2| New Rule

1416 Words
"You're late. But then, I'll let you all pass." Tumawa naman yung chinitong maputi. Kilala ko to ah? Halos kilala ko silang tatlo. Sila yung kahapon. Pero nasaan yung isa? Napalingon ako sa Teacher at... "s**t!" Napalakas ata, kaya napatingin na naman lahat sa akin. Pero nagulat ako, ang tagal ko pa pinrocess bago malamang sila yung kahapon. "Yan ba yung dinedaydream mo? Jorey, hindi ka lang pala loser, bulag ka na rin." Rinig ko na naman si Caden. Napaka talaga ng lalaki to sobra. Hindi ko siya pinansin at dumokmo na naman. "So Ms. Fabella, I assume you're going to keep daydreaming again lalo na at nasa malapit nalang." Rinig kong sabi ng teacher namin. Pamilyar din siya, Siya nga iyon pero hindi ko maalala ng maayos, sumasakit ulo ko. Anak ka naman ng tokwa. Sinipa naman nung nasa likod ko ang upuan ko which I know inutusan ni Caden. At nakailan pa ito. "Itigil mo, hudas kayo!" Nakarinig ako ng mga bungisngis at mga masasakit na namang salita. Napayuko ako nang nakita kong nandoon pa rin sa harap yung tatlo at nakatingin sila sa akin, pati yung teacher. Anak ka naman ng tokwa oh malas, malas, malas! Para tuloy may apat na karne sa harapan the way na tingnan sila ng mga babae. Nakangisi yung teacher at yung chinitong maputi. Amusement ang makikita ko doon sa nakashades at mapang-asar na expression naman ang makikita ko sa maganda ang mata. "You do have colorful words Ms. Fabella." Banggit sa akin ng prof namin. Naalala kong muntikan na naman pala akong mapamura. I immediately apologized for my crazy, humiliating actions. Yumuko na naman ako at nagpatuloy ang teacher namin na may kamukha. "Gladly to do, sir." Narinig ko yung maputing singkit na minock pa yung word na sir. At nagpakilala na nga siya sa harapan. "Hello gents and ladies--" Napatigil siya nang narinig niyang mahaharot na pinanggigilan siya ng mga babae base sa mga salita at titig nito sa kanya. 'He is so cute and napakabright ng ngiti niya nakakainlove.' Bakit lahat ng ginagawa ng isang tao ay kailangan ng comment ng iba? Pwede bang sarilihin niyo nalang yan? I rolled my eyes. "Okay, ehem." He cleared his throat and his playfulness changed into something serious. Mukhang medyo nainis siya. "First, no one should know our names only the head principal. Respect that, all of us have secrets and we hide our names for a cause. Second, we expect that all of you, will not invade our privacy. Call me by my surname. It's Uehara. Well, I could go by the name of West but expect that only the three of us would be allowed to call each other by that. You got that?" I clenched my fist to their insane order. Tumango naman ang mga babae at lalong naglaway daw sa hotness nila. At may bago na naman silang sasambahin. Kabago-bago kung makautos parang hari. Ang dami ko kasing nainom kahapon kaya blurred ang mga bagay-bagay eh. Naalala ko sila pero di ko na matandaan ng klaro. But there is really something about their presence. Iba sila, para talagang mga hari. Napakunot ang noo ko. Hirap kasi pag naglalasing, parang tanga Jorey! Pinaupo naman ni sir si Uehara, Oo yun ang itatawag ko kasi yun ang sinabi eh. At ayoko ng dagdagan ang broken ribs ko. Kasi sa nangyari lang kanina alam kong madadagdagan ito eh. Nakita kong bumalik na sa pagiging playful yung si Uehara. At nagtungo siya sa gusto niyang upuan. Tumayo siya nang maangas doon sa babaeng nasa may padiagonal sa likod ko. At nanginig naman yung babae kaso binigyan pa rin siya ng malanding ngiti. "Move, sweetheart." The tone was sweet yet laced with malice. Tila kinilig pa yung babae pero umalis rin naman at lumipat sa dulong bakanteng upuan. "Next." Playful rin na sabi ni sir. Sa nakikita ko sa atmosphere ng apat na yan para silang magkakatropa at kilalang-kilala ang isa't-isa? "Just do what, West said. Surname's Hill." Ang iksi ng pagkakasabi niya at parang pagod siya na tinatamad. "Okay, you may now sit down." Again seems like they were mocking each other. It was funny. Para kasing magkakaedad lang kami ng prof namin besides the aura and the air in the room isn't tense like the usual. 'OMAYGAD YOUR SURNAME IS LIKE HILL? THE FAMOUS SUPERSTAR SCHUYLER HILL? OMYFUCKING GOSH, HE IS SO HOT' 'Schuyler Hill? Yung artista yung gwapo, yung hot, yung napakagwapo? Yung napakahot?' Ulit ulit lang te? gusto mo isa pa at baka sampalin na kita ng kutsara. 'Baka kamag-anak magkaiba sila ng hairstyle eh, red ang buhok ni Schuyler ngayon eh. Black yung sa kanya.' 'Pero imperness, ang hot ng tindig niya ah. Yummy~' OA nila pramis. I heard Uehara snorted across me. Hill Shrugged. Dumiretso naman si Hill sa may likod ko, si Uehara ay nasa kaliwa. Nasa isang row lang sila sa likod ko. Napaangat ako ng tingin sa harap dahil I can see someone staring at me. Nakatingin ng diretso sa akin yung napakagandang mata. I didn't even understand what Caden said. But he said something and asked for a bro shake with those two. Napansin kong hindi siya pinansin ng dalawa at napangisi ako. Gusto kong lingunin ngayon yung nakashades di ko alam pero there is something pulling me towards him. "Hoy! Pangisi-ngisi ka dyan, Jorey?" Di ko lang ulit siya pinansin at binato niya lang ako ng lapis sa ulo, di naman ako natusok at wala na lang ulit paki. Napatingin ulit ako sa nasa harap ko and I can see amusement in his gorgeous eyes. "Arundell." Eto naman talaga ang pinakatamad magsalita. Teka bago ako maamaze ulit sa mata niya. Arundell? Di ba yun yung sikat na brand ng kotse? Saka yung Arundell Hotels and Casino? Isa yung kompanya right? Group of Chain Companies? Yung pinakamalaki sa Asia? Pinag-aralan namin yan sa AP economy eh. At tama rin ako ng hinala naghihinala rin yung mga babae. Nakakatamad nga lang pakinggan. "Hell, don't tell me he is some sort of an International Heir?" Yumuko na ako dahil masyado silang pamilyar, sila talaga yung kagabi eh. Pero kung sila yung kagabi maybe... Maybe alam na nila ang sikreto ko at baka mabuko ako ng lahat? Holy sheep! Napaangat uli ako at nakita kong may tao sa harapan ko. Napatingala naman ako at si Arundell ito. Napatulala naman ako sa mata niya. Ang ganda talaga. But there's something I don't like of how his eyes glint. Napaiwas naman agad siya ng tingin. And I heard him mumble something na nagpakaba sa akin. s**t. Sinasabi ko na nga ba eh. Umupo naman siya sa may pa-diagonal sa akin sa kanan katabi niya yung nakashades na nasa gitna. Narinig ko namang minura siya ng pabulong nung pinaalis niya sa upuan. "Minura mo ba ako?" Napalingon naman ako sa boses niya. Kahit na nakakatakot siya, ang hot nung boses at mata niya at sa naririnig ko mas malaki na ang fanbase niya sa population ng babae at lalaki sa pangyayari. He looked intently at the guy at hindi siya makatingin kay Arundell. Something's off about his eyes. I wonder. Hindi rin makatingin yung iba sa mata niya, ang ganda talaga. Pero napalingon ako sa nakashades, hindi ko alam kung saan to nakatingin pero feel ko sa akin. "I-I'm S-sorry." "Huli mo na yan." I still heard murmurs ng iba't ibang tao sa loob ng room at nagkakantsawan pa yung sila Uehara. He sat on the guy's chair and made bro shake with his friends. I am still watching them when Hill caught me staring at nang sumingit ang walanghiyang si Caden.... Tumayo siya dala-dala ang bag niya at pinaalis ang nasa tabi ko sa kanan. "Umalis ka nga dyan." Umalis naman ang kaawa-awang nerd na katabi ko at nakayukong umalis. Bully kasi talaga ang Caden na ito. Walang habas ang ugali ng hayop na iyan. "Jorey, alam mo naman na hinding-hindi ko hahayaang ibully ka ng iba right? Kasi ako lang ang pwedeng manakit sayo." Bulong niya sa akin at naputol ang tingin ko kay Hill na nalipat sa kanya. Nakasmirk siya habang sinasabi yun sa akin. Naasar ako sa kanya kaya I shrugged not even glancing his way. Bahala siya sa buhay niya, I don't give a s**t. He bitterly laughed at my action at sinipa ng malakas ang upuan ko papunta sa katabi kong babeng aso rin. "Hey weirdo, don't go near me." At tinulak rin ako pabalik. I shrugged again. Wala naman na akong paki. Ramdam ko ang masamang titig sa akin ni Caden at titig ng mga nasa likuran ko. Oo na, next time alam ko kayo naman ang magpapahirap sa akin. "You're really pushing me to my limits." Matigas niyang sabi at galit na naman siya. Punching bag na naman ako nito mamaya. Sinipa ulit ni Caden ang upuan ko kaso hindi na ako napaurong sa katabi kong aso. Instead muntikan ng bumaliktad ang upuan ko. Hinanda ko na nga ang sarili ko para sa paglagapak at tawanan na naman na magbibigay sa akin ng dahilan para di makatulog sa gabi dahil sa kahihiyan nang may humawak dito para maisteady ang upuan ko. Unang beses kong nailigtas ng ganito. I was glad and thankful. Napalingon ako at di inaasahang si Arundell ito. +++++
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD