LIBERTY-16: ANG BILIN NI LIB.‼️

1570 Words
MATAPOS nilang magpa-picture ay muling bumalik sa kaniyang upuan si Lib. Muli naman ipinagpatuloy ni Mrs. Palmer ang pagbubukas ng mga regalo niya at pinasalamatan ang bawat isang nag abalang magregalo sa kaniya. Naging masaya ang gabing iyon para sa lahat, lalo na si Mrs. Palmer. Naka ngiti ang ginang hanggang matapos ang party at magpaalam ang mga bisita para umuwi na sa kani-kanilang tahanan. Nagpaalam na rin si Lib, dahil maaga pa siyang papasok sa Academy kinabukasan. "Thank you, hija sa oras na inilaan mo para maka attend ka ngayon sa party ko. At salamat din dito sa napakagandang bracelet na bigay mo. "Walang anuman, Tita! Isuot mo po lagi ang bracelet na iyan dahil masuwerte po ang Jade sa atin. Alam n'yo po ba'ng ang Jade ay nag-a-attract ng good luck, itinataboy ang negativity, improved blood circulation and reduced stress, at nagtatawag din ito ng blessings mula sa deities." saad ni Lib sa ginang. "Sure, hija! Pangako, hinding-hindi ko ito tatanggalin sa kamay ko." tugon ni Mrs. Palmer. Paglabas niya sa gate ng mansion ay naka abang na sa kanya ang isa niyang bodyguard na si Joshua. Sakay nito ang motor ni Lib. Umangkas siya sa likod ng motor si Lib, na mabilis naman pinatakbo ni Joshua, para makalayo na sila sa lugar. Nang makarating sila sa isang madilim na bahagi ay tumigil doon si Joshua. Agad naman bumaba si Lib, at mabilis nitong tinanggal ang suot na pantalon. Mayroon naman siyang suot na fitted black pants sa loob na naka tupi ang laylayan para hindi lumabas kapag umupo siya. Tinanggal niya ang suot na white long sleeve blazer, saka nito isinuot ang ibinigay ni Joshua na black long sleeve. Dala ni Joshua ang mga gamit ni Lib sa Octagon. Nagsuot din siya ng bonnet at gloves. Pinalitan ng tactical shoe ang white high heels na suot niya, saka niya inilagay sa katawan ang tactical jacket na kompleto sa armas. Mabilis naman na isinisilid ni Joshua sa loob ng toolbox ang mga hinubad ni Lib, at nang handa na ang dalaga ay muli silang sumakay sa malaking motor at nagtungo sa lugar kung saan planong pumunta ni Lib. Ipinarada ni Joshua ang motor sa isang bakanteng lote at itinago ito sa likod ng mga malalagong halaman. Magkasama silang dalawa ni Lib na nagtungo sa likurang bahagi ng Subdivision at inakyat ang bakod. Ngunit bago sila umakyat sa bakod ay mayroon munang ni-on na device si Joshua, para ma-block ang mga CCTV at kahit mga gadgets na ginagamit nang karamihan ay hindi gagana kapag nasa malapit ang device kapag makalapit sila. Ilang metro ang kayang maabot ng device, kaya tiwala silang walang CCTV na makakapag record nang kanilang pagpasok at pagdaan sa lugar. Gabing-gabi na rin iyon kaya wala nang mga tao sa paligid. At sa lamig ng klima sa Baguio ay hindi gugustuhin ng kahit sino na tumambay sa labas. "Ma'am, mag-iingat po kayo sa pagpasok sa bahay ni Vice. Baka mayroon siyang mga aso sa loob at makagat kayo. Wala tayong device para mapatigil ang mga aso." paalala ni Joshua. "Don't worry, Josh! Basta maging alerto ka lang at kung dumating si Kape ay sabihan mo agad ako para makalabas ako ng bahay niya bago siya pumasok sa loob." bilin ni sa tauhan. "Copy, Ma'am!" Sabay na umakyat sa bakod ng bahay ni Maxwell sina Lib, at Joshua. Sa pinto ng kusina dumaan si Lib, habang si Joshua naman ay nakasunod sa kanya. Mayroon pa siyang hawak na device na mayroong tracking device. Lihim na nilagyan ni Lib ng tracking device ang relo ni Maxwell, kaya ngayon ay nakikita nila kung saan ang location nito. Nakapasok si Lib sa loob ng kusina ni Maxwell, na walang nililikhang ingay. Mayroon siyang mga gamit na ginamit pambuksa sa pinto, kaya walang ingay na nilikha ang kanyang pagpasok. Iginala muna niya ang paningin para masigurong walang tao sa loob ng kusina. Kahit nakapat@y ang ilaw ay malinaw pa rin niyang nakikita ang buong paligid dahil sa suot niyang night vision glasses. Nang makita niya ang refregirator ay agad niyang binuksan ito at tiningnan ang laman nito. Nang makita niya ang dalawang Bangus na malalaki sa loob ay kinuha niya ito at inilagay sa lamesa. Kinuha din niya ang mga bawang at sibuyas, luya at inilagay sa loob ng plastic, saka niya ito binitbit at nagtungo sa loob ng bahay. Nakita naman niya ang mga prutas na nasa ibabaw ng mahabang lamesa, kaya sinenyasan niya si Joshua na buhatin ito. Agad naman na binuhat ni Joshua ang fruit basket, at inilagay ang mga prutas sa bawat baitang ng hagdan. Umakyat silang dalawa sa hagdan at pumasok sa kuwarto ni Maxwell. Hindi naman nahirapan si Lib na buksan ang pinto dahil hindi ito naka lock. Ngunit dahan-dahan pa rin niya itong binuksan dahil nag-aalala siyang mayroong babae na itinatago roon si Maxwell at magising ito. Nang masiguro niyang walang ibang tao ang loob ng kuwarto ay agad niyang inilagay sa ibabaw ng kama ang dalawang bangus at mga recado nito sa kama at itinago sa ilalim ng kumot. Pumasok din siya sa loob ng banyo ni Maxwell at hinanap ang toothpaste ng lalaki. Itinaktak niya ang tube at inilagay sa loob ang liquid na dala niya, saka muling ibinalik sa lagayan. Sinadya din niyang ihulog sa loob ng toilet bowl ang toothbrush ni Maxwell. "Oops! Nahulog!" mahina niyang sambit, at hinawakan pa ang kaniyang bibig na tila nagulat. Muli niyang pinulot ang toothbrush at ibinalik sa lagayan, saka niya ipinunas ang kamay sa tuwalya na nasa sabitan. Mayroon din siyang inilabas na maliit na bote at inisprayhan ang tuwalya ni Maxwell, bago siya lumabas. Palabas na sana siya ng kuwarto nang makita niya ang malalaking cabinet ni Maxwell. Muli siyang napangiti nang may maisip siyang kalokohan. Agad niyang binuksan ang mga cabinet, at kinuha mula sa lagayan ang kaniyang hunt*ng kn**e. Ilang beses niyang winasiwas ang hawak sa loob ng damitan ni Maxwell. Binuksan din niya ang mga drawer at pinangs@k$@k ang mga nakalagay sa loob nito. Nang matapos siya sa loob ng kuwarto ni Maxwell ay muli siyang lumabas. Nakita niya si Joshua na nakatayo sa tapat ng isang pinto, kaya nilapitan niya ito. "Anong meron sa kuwartong iyan?" nagtatakang tanong ni Lib sa mahinang boses. "May nakatirang aso sa loob, Ma'am!" tugon ni Joshua. Muling napangiti si Lib, dahil muli niyang naalala na mayroon palang alagang aso noon si Maxwell, kaya agad niyang binuksan ang pinto. Ngunit nang makita niya ang aso ay abala ito sa pagsasayaw sa harapan ng napakalaking TV. Nilapitan ni Lib, ang aso dahil natutuwa siya na makita itong sumasayaw. Ginagaya niya ang pinapanood nito sa TV. Kinuha ni Lib, ang remote at pinalitan ang show. Inilipat niya sa mga naglalaro ng Gymnastic, kaya nilingon siya ng aso. "Mag-gymnastic ka naman para maiba ang sayaw mo. Puro na lang kendin-kending ang alam mo." Sabi ni Lib sa aso. "UHK! UKH! UKH!" tila nagreklamo ang aso sa kaniya, dahil ayaw nito ang show. "Iyan ang gayahin mo, kung hindi papaluhin ko ang puw*t mo!" panakot ni Lib sa aso, kaya muling humarap ang aso sa TV, at nagsimulang umindak. "Pagbutihin mo! Gusto ko pagbalik ko rito ay magaling kana sa gymnastic." mariin niyang sabi sa aso ni Maxwell. Palabas na sana siya nang mapansin ang pangan sa wall. "LIBBY'S ENTERTAINMENT ROOM". "Walanghiya ka, Kape! Ipinangalan mo pa sa akin ang aso mo! Humanda ka sa akin, dahil hindi lang ito ang gagawin ko sa iyo." nagngingitngit sa galit na sambit ni Lib. Bigla naman sumilip si Joshua, kaya lumapit siya sa lalaki. "Ano 'yon?" tanong niya. "Ma'am, pabalik na rito si Vice! Kailangan na nating lumabas para hindi niya tayo maabutan." pabulong na sabi nito. "Wait, may ilalagay lang ako dito sa loob." tugon niya, saka niya inilabas ang maliit niyang camera. Iginala niya ang paningin para maghanap ng lugar kung saan mas magandang ilagay ang secret camera na dala niya. Nang makita niya ang malaking painting na naka sabit sa itaas ng sofa ay doon niya idinikit ang isang camera. Makikita niya si Libby sa loob habang sumasayaw ito, at sa lampshade naman ang isa. Paharap sa pinto ang isang camera, kaya makikita niya ang sinumang papasok sa kuwarto ng aso. Inilagay naman niya sa ilalim ng coffee table ang voice recorder device, para marinig niya ang usapan ng mga papasok sa loob. Matapos niyang masiguro na maayos na ang mga device ay muli niyang kinausap si Libby. "Hey, Libby! Kung mayroong iuwi na babae ang Daddy mo rito, kagatin mo ha! Huwag mong mong hahayaan na may ibang babae na lumapit sa Daddy mo, kung hindi babalik ako rito at papaluhin kita sa puw*t!" sabi niya sa aso ni Maxwell. "Eeh! Eeh!" agad naman na tugon ni Libby. Bigla din siyang niyakap ng aso, kaya natuwa si Lib. "Aalis na ako, okay! Iyong bilin ko sa iyo, kagatin mo ang sinumang babae na iuwi dito ng Daddy mo. Kapag hinayaan mong may babaeng lumapit sa Daddy mo, isang araw ikaw naman ang itatapon ng Daddy mo, dahil hindi kana niya love!" muling sabi ni Lib. Muli siyang tinawag ni Joshua, kaya mabilis siyang lumabas ng kuwarto. Mabilis ang mga galaw nilang bumaba ng hagdan at muling bumalik sa kusina para doon lumabas. Ngunit bago siya lumabas ay hinanap muna niya ang lagayan ng mantika, saka niya isinaboy sa loob ng kusina, bago siya tuluyang lumabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD