Mazer's POV: Kumatok muna ako sa pinto bago ako pumasok sa opisina ni dad. Nakita ko si dad na nakaupo sa swivel chair habang nasa visitor chair naman si mommy. "Pinatawag nyo daw po ako." Tanong ko ng mapatingin sila sa akin. "Come in, son." Lumapit na ako at umupo sa kaharap na upuan ni mommy. "I want to talk to you about your modeling." "Po?" Napatingin ako kay mommy na bahagyang nakangiti sa akin saka ko ibinalik ang tingin kay dad. "What about that, dad? Hindi naman kayo pumayag." Napanguso ako. Ang agency kasi na dating pinagta-trabahuan ni daddy ay gusto akong kuning model. I really want to pero hindi pumayag si daddy. Gusto nyang mag-fucos muna ako sa pag-aaral. After I graduate, kung gusto ko pa daw mag-model ay papayagan na nya ako. Naiintindihan ko si dad kung bakit ayaw n

