LIBERTY-10: ZIYOÙ‼️

2289 Words
MABILIS na lumapit ang mga tauhan ni Maxwell, nang marinig nilang sumisigaw ito at humihingi ng tulong. Kasalukuyan silang kumakain sa isang kainan sa lugar na iyon nang may tumawag kay Vice Mayor Maxwell, kaya ito lumabas para kausapin ang taong tumawag sa kanya. "Let me go! Help! Help!" Malakas na sigaw ni Maxwell. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin dahil sa higpit ng pagkakayakap sa kaniya ng matandang babaeng ketongin. Pati ang dalawang paa ng babae ay nakayakap sa kaniyang mga hita kaya hindi siya makalayo sa babae. "Thank you, Hijo, ang bait-bait mo pala. May asawa kana ba? Gusto mo bang ako na lang ang pakasalan mo? Dalaga pa ako, Hijo!" Sabi sa kanya ng matanda. Lalong hindi makapaniwala si Maxwell, dahil sa narinig niyang sinabi ng matanda. Ang hindi niya napaghandaan ay ang ginawa ng matanda na paghalik sa kanyang labi. "Huh! HUWAAAAG!" Malakas niyang sigaw, pero nahalikan na siya ng matanda. Sumigaw ng sumigaw si Maxwell, dahil sa magkahalong takot at pandidiri sa ketongin na matandang nakayakap at humalik sa kanya. Matapos naman mahalikan ng babae si Maxwell ay bigla itong bumaba at biglang tumakbo ng mabilis. Naiwan si Maxwell na sumusuka sa tabi ng sasakyan dahil sa pandidiri niya sa ginawang paghalik sa kanya ng matandang ketongin. "Vice, anong nangyare sa 'yo?" Nagtatakang tanong ng isa niyang tauhan, nang makita nito ang binata na suka ng suka sa gilid. "Mayroong matandang ketongin na yumakap at humalik sa akin." Tugon niya, saka muling sumuka. "Habulin n'yo! Tumakbo sa gawing iyon." Utos ni Maxwell at itinuro sa bandang likuran. "Tara na! Baka hindi pa nakakalayo ang matandang sumugod kay Vice!" Saad ng isang lalaki, saka sila sabay-sabay na tumakbo patungo sa itinituro ni Maxwell. "Maghiwa-hiwalay tayo para madali nating mahuli ang matanda! Doon kayo sa eskinita, dito kami para mahuli natin kaagad." Nagdalawang pangkat ang mga tauhan ni Maxwell, para habulin ang matanda. Ngunit malayo na sila ay wala naman silang nakitang matanda sa pinuntahan nila. Hanggang sa may makasalubong silang isang magandang babae, kaya nagtanong ang dalawang lalaki na nasa eskinita. "Miss, may nakasalubong ka bang matandang ketongin? Baka nakita mo, may malaking kasalanan kasi siya kay Vice." Tanong ng isang lalaki sa dalagang maganda na nasalubong nila. "Wala naman akong napansin, mga Kuya! Bakit, ano bang ginawa ng matanda sa Vice ninyo?" Tanong ni Lib. "Niyakap at hinalikan daw si Vice ng matandang may Ketong, kaya ipinapahanap niya para dalhin sa prisento at kasuhan." Tugon ng isang lalaki. "Nakakatakot din iyon kasi baka naipasa niya kay Vice, ang sakit niyang ketong. At hindi lang kay Vice, dahil maaari rin niyang maipasa sa mga tao dito sa Baguio ang kaniyang sakit. Nakakahawa 'yon, kaya hindi siya dapat nagpapagala-gala." Sabi naman ng isang lalaki. "Gano'n ba, mga Kuya? Naku, mga Kuya! Delikado ang Vice Mayor ninyo kung ganon. Baka naipasa na sa kaniya ang virus, at pati kayo ay mahawaan niya. Huwag na kayong lalapit sa kanya at baka kayo ang magka-ketong." Sabi ni Lib sa dalawa. Biglang natigilan ang dalawang lalaki, dahil sa kanilang narinig. Hanggang sa biglang nagpaalam ang mga ito kay Lib. "Sige, Miss, mauna na kami. Kailangan namin maligo at baka nga naipasa sa amin ni Vice ang virus." Paalam ng isang lalaki. "Ako rin, Miss. Uuwi na ako at maliligo." Sabi rin ng isa. Mabilis silang naglakad palabas ng eskinita para umuwi ng kanilang mga bahay. Nang makalayo ang dalawa ay hindi na napigilan ni Lib ang pagtawa. Tumawa siya ng tumawa dahil sa tuwa niya sa mga nakita't narinig niya sa dalawang lalaki. Naglakad siya patungo sa main road para makita si Maxwell. Nakita niyang mayroong ambulance sa harapan ng kainan at isinakay nila si Maxwell sa stretcher bago ipinasok sa loob ng ambulance. Isang ngiting tagumpay ang dala-dala ng dalaga pauwi sa kaniyang inuupahan. Pakiramdam niya ay nanalo siya sa Lotto. Pagdating sa hospital ay agad na dinala sa emergency room si Maxwell, para sa ilang pagsusuri. Biglang nanghina at nawalan ng malay-tao ang binata dahil sa labis niyang takot sa matandang ketongin na yumakap at humalik sa kaniya. KINABUKASAN ay bali-balita ang nangyari kay Vice Mayor Palmer. Naka confine ito sa hospital dahil sa mataas na lagnat na hindi nila alam kung saan nito nakuha. Lihim namang nagdiriwang ang kalooban ni Lib, dahil sa nangyari sa Vice Mayor na kinaiinisan. "Hala ka, Ma'am Lib! Kasalanan mo kung bakit nasa hospital si Vice!" Pabulong na sambit ni Leah. "Huwag kang maingay, Ate Leah, baka may makarinig." Pabulong din na tugon niya sa dalaga. "Mabuti na lang at mabilis na na-delete ni Joshua ang CCTV footage, kung hindi nakita nila ang ginawa mo." Muling sabi ni Leah. "Hindi pa ako tapos sa Kape na 'yon! Humanda siya sa akin paglabas niya, dahil sisiguraduhin kong muli siyang babalik sa hospital." Banta ni Lib. Napa iling na lang si Leah, dahil sa sinabi ni Lib. Kilala na niya ang dalaga, kaya alam niyang gagawin nito ang sinabi nito kanina. Nang makalabas si Vice Mayor ay dinalaw siya nina Malou, Jessa, Sarah, at Lib sa bahay nito. Agad naman silang pinapasok ni Solana at ipinaghanda ng meryenda. "Kumusta kana, Kuya?" Bungad ni Malou, nang buksan nito ang pinto sa kuwarto ni Maxwell. "Maria Lourdes! Bakit mo isinama dito ang babaeng 'yan?" Hindi napigilan ni Maxwell na tanong kay Malou, nang makita niya si Lib na kasama nito. "Isinama ko sila dito para dalawin ka, Kuya! Huwag mo namang babastusin ang kaibigan ko." Sagot ni Malou sa mataas na boses. "Bakit kailangan mong isama ang babaeng 'yan dito, eh alam mong galit ako sa kanya!" Malakas ang boses na tanong ni Maxwell. Hindi naman nagpakita ng takot si Lib, dahil alam na niya kung ano ang magiging reaction ni Maxwell kapag nakita siya nito sa loob mismo ng sarili nitong bahay. "Ang sungit-sungit mo talaga, Vice! Kaya ka siguro napag-tripan ng matandang ketongin, dahil masungit ka." Pabirong sambit ni Lib, habang iniisa-isang tingnan ang mga display sa ibabaw ng study table ni Maxwell. "How dare you say that! Lumayo ka nga sa mga gamit ko, at baka masira mo pa ang mga 'yan! Hindi mo kayang bayaran ang mga frame na 'yan." Galit na sambit ni Maxwell, kay Lib. "Ang damot mo naman, Vice! Para tinitingnan ko lang ang mga pictures mo. Hayaan mo at papalitan ko kaagad ang masira ko rito kung meron man." Sagot ni Lib. "Oh, sino 'tong nasa picture, Vice? Girlfriend mo? Ang pangit naman, ang laki ng noo, parang Loakan Airport." Muling tanong ni Lib, nang makita niya ang picture ng isang babae. Hindi rin niya napigilan ang sarili na pintasan ang babae sa larawan. "Puwede ba! Bitawan mo ang mga gamit ko at umalis kana? Bakit ka ba kasi narito, eh hindi naman kita kaibigan." Masungit na sambit ni Maxwell. Kunwari ay nagulat si Lib, kaya nabitawan niya ang hawak niyang photo frame. "Ay, nahulog!" Malakas niyang sabi, habang naka hawak sa bibig nito. "Maria Lourdes, paalisin mo ang kaibigan mong malikot ang kamay, bago pa masira lahat ang mga gamit ko rito!" Naniningkit ang mga matang sabi ni Maxwell sa kapatid. "Bakit ba lagi mo akong tinatawag sa buo kong pangalan, Kuya? Naiiyak ako!" Sabi naman ni Malou. Biglang namula ang mga mata nito kasama ang ilong, dahil totoong naiiyak siya kapag tinatawag siya sa kaniyang buong pangalan. "Bakit ka ba kasi nagagalit sa kaibigan ko, eh tinitingnan lang naman mga gamit mo. At totoo naman na pangit si Michelle – ang sama pa ng ugali! Umalis na nga tayo, guys! Iwanan na natin ang masungit na lalaking iyan. Bahala siya sa buhay niya." Saad ni Malou, saka niya hinila ang kamay ni Lib, para isama sa paglabas. Ngunit nang nasa pinto na sila ay biglang tumigil sa paglalakad si Malou, at muling napatingin sa kapatid niya na nakahiga sa kama. "Sana balikan ka ng matandang ketongin na kinatakutan mo, para hindi kana gumaling!" Malakas na sigaw ni Malou, dahil sa inis niya sa nakakatandang kapatid. Agad na nagpaalam sina Malou, kay Solana. "Ate Solana, aalis na kami. Hindi na kami magmemeryenda rito at baka pagalitan na naman kami ng amo mong masungit!" Paalam ni Malou sa kasambahay. "Ha?! E, naka templa na ako ng juice, Ma'am Malou! Sayang naman iyon kung hindi n'yo iinumin." Tugon ni Solana