LIBERTY-5: KAPE‼️

1907 Words
MABILIS na nakapag adjust si Lib, sa bago niyang buhay sa Baguio. Tuwing umaga ay maaga siyang babangon para tumakbo nang dalawang kilometro, kasama ang kaniyang alagang aso na si Max. Laging kasa-kasama ni Lib si Max, kapag siyang naglilibot sa karatig pook nang kaniyang tirahan. Mabilis lumaki si Max, dahil may lahi itong Doberman Pinchers. Isang uri nang aso na kadalasan na tine-train para sa K-9 unit. Wala din naghanap sa aso noon kaya tuluyan nang ni-adopt ni Lib ang aso. Naging routine nila ni Max, ang pagtakbo tuwing umaga. Pagbalik nila sa bahay ay bibili naman sila ng Pandesal sa isang Bakery na nadadaanan nila. Masarap ang tinapay na gawa sa bakery na iyon kaya maraming bumibili rito. Nakilala na rin si Liberty sa lugar, kaya marami na siyang mga naging kaibigan roon. Kapag naglalakad siya patungo sa Academy ay marami ang nagyaya sa kaniyang isakay siya sa kanilang mga sasakyan, kaya nakaka-libre siya nang pamasahe. Nagugustuhan kasi siya ng mga tao roon, dahil sa nakikita nilang kabaitan niya sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Madalas siyang namimigay ng meryenda at mga damit sa mga batang taga roon, at tinuturuan din niya ang mga ito nang simpleng kaalaman sa Martial arts, at paggamit ng Archer, kaya maraming magulang ang natutuwa dahil ang mga anak nila ay hindi na gaanong naglalaro ng gadgets. Habang pumipila si Lib, para makabili ng pandesal ay nasa gilid lang ng kalsada si Max. Naka upo ito sa lupa at matiyagang naghihintay sa kan'ya. Araw-araw na ganon ang ginagawa nila, kaya si Max, naman ay alam na alam na niya kung saan siya pupuwesto para maghintay. Marami ang nakapila sa harap ng Bakery sa ganoong oras, kaya tahimik lang na naghintay si Lib, sa pila para makabili siya ng agahan nila ni Leah. Hanggang sa isang kulay puting van ang biglang huminto sa tapat ng Bakery, at bumaba ang mga naka sakay rito. Biglang nanlaki ang mga mata ni Lib, nang makilala niya ang isa sa mga lalaking bumaba. Pati ang butas nang ilong ng dalaga ay biglang lumaki at kulang na lang ay magbuga ito ng usok dahil sa galit na bigla niyang naramdaman. Ang lalong ikinainis ni Lib ay ang pagbili ng pandesal ng lalaki na hindi man lang pumila. "Aba, may pa-special treatment! Ang kapal talaga ng mukha. Porket Vice Mayor siya sa bayang ito ay lisensyado nang mauna sa pila." Inis na inis na sambit ni Lib. Mahina lang ang kanyang pagkakasabi, ngunit narinig pa rin siya ng lalaking nasa harapan niya, kaya napalingon ito at kinausap siya. "Hayaan mo na si Vice, Miss! Minsan lang naman 'yan magpunta rito nang ganito kaaga. Baka bibili lang siya ng meryenda ng mga kasamahan niya." Saad ng lalaki, pero hindi pa rin ito matanggap ni Lib. Ngunit sa halip na umalis na ang lalaki pagkabili nito ng pandesal ay doon naman ito tumambay, habang kinakain nila ng mga kasama ang pandesal na binili nila. "Totoo nga palang masarap ang pandesal na gawa n'yo dito. Alam n'yo bang lagi kayong ibinibida ng kapatid kong nag-aaral dito, dahil sa masarap at murang pandesal na tinda dito." Sabi ni Vice Mayor Palmer, sa tendera. "Maraming salamat po, Vice! Magmula nga nang magbukas ang Academy ay na doble na ang aming tinda, dahil lahat ng mga nag boarding sa malapit ay dito nagpupunta para bumili." Tugon naman ng tendera. "Nakakalungkot lang dahil malapit na naman matapos ang second semester, kaya matitigil na naman ang ganitong kita namin." Dagdag pa ng tendera. Hanggang sa biglang magkagulo ang mga tauhan ni Vice Mayor Palmer, at nagtungo ang mga ito sa may bakanteng lote. "Vice, si Libby, biglang lumabas at tumakbo sa parteng iyon nang bakanting lote!" Pasigaw na sambit ng isa nitong tauhan. "What?! Bakit n'yo hinayaang makalabas? Baka marumihan ang paa. Puro putik pa naman ang daan ngayon dahil maulan." Tugon ni Vice. Nagmamadali itong nagtungo sa tapat nang bakanteng lote si Maxwell at hinanap ang alagang aso. "Libby! Libby!!!" Malakas na pagtawag ni Vice Mayor sa kaniyang alaga. Sinilip pa niya ito sa ibabang bahagi nang lote, dahil nakatago ito sa ilalim ng malalagong halaman. "Vice, ayon si Libby!" Turo ng isa niyang tauhan sa kumpol ng mga damo. "Naku, Vice, mukhang nag-asawa na ang alaga mo! May kasama siyang kulay itim na aso." Dagdag pa ng tauhan. "Anong nag-asawa? Wala pang isang taon si Libby ko; hindi pa siya puweding mag-asawa!" Galit na galit na sabi ni Vice Mayor, saka siya mabilis na humakbang patungo sa ibabang bahagi na kung saan naroon ang kaniyang alagang aso. Dahil sa naririnig na kumusyon sa paligid ng dalaga ay bigla niyang naalala si Max. Nang mapatingin siya sa lugar kong saan laging naka upo si Max, ay wala na ito roon. "Max?! Max, nasaan ka?! Max!!!" Biglang kinabahan si Lib, dahil biglang nawala si Max sa kinauupuan nito. Maliwanang na rin sa mga oras na iyon kaya malinaw na niyang nakikita ang buong paligid. Hanggang sa marinig niya ang boses ni Max na tila may kagalit. Umiiyak ito na tila nasasaktan. Patakbo siyang nagtungo sa kinaroroonan nila Vice Mayor Palmer, para makita ang pinagkakaguluhan nila roon ng mga tauhan nito. Nang makalapit siya ay nakita niya ang dalawang aso sa may gilid, kaya lalo siyang nawindang. "Max?!" Pagtawag ni Lib, sa alaga. "EH-EH-EH!" Tugon ni Max na tila nagsusumbong. "Huh! It's you, again?!" Nanggigigil na sambit ni Maxwell sa dalaga. "Ang babaeng bintangera!" Dagdag pa nito. "Oo, ako nga! Bakit anong problema mo?! At para sabihin ko sa 'yo – hindi ako bintangera, dahil totoo ang sinabi ko noon tungkol sa 'yo. Eh, ikaw, anong ginagawa mo rito, aber? Bumili ng Pandesal, pero hindi ka man lang pumila! Nakita mong ang daming mga nakapila sa harap ng Bakery, pero binalewala mo – kasi ginagamit mo ang kapangyarihan mo para mauna sa mga tao!" Masungit na tugon ni Lib, na nakapamaywang sa harapan ni Maxwell. "Watch your mouth, Woman! Baka hindi na kita mapagpasensyahan ngayon at tuluyan na kitang ipakulong this time." Banta ni Maxwell. "Huh! At ako pa ngayon ang ipapakulong mo?! Baka ikaw at ang aso mong maland* ang ipakulong ko, dahil in@kit ng aso mo ang aso ko!" Sigaw ni Lib sa binata, saka siya napatingin sa dalawang aso na magkahugpo. "Dapat talagang ipakulong na kita, kasama ng aso mo. Kailangang dalhin sa Dog Shelter ang aso mong r4pi$t!" sagot din ni Maxwell, kaya lalong nag-init ang ulo ni Lib. "At bakit naging kasalanan ng aso ko ang nangyari sa kanila ng aso mong maland*. Nananahimik ang aso ko sa tabi, pero ang aso mong maland* ang lumapit sa aso ko at dinala dyan sa masukal na bahaging iyan para ma solo, tapos aso ko ang sisisihin mo? Ikaw ang may kasalanan niyan, dahil pabaya ka!" Sagot ni Lib. Halos hindi na siya huminga habang nagsasalita dahil sa galit niya kay Maxwell. "Nasa loob ng Van, ang aso ko kanina, pero lumabas dahil hindi naisara nang maayos ng tauhan ko ang pinto. Pero iyang aso mo ay sinamantala ang pagkakataon para pagsamantalahan ang aso ko!" Saad ni Maxwell, na nakaturo pa ang daliri sa sasakyan. "Hindi mapagsasamatalahan ang aso mo, kung hindi niya inakit ang aso ko!" Pilit ni Lib. "MAXWELL! Halika kana, umuwi na tayo! Iwan mo na ang maland*ng payatot na nang-akit sa 'yo!" Malakas na sigaw ni Lib, kaya agad na tumakbo si Maxwell, palapit sa kaniya, dala ang aso ni Vice Mayor. Malakas naman na umiyak ang kulay puting aso na kulot ang buhok dahil nasasaktan ito nang mahila siya ni Max, dahil hindi pa sila tapos mag-mating. Ngunit natanggal na lang kinalaunan dahil sa bilis tumakbo ni Max, dahil sa takot niya sa mga tauhan ni Vice na humahabol sa kanila. "How dare you na ipangalan sa akin ang aso mo? Bakit, mukha ba akong aso sa paningin mo, at gagamitin mo ang pangalan ko sa aso mo?" Sigaw ni Maxwell, habang nakaturo ang hintuturo niya kay Lib. Galit na galit itong humakbang patungo sa kalsada ang binata para komprontahin si Lib. "Excuse me?!" Hindi naman makapaniwalang sambit ni Lib, at hinarap din ang lalaki. "Hoy, lalaking ambisyoso! Hindi ko kinuha sa pangalan mo ang ipinangalan ko sa aso ko! Dahil ang pangalan niya ay galing sa pangalan nang paboritong kape ng Tatay ko. Ang Maxwell House na kapeng barako na kahit wala na nga kaming maulam, pero inununa pa rin ng Tatay kong ibili ng Maxwell House ang pera niya dahil iyon lang daw ang masarap sa kaniyang panlasa." Tuloy-tuloy na sagot ni Lib, habang nakapamaywang sa harapan ni Maxwell. Hindi naman naka imik si Maxwell, dahil sa narinig. Bigla siyang natameme, at nahiya na rin dahil sa daming tao sa paligid nila na nanonood sa kanila ni Lib, habang nagsasagutan. "At isa pa, kaya ko iyon ipinangalan sa aso ko ay dahil sa maitim niyang kulay. Kakulay niya ang kape ng Tatay ko, dahil ayaw rin ni Tatay maglagay ng gatas, tapos pagbibintangan mo akong nanggaya ng pangalan. Hoy, Vice Mayor! Ang pangalan mo, at pangalan ng aso ko ay iisa, pero magkaiba ang pinagmulan. Huwag kang bintang ng bintang dyan, dahil masamang ugali iyon lalo pa't isa kang Vice Mayor sa lugar na ito." Dagdag pa ni Lib, bago tuluyang umalis. Hindi na rin siya bumili ng pandesal, dahil nawalan na siya ng ganang pumila. At sa dami nang nakatayo sa harap ng Bakery ay hindi na niya mahihintay ang mga ito kung muli siyang pipila roon. "Maxwell, let's go home!" Muli niyang pagtawag kay Max, saka siya tumakbo nang mabilis. Agad din sumunod si Max, at tinabihan pa siya sa pagtakbo pauwi sa kanilang tinutuluyan. "Vice, wala na si Miss Taray! Baka naman gusto mo nang umuwi, para paliguan si Libby? Puro putik na ang aso mo, at may bahid pa ng dugo sa--" Alanganing saad ng isang tauhan ni Maxwell, pero hindi na nito itinuloy dahil baka lalong magalit ang binata. "Sige, buhatin mo na si Libby, at dadalhin natin siya sa doctor! Kailangan siyang mabigyan ng gamot, para hindi siya mabuntis. Ayaw kong malahian siya ng maitim." tugon niya sa tauhan, kaya agad namang binuhat ng lalaki si Libby, at dinala sa loob ng sasakyan. Pag-uwi ni Lib sa tinutuluyan ay inis na inis pa rin siya. "Naku! Ang sarap talagang tirisin ang lalaking Kape na iyon. Ang sarap pasab*gin ang bunganga!" Nanggigigil na sambit niya, habang naghahanap ng puweding iluto sa mga stock nilang grocery. "Oh, Lib, bakit sino bang kaaway mo dyan at mukhang galit na galit ka yata?" Napatigil si Lib sa ginagawa dahil sa narinig niyang tanong ni Leah. "Hay naku, Ate Leah! Alam mo bang nagpang-abot na naman kami ng mayabang na Vice Mayor n'yo at pinagbintangan ba naman si Max na ni-r4p3 ang aso niyang payatot na maland*!" sagot ni Lib, nang makaharap siya sa dalaga. "Ha?! Aso, nang-r4pe? Mayroon bang gano'n?" hindi naman makapaniwalang tanong ni Leah. "Ewan ko sa Vice ninyo, Ate!" nakasimangot na sagot niya. Ngunit biglang natawa si Leah, dahil sa sagot ni Lib. "Alam mo, Lib, ang cute mong magalit kay Vice Mayor Palmer. Ingat ka lang dahil baka biglang bumaliktad ang mundo n'yo at siya pala ang makatuluyan mo." natatawang sabi ni Leah. Lumapit na siya kay Lib, at kinuha sa kamay nito ang hawak nitong dalawang pack na pancit canton. "Over my d34d beautiful, and sexy body! Mas nanaisin ko pang tumandang dalaga, kaysa makatuluyan ang Kape na iyon!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD