sinipa sa sensitive part yung isang naka akbay sa kanya.
"Sige lumapit pa kayo sakin mas malala ang gagawin ko sa inyo!!!"
"Uy" sabi ko
"Anong ginagawa mo dito?"
"Wala lang, ikaw?" tanong ko
"Nakatingin sa langit?"
"Pwedeng ma upo?" tanong ko uli
"Naka upo ka na nga diba?"
Tss, oo nga haha, pero napansin ko hindi niya ako pinagtabuyan ahh, wow nagbabago na ang pakikitungo niya sakin.
"Umm bakit ka nakatingin sa langit?"
"Naaalala ko lang si Raven"
"Ahh" sagot ko
Si Raven nanaman pala