LIBERTY-19: ANG GALIT NI LIBBY‼️

1566 Words
MATAPOS ang special training ni Liberty ay bumalik siya sa Manila, upang pumasok sa NBI (National Bureau of Investigation). Agad siyang isinabak sa mabibigat na mission ng kanyang Director, dahil naniniwala ito sa kakayahan ni Liberty. Si Liberty din ang pinakamataas ang rank sa mga nagtapos sa special training program ng NBI. Liberty is trained since childhood by her mother. She is a master of martial arts, hand-to-hand combat, and various weaponry. She is also an expert pilot and driver, capable of handling any vehicle on land, sea, or air. These skills led her to become a top-tier NBI (National Bureau of Investigation) Agent, renowned for her exceptional ability to solve high-profile cases and her unparalleled combat prowess. 4 YEARS LATER... NAHALAL si Maxwell Palmer, bilang bagong Mayor ng Baguio City. Tinalo niya ang asawa ng dating Mayor na si Mayor Joaquin Caleon. Magkaibang partido sina Maxwell at Mrs. Caleon, ngunit mas pinili ng taong bayan si Maxwell, dahil alam nilang mas uunlad ang Baguio City sa kaniyang pamumuno. Hindi naman nagalit ang pamilya Caleon, dahil magkaibigan sina Maxwell at Joanna. Para sa kanila ay panalo pa rin sila, dahil ang kasintahan ng kanilang anak ang naupong bagong Mayor ng Baguio City. Nang magsimula sa serbisyo si Maxwell, bilang Mayor ay ang pagpapasara ng mga illegal na negosyo ang una niyang ginawa. Ang una niyang ipinasara ay ang Casino na itinayo sa gitna ng kilalang ECO Park sa Baguio City. Ang dating lugar kung saan puweding mamasyal ang mga tao at madalas din na puntahan ng mga estudyante kapag nag camping sila o field trip. Ngayon ay naging private park na ito na tanging mga mayayaman at mga dayuhan na lamang ang nakakapasok roon upang mags**al at magsaya. Nalaman ni Mayor Maxwell Palmer na kasama sa dinarayo roon ang prosti*****n, human traf******g at dr**s, kaya agad siyang nagpa imbistiga upang makakuha siya nang ibidensya at maipasara ang natirang establishemento. Dalawang malalaking Casino ang ipinasara ni Mayor Maxwell Palmer, sa magkahiwalay na lugar sakop ng Baguio City. Madali siyang nakagalaw dahil nasa Congess na ang kaniyang ama, at naka upong Gobernador naman ang asawa ng kaniyang nakakatandang kapatid na babae. Mula din nang ipasara niya ang mga ito ay nagsimula na siyang makatanggap ng mga d34th tre4t. Magkakasunod na sulat na may lamang pagbabanta sa buhay niya ang kaniyang natanggap. Ipinapadala nila ito sa kaniyang opisina, ang iba naman ay sa kaniyang bahay, at mayroon pang ipinadala sa address ng kaniyang mga magulang. Ngunit hindi natakot si Maxwell, dahil ang tanging gusto lamang niya ay ang maibalik sa kapayapaan ang buong lalawigan. "Mayor, may tip na naman ang intel natin tungkol sa isang illegal na minahan sa bundok, malapit sa Eco Park. Mukhang nasa ilalim na sila ng mismong Eco Park ngayon, at kung magpapatuloy ang actibidad na ito ay maaring gumuho ang bundok at magkaroon ng landslide. Dilikado ang buong bayan, Mayor kung mangyari ito. Sa laki ng bundok ay siguradong matatabunan tayong lahat dito ng lupa." saad ng kausap ni Mayor Maxwell. Hindi lamang basta kuwento ang dala ng lalaki, dahil matroon din siyang dalang mga picture at blueprint nang minahan. Salubong ang dalawang kilay ni Maxwell, dahil sa isa na namang kaso ang kaniyang nadiskobre. Ngayon lamang sa pagkakaluklok niya sa serbisyo niya nalaman ang mga ito. Noon naka upo pa ang dating Mayor ay wala naman naglalabasan na mga ganoong kaso, kaya nagtaka siya kung bakit hinintay pa siyang maka upo bago nadiskobre ang mga ito. "May idea ba kayo kung gaano na katagal nag operate ang Minning Company?" tanong ni Maxwell. "Mukhang matagal na, Mayor! Ang kuwento ng mga nakatira sa malapit sa site ay ilang taon na silang nagtitiis sa perwisyong dala sa kanila ng illegal na pagmemina sa lugar. Nahuhulog daw sa ilog na malapit sa kanila ang mga waste material mula sa minahan. Mayroon din daw sumubok noon na manguha ng maliliit na ginto sa ilog, pero nang malaman daw ng mga tauhan sa minahan na marami silang nakukuhang ginto sa ilog ay binabantayan na sila at kukunin sa kanila ang mga nakukuha nila at bibigyan lamang ng maliit na halaga bilang kabayaran. Kung hindi naman daw nila ibibigay ang mga ginto ay sasaktan sila ng mga armadong lalaki na nagbabantay sa minahan. Ang sabi din nila ay walang ibang nakakapasok sa loob ng minahan kung hindi lamang ang mga minero nila." salaysay ng lalaki. Lalong napaisip si Maxwell, kung sino ang operator nang Minning Company. "Alamin n'yo kung sino ang nagmamay-ari sa Minning Company, para alam natin kung sino ang kakasuhan natin." utos niya sa mga kausap. Agad na tinapos ang kanilang meeting para makausap ng sarilinan ang kanilang Administrative Assistant. Ito lamang ang pinagkakatiwalaan niya sa laban niya sa corruption, at pagpuksa sa mga masasamang elemento. Hindi rin nagtagal ang pag-uusap ng dalawa dahil gabi na iyon at kailangan na nilang umuwi. Naghanda si Mayor Maxwell sa kaniyang pag alis. Nakahanda naman ang mga tauhan niya sa labas para protektahan siya. Friday night na rin kaya kasama niyang uuwi si Joanna, para makasabay itong mag-dinner sa sariling bahay. SAKAY sila nang kotse pauwi sa bahay ni Mayor Maxwell, nang bigla na lang silang paulanan ng b@l@ nang mga nakasalubong nilang mga naka motor. "AAAH! Maxwell, mamamatay na tayo dito!" malakas na sigaw ni Joanna, dahil sa takot niya sa nangyari. Agad siyang nagtago sa ibaba ng upuan para hindi siya matamaan. Si Maxwell naman ay nagyuko lang ng ulo para hindi siya mahagip ng mga b@l@. Bigla naman nag preno ang kanilang driver, dahil pumutok ang isang gulong ng kaniyang kotse. Bahagyang gumiwang ang sasakyan. ngunit agad naman naka preno ang driver, Hinabol ng ilang tauhan ni Maxwell ang dalawang motor, upang huliin ang mga ito. Ang iba ay nagpaiwan doon upang bantayan si Maxwell, para siguraduhing ligtas ang kanilang amo. Si Joanna naman ay iyak ng iyak, dahil sa takot. Niyakap naman siya ni Maxwell, para matahanin. Mayamaya pa'y dumating ang isang sasakyan ni Mayor, at doon sila lumipat ni Joanna, at naghintay sa pagdating ng mga police. "Nang dumating na ang mga police ay agad nilang kinausap si Mayor Palmer, ngunit si Joanna naman ang sumasagot. "Ms. Caleon, si Mayor Palmer ang tinatanong namin dito, hindi ikaw. Puwede bang tumahimik ka muna para matapos na kami sa aming pag-iimbistiga! Hindi ka nakakatulong, Ms. Caleon. Lalo mo lamang pinapalayo ang kuwento." saad ng isang police, dahil wala na totoong nangyari ang mga sinasabi ni Joanna. Nahilot naman ni Maxwell ang kaniyang noo, dahil sa mga nagyayari sa kaniyang buhay. "Joanna, go inside the car and wait for me there. Mayroon lamang kaming dapat pag-usapan ng officer." mahinahon na sabi ni Maxwell sa dalaga. Agad naman itong sumunod kay Maxwell. Naglakad siya patungo sa kotse at umupo sa likod nito. Agad naman itong isinara ng isang tauhan ni Maxwell, para hindi na maka estorbo si Joanna. Ilang minuto din ang lumipas bago natapos ang pag-uusap nina Maxwell at ang officer na namuno sa pagresponde. Agad na pina andar ng driver ang kotse, patungo sa bahay ni Maxwell. Pagdating nina Maxwell at Joanna sa loob ng bahay ay agad naman tumahol si Libby, dahil muli na naman niyang nakita si Joanna na pumunta sa bahay nila ni Maxwell. "Maxwell, bakit ba laging galit sa akin ang aso mo? Hindi ko naman inaano ang aso mo, pero ayaw niya akong pumunta dito sa bahay mo." sabi ni Joanna. Nagtago rin siya sa likuran ni Maxwell, dahil talagang gusto siyang kagatin ni Libby. "Libby, that's enough! Bisita natin si Joanna, kaya huwag kang magalit sa kanya." pagsaway ni Maxwell, kay Libby. Ngunit lalo lamang nag wala si Libby, dahil sinaway siya ni Maxwell. Bigla siyang lumundad ng mataas at tinadyakan si Joanna sa malaki nitong dibdib. "Ouch! Maxwell, itali mo ang aso mo! Nasisiraan na yata ng ulo ang asong iyan, kaya gusto akong saktan." malakas na sigaw ni Joanna. Lalo namang nagwala si Libby, at kinagat nito ang laylayan ng skirt ni Joanna, kaya agad din na hinila ito ni Joanna ang tela, para bitiwan ito ni Libby. Malakas si Libby, at hindi siya kaya ni Maxwell na pigilan sa pagwawala nito. Mabilis na winawasiwas ni Libby ang tela na kinagat niya, hanggang napunit na ito at humiwalay ang laylayan ng skirt ni Joanna. "Maxwell, ang skirt ko! Ang mahal nito dahil isa ito sa collection mula sa Alexander McQueen Brand!" mangiyak-iyak na sabi ni Joanna. Laking panghihinayang niya sa skirt niya na iyon dahil talagang napakamahal ng bili niya sa ibang bansa. "I'll pay you back, okay! Huwag kanang sumigaw puwede? Dahil bawat sigaw mo ay lalong nagagalit si Libby." sagot ni Maxwell. Hindi na niya alam ang gagawin dahil sa inaasal ni Libby. Binuhat ni Maxwell, si Libby, pero nagwala pa rin ito. Muli siyang nakawala at muling kinagat ang manggas ng suot na long sleeve blazer ni Joanna. Hinila niya ang laylayan ng kamay nito, kaya hinubad na lang ito ni Joanna, para makalayo na siya sa aso ni Maxwell. Tumakbo siya patungo sa ibabaw ng dining table at doon siya lumuhod at nanginginig sa takot. Nakita naman ni Libby ang sapatos ni Joanna na iniwan nito sa sahig, kaya iyon na naman ang kinagat niya at mabilis na winasiwas para madaling masira. "Oh my God, Maxwell, my Balenciana shoes!" malakas na iyak ni Joanna, dahil nakita niya kung paano sirain ni Libby ang sapatos niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD