MASAYANG nagtatawanan ang magkakaibigan nang biglang mahagip ng paningin ni Lib ang lalaking nakatayo sa kanilang harapan. Kahit hindi niya ito titigan ay kilala na agad niya ito mula sa tangkad at tindig ng lalaki.
Biglang nag-iba ang mood ni Lib, dahil muli niyang nakita si Maxwell. Naka ngiti itong nakatayo sa harapan niya at may hawak na bouquet at paper bag.
Biglang iginalaw ni Lib ang isang paa, at sinundot nito ang paa ni Lacey. Agad naman na napatingin si Lacey sa kanya, kaya't nagbigay siya ng signal sa dalaga.
Ayaw ni Lib na gumawa ng anumang gulo sa bahay ng kanyang Daddy Richard at Mommy Maria, dahil ayaw niyang bigyan ng sakit ng ulo ang mag-asawa.
Agad namang naintindihan ni Lacey, ang gustong ipahiwatig sa kanya ni Lib. Pa-simple siyang napalingon para makita ang sinasabi ni Lib.
"Yes, Mister, what can I do for you?" Agad na tanong ni Lacey sa lalaki.
"H-Hi!" Alanganin na tugon ni Maxwell.
"What do you want from us?" Tanong naman ni Aaliyah.
Lalong lumakas ang kabang nararamdaman dahil sa uri ng pagsagot sa kaniya ng dalang dalagang kausap ni Ziyoù. Napakaganda rin ng mga ito, ngunit para sa kanya ay walang papantay sa kagandahan ni Ziyoù.
"Hi, I'm Vice Mayor Maxwell Palmer, and I'm here for Ziyoù! Gusto ko lang sana makipagkilala sa kanya." Tugon ni Maxwell, habang nakatingin mismo kay Ziyoù. "Hi, Ziyoù! I bought this flower bouquet for you and a special gift that I carefully selected just for you." Sabi ni Maxwell sa dalaga. Lumapit siya rito upang iabot ang mga dala, ngunit hinarang siya ni Aaliyah.
Walang imosyon na tiningnan ni Lib, si Maxwell. Pinataas din nito ang isang kilay, dahil gusto niyang ipakita na hindi niya gusto ang ginawang paglapit sa kaniya ni Maxwell.
Agad namang naunawaan ng mga kaibigan niya ang sitwasyon, kaya't agad na kinuha ni Aaliyah ang bulaklak, at kinuha naman ni Faith ang paper bag, saka mabilis itong binuksan. Isang box ng collectable key chain na Hirono Road Journal Series. Anim na piraso ito at may kasamang mas malaking keychain din. Mahal ang ganitong collection at tanging mayayaman lamang ang nakaka-afford bumili nito.
"Vice Mayor Maxwell Palmer! Do you know that we have a rule for anyone who tries to court anyone among us? Kung gusto mong ligawan si Ziyoù, kailangan mo munang dumaan sa mga pagsubok namin bago mo siya malapitan at makausap!" Saad ni Aaliyah, habang iniisa-isang hilain ang petals ng mga bulaklak at pinipitik patungo sa mukha ni Maxwell.
Todo iwas naman si Maxwell, dahil sa sunod-sunod na pagtatapon ni Aaliyah ng petals sa mismong mukha.
"That's right, Vice Mayor Maxwell Palmer!" Mariin naman na sambit ni Lacey. "Are you ready for your first test?" Makahulugan niyang tanong.
"Yes, Miss! I'm ready whatever you want me to do." Tugon ni Maxwell. Tuwang-tuwa pa siya dahil ang iniisip niya ay magiging daan ang mga kaibigan ni Ziyoù, para makalapit siya sa dalaga.
"Okay, Vice! Sit down and drink this liquor!" Sabi ni Faith, saka niya kinuha ang hard na alak na dinala ng kanyang bodyguard.
Agad ding lumapit ang kani-kanilang bodyguard para masigurong walang masasaktan ni isa sa kanila.
Nilagyan ni Faith ng alak ang baso na mayroong ice, saka niya itinulak ang baso patungo sa harapan ni Maxwell.
Agad namang kinuha ni Maxwell ang baso at tinungga ito. Ngunit pagbaba niya sa baso ay nilagyan naman ni Lacey ng bagong laman.
Walang nagawa si Maxwell, dahil gusto niyang manalo sa pagsubok sa kanya ng mga kaibigan ni Ziyoù. Muli niyang itinungga ang laman ng baso at muling ibinaba sa harapan niya.
Biglang nag-clap si Aaliyah, kaya lumapit ang kanyang bodyguard. May dala naman itong ibang brand na alak. Mas matapang ito kaysa sa ipinainom nina Faith at Lacey.
