RUNAWAY

1069 Words
Nakangiting pinagmamasdan ni Ryza ang kanyang anak habang nagdidilig ng mga halaman sa bakuran kasabay ng pagkembot sa malambot na baywang nito sa tugtog ng musika mula sa kanyang cellphone. Limang taon pa lamang si Aliya noong dinala niya ito dito kung saan mahirap silang matunton ni Rupert. Ngayon ay nasa ika-anim na baitang na ito sa elementarya at mukhang masaya naman ang anak sa buhay na ibinigay niya malayo sa kanyang ama. Rupert didn't love him, she knew it from the very start. She was just so smitten with him that she agreed to marry him. She had no clue how much she would suffer the brunt of her decision. Naalala niya nung minsan nag-uusap sila at hindi kailanman madali para sa kanya para kalimutan iyon. "You clearly knew I only married you because I desperately wanted to forget Ryza, but no matter how I tried, I couldn't get her out of my head," matigas na sabi ni Rupert sa kanya. "Learn to love me, Rupert," she pleaded in tears. "I did try, but you're not enough to make me forget about her," madiin na bigkas nito bago tumalikod palayo sa kanya. Sa pagkakataong iyon nais niyang lumayo mula sa asawa ngunit natuklasan niyang nagdadalantao siya kay Aliya. Kaya mas pinili niyang magsakripisyo para sa sariling anak, she didn't want Aliya to grow up without a father. She knew how hard it is, she's been there. Tiniis niya kung paano siya patutunguhan ni Rupert. Boung akala niya na ang pagdadalantao niya ang siyang makapagbabago ni Rupert, but no, It didn't change a single thing.  She always heard how much Rupert talked about Ryza and she tried to listen even though her heart was tearing into pieces. When Aliya was born, she believed that Rupert would reconsider changing just for the sake of their daughter, but the answer was still a resounding no. Naalaala niya may isang umaga habang naghehele siya sa isang taon na si Aliya, her mom called her.  "Inaalagaan ka ba ng maayos ng asawa mo d'yan?" tanong ng ina niya sa kabilang linya. "Opo, Inay," mahinang sagot niya. Ayaw niyang mag- alala ang ina sa kanya. Matanda na ito para sila ay alalahanin.  "Miss na miss na kita anak, sana bumisita ka lang man dito. Mula nang nagtratrabaho ka sa kompanya ni Theodore ay hindi mo na naisipang bumalik pa rito, hanggang sa nag-aasawa ka na lang," nagmamaktol na sabi ng kanyang ina na si Alicia. "Inay naman," agad niyang sagot. "Alam mo namang sobrang busy ako sa mga araw na iyon at saka, lagi ko naman kayong tinatawagan, ah," giit niya sa ina kahit alam niyang may bahid na katotohanan ang mga tinuran nito. Sa gilid ng kanyang mga mata, namamasid niyang paparating ang asawa kasama sina Ryza at Theodore. Hindi niya namataan ang anak nitong si Vince.  "Nay, tawag na lang ako mamaya, may gagawin pa ako, salamat sa pagtawag," turan niya kahit ang totoo ayaw niya pang ibaba ang tawag, sobrang nangungulila siya na makakapiling ito muli. Sakto pagkababa niya sa phone ay lumapit si Ryza sa kinaroroonan niya. Hindi magawang makaramdam ni Rosie ng anumang galit para sa babae. Pakiramdam niya hindi nito kasalanan kung bakit mahal mahal ito ni Rupert. "Ito na ba si Aliya?" masayang sambit ni Ryza habang hawak sa kamay ang natutulog na si Aliya na karga ni Rosie. "Ang bilis lumaki," patuloy nito. "Kailan ba yung huli nating pagkikita?" tanong ni Theodore at biglang napaisip. "Ahhh, noong araw ng binyag, hindi ba? Pasensya na at ngayon lang kami nakadalaw ulit," dagdag na sabi nito. Bahagya lang tumango si Ryza sa mga sinabi nito. Patuloy naman na hinawakan ni Ryza ang mga munting kamay ni Aliya, nakikita ni Rosie kung paano tiningnan ni Rupert ang babaeng minamahal na kailanman man ay hindi niya naranasan na tingnan ng ganun sa sariling asawa. Bagaman masakit isipin pero she seemed used to it. Manhid na yata ang boung katawan niya para namnamin ang sakit.  Sa gabing iyon, sinubukan niyang magpaalam na umuwi muna sa probinsya para bisitahin ang ina at mga kapatid. Pumayag naman si Theodore at hindi nagdadalawang isip.  "Kailan ba ang alis 'nyo?" tanong ni Rupert. Kahit man lang kunting pag-alala ay hindi niya nararamdaman mula sa tono ng boses nito "Baka bukas ng maaga," mahinang sagot niya.  "Sige, ipapahatid ko kayo kay Mang Lito, para hindi kayo mahirapan sa biyahe."  At least, kahit man lang iyon ay masaya na siya na sa kunting pag-alala. Sumang-ayon na rin siya kasi ayaw di niyang mahirapan ang anak sa biyahe. Mula noon, malimit na ang kanyang pag-uwi sa probinsya nila. Sa ganung paraan lang niya maiiwasan ang walang katumbas na kalamigan na pakikitungo ng asawa sa kanya. Hindi naman tumutol si Rupert o nalulungkot man lang na hindi sila madalas makapiling lalo na sa mga panahong mas piliin niyang mananatili ng matagal sa kanilang probinsya. Exactly what sort of father would ever do such a thing to his child?  Naputol ang kanyang pagmuni-muni ng lumapit si Aliya sa kanyang kinaroroonan. May dala itong isang bulaklak galing sa hardin. "For the most beautiful mom in the world," bigkas nito sabay bigay nito sa bulaklak.  "Salamat, anak," sagot niya habang tinanggap ang bulaklak at inamoy amoy. "Mukhang masaya ka ngayon ah, kanina pa kita pinagmamasdan doon."  "Araw-araw naman akong masaya, mama, kasi alam kong laging nandiyan kayo para sa akin," madamdaming sagot ni Aliya sa kanyang ina.  Pinigilan ni Rosie na huwag maiyak sa sinabi ng anak sa kadahilanan na ayaw niyang iparamdam nito na may mga araw na nahahabag siya dito dahil hindi ito lumaki kasama ang ama. Hindi niya maiwasang isipin kung may kasalanan nga ba siya sa ginawa niyang desisyon na lumayo at huwag nang tikisin ang pait sa puso habang kapiling ang asawa na wala namang kunting pagmamahal na iniukol sa kanya. Has she deprived her daughter the oppurtunity to grow up with a father?  "Hindi mo ba namimiss si Daddy mo?" tanong niya dito. "Minsan naiisip ko lang na kung nami-miss niya tayo, nalulungkot ako pero nandiyan naman kayo so mawawala din yung lungkot ko po," sabi nito. Niyakap niya ng mahigpit ang anak. "I'm sorry anak at naranasan mo ito," naiyak niyang bigkas. "Mahal na mahal kita, tandaan mo iyan."  "I love you too, Mama," matamis niyang sambit dito. "Hindi po kita iiwan, pramis ko po iyan." Lalo namang humahagulhol si Rosie sa sinabi ni Aliya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD