Savanna's POV: Nang makauwi kami ay agad-agad na pumasok si Kellis. Sinalubong sya nina tita at tito pero ni isa sa kanila ay wala syang pinansin. Dire-diretso at walang lingon syang pumasok sa kwarto nya. Napaigdag pa ako dahil sa malakas na pagsara nito sa pintuan. Agad na napatingin sina tita at tito sa akin na may nagtatanong na tingin na hindi ko alam kung paano sasagutin. Alam ko ang sagot sa tanong nila pero ang hindi ko alam ay kung meron akong karapatan para sagutin sila. Malay mo mamaya kapag nagkwento ako tapos ayaw pala ni Kellis, eh di patay ako. Ayoko non no. Paano nalang ang kinabukasan ko? Paano nalang mga pangarap ko? Paano nalang si Franke? Napailing-iling ako. Bakit napasok ang Franke na yon sa usapan. Pakialam ko naman don. "Ano bang nangyari kay Kellis? Mukhang be