"Vice Mayor Maxwell Palmer! Have you ever tried drinking this vintage wine from the famous Smith winery in California? My grandfather specially made and stored this wine for decades just to get the highest spirit from it," tanong ni Aaliyah. "At alam mo bang napakamahal ng alak na ito sa market?" Dagdag pa nito.
"No, I haven't tried it before, but I'm willing to try it just for Ziyou." Tugon ni Maxwell.
Nakatawag na rin ng pansin ang ginagawa ng mga dalaga, kaya lumapit na sa kanila ang kani-kanilang magulang at kaanak na naroon.
May pag-aalalang napatingin si Mr. Caleb Chavez sa kaniyang anak na may hawak ng pinakamalakas na volume ng alak mula sa winery ng kaniyang biyanan sa California.
Samantalang hindi naman makikitaan ng anumang takot si Ella. Tila proud pa siya na panoorin ang kaniyang anak na dalaga.
Ibinuhos ni Aaliyah ang alak sa baso ni Maxwell. Medyo marami ang nailagay nito, dahil maliit na ang mga ice na laman ng baso. Nagsalin din siya ng alak sa kanilang baso na magkakaibigan at nilagyan ng ice, bago nakipag cheers kay Maxwell.
Agad naman ininum ni Maxwell ang laman ng baso, at muling ibinaba ito. Ngunit iba ang mukha niya habang nilulunok ang alak dahil sa init nito sa lalamunan. Kakaiba ang pakiramdam niya sa alak na iyon, at kay bilis din uminit ng kaniyang pakiramdam.
Dahil sa kakaibang pakiramdam ay tinanggal ni Maxwell ang suot niyang suit, at isinampay sa likod ng upuan.
"Vice, hindi pa kami tapos sa pagsubok mo. Kailangang matalo mo muna kaming tatlo sa arm wristling, bago mo puweding makausap si Ziyoù!" Muling sabi ni Lacey.
Bigla din lumapit ang dalawang lalaki na mayroong buhat na arm wristling table, para sa kanilang gagawing laro.
Natawa si Maxwell, dahil sa hamon sa kaniya ni Lacey. Hindi niya alam kung nagbibiro ito o totoong makikipag arm wristling ito sa kanya. Isa-isa niyang tiningnan ang tatlong magaganda at sexy na dalaga na biglang tumayo at lumapit sa kanya. Kung tutuosin ay kalahati lamang ng katawan niya ang katawan ng bawat isa sa kaniya, ganon din si Ziyoù, ngunit hindi natatakot na maghamon ng arm wristling sa kanya.
"Sit here, Vice, para labanan kami isa-isa!" Sabi ni Faith, habang itinuturo ang isang upuan sa harap ni Lacey.
Naglalagay na ng powder sa kamay si Lacey, ay inayos pa niya ang suot na gown, para hindi makita ang kanyang cleavage.
Nakangiting inilagay ni Maxwell ang kaniyang kamay sa ibabaw ng lamesa. Ilang beses pa niyang ibinuka ang mga daliri para ihanda ito sa laro.
Seryoso naman na nakatingin sa kaniya si Lacey. Handang-handa na ang dalaga sa gagawing pakikipag arm wristling kay Maxwell.
"Vice Mayor Maxwell Palmer! May oras ka pa para mag backout!" Sabi ni Lacey.
"Hindi ako magba-backout, Miss! Ipapanalo ko ang laro, para kay Ziyoù!" Sagot ni Maxwell. Talagang disidido siya sa laban.
"Good luck! Vice Mayor Palmer! Walang sisihan ito, dahil ito ang pinili mo!" Saad ni Richard. Itinaas pa niya sa harapan ni Maxwell ang hawak nitong baso ng alak.
Lumapit naman si Aaron sa kinatatayuan nina Daniel at Thisa, at bumulong ito sa mag-asawa.
"Mukhang malapit nang mag-asawa ang Princesa natin, Bro! May gusto nang manligaw." Pabirong sambit niya sa bayaw.
"Malabong mangyari na mag-aasawa nang maaga ang anak ko, Bro! Tingnan mo nga't mas siga pa si Lib, sa Vice Mayor na nagkakagusto sa kaniya. Kilala ko ang anak ko! Tingin pa lang ni Lib sa kaniyang manliligaw ay tagilid na. Magugustuhan pa kaya?" Tugon naman ni Daniel.
"Hindi rin ako papayag na basta na lang makuha nang lalaking 'yan ang loob ng anak ko, Kuya! Dadaan muna siya sa mga kamay ko, bago niya tuluyang malapitan si Lib." Sabi naman ni Thisa.
Biglang nagsigawan ang lahat, kaya muling nabaling ang paningin nila sa mga bata. Nakita nilang nagbubunyi si Lacey, kasama ang mga kaibigan dahil natalo nito si Maxwell.
"Kailangang mag training ni Vice nang dalawang taon, bago niya matalo ang apat. Mga bata pa silang lahat nang magsimula silang mag training. Babalihin lang nila ang braso ni Vice!" Saad ni Thisa.
Siya at si Ella ang nag-train sa kani-kanilang mga anak. Sina Faith at Lacey naman ay sina Lyndsay at Vanna ang nag-train.
"Walang saysay na naging anak sila ng Mafia at assassin, kung hindi sila nagmana sa kanilang mga magulang." Sambit naman ni Daniel. Kahit nagbubulungan lang sila ay malinaw naman nilang naririnig ang sinasabi ng bawat isa.
Nagtatakang napatingin si Maxwell kay Lacey, dahil sa lakas na ipinamalas ng dalaga.
"My turn!" Sabi ni Faith, at ito naman ang umupo sa harapan ni Maxwell.
Kagaya ni Lacey ay inayos din ni Faith, ang suot niyang gown, para hindi siya masilipan sa dibdib.
May pagtatakang napatingin si Maxwell sa dalaga. Kung titingnan kasi ito ay parang hindi makabasag pinggan, pero ang lakas ng loob na maghamon sa kanya.
Nang maglapat ang kanilang mga kamay ay inayos pa ni Faith ang kanyang pagkakahawak sa kamay ni Maxwell, saka niya binigla ang paghila rito.
Nagulat si Maxwell, dahil mas malakas pa si Faith, kaysa kay Lacey. Muling nagsigawan ang mga nanonood, dahil sa tuwa nila na makitang tinatalo ng mga babae si Vice Mayor Palmer.
"Kaya mo pa, Vice Mayor Maxwell Palmer? Mukhang masakit na ang braso mo, eh, hindi mo pa ako nakakaharap." Sambit ni Aaliyah. Umupo siya sa harapan ni Maxwell, at agad na ipinuwesto ang braso sa ibabaw ng lamesa. "You're making a big mistake, Palmer! Hindi mo alam ang pinapasok mo." Dagdag pa niya.
Hindi na nakuhang sumagot si Maxwell, dahil alam niyang hindi basta-basta ang mga kaharap niyang babae. Alam niyang dumaan sa matinding training ang mga ito, kaya ganon kalalakas ng loob nila na maghamon sa kanya.
Ngunit tinanggap pa rin ni Maxwell, ang huling hamon sa kanya. Bindi pa rin siya susuko dahil desidido siyang makilala si Ziyoù.
Muling naghanda si Maxwell, kahit masakit na ang kanyang braso. Hinawakan din niya ng mahigpit ang hawakan sa gilid at itinodo ang kaniyang lakas sa pag-aakalang matatalo niya ang pangatlong babae. Ngunit kahit anong gawin niyang paghila sa kamay ni Aaliyah ay hindi ito gumagalaw. Tumayo na rin siya para mas maibigay niya ang buo niyang lakas.
"Aa–li–yah! Aa–li–yah!" Malakas na pag-cheer nina Faith at Lacey.
Kung titingnan ay parang kambal ang dalawa dahil magkamukhang-makamukha. Nakuha nila ang mukha ng Lolo nila, at ang mukha ng totoong Mommy ni Faith.
Napapailing naman si Lib, dahil sa ginagawa ni Maxwell. Pulang-pula na rin ang mukha ng binata, pero ayaw pa nitong i-give up ang lab@n. Pawis na pawis na rin ito dahil sa init ng katawan nito dahil sa pagpapalabas ng kanyang lakas.
Hanggang sa muling ayusin ni Aaliyah ang kaniyang pagkakahawak sa kamay ni Maxwell, saka niya ibinuhos lahat ng lakas niya kaya muling natalo si Maxwell.
"Paano ba 'yan, Palmer? Talo ka talaga, eh! Para kang hindi lalaki." Kantiyaw ni Aaliyah sa binata.
Si Aaliyah ang pinakabata sa apat na magkakaibigan, pero siya ang pinaka maingay sa kanila.
Hindi naman naka imik si Maxwell, dahil sa pagtataka kung paanong mas malakas sa kaniya ang mga dalagang pagkapapayat. Mariin niyang iniisip kung saan nila kinuha ang kanilang lakas.
Tumayo si Maxwell, ngunit bigla siyang na out balance. Napasadsad siya sa sahig dahil biglang umikot ang kanyang paningin. Tiningnan niya ang mga tao sa paligid pero nagdadalawa na ang ulo ng mga tao sa paningin niya.