Hinihingal na napahawak sya sa puno. Ganito sya kapag nagagalit, gusto nyang manuntok at kung hindi pa sya kuntento ay nakakahanap sya ng away. Dahil sa ganito nyang ugali ay mahaba ang pasensya nya at palagi lang syang kalma para makaiwas sa gulo. Pero hindi nya lubos na akalain na mauubos ang pasensya nya sa simpleng pagkakita sa binata na may ibang kasama. "Kellis?" "What are you doing here?" Malamig nyang tanong. Hindi nya inaasahan na susundan pala sya ng binata. Palihim na itinago nya ang kamao na nagdudgo dahil sa lakas ng pagkakasuntok nya sa puno. "Are you okay?" Bigla syang napatawa dahil sa tono nito na para bang wala lang dito na nakita nya na may kasama sya. "I'm fine." Malamig parin nyang sagot. "Okay." Nainis sya ng sabihin nito ang salitang 'okay'. Ang dating kasi ni

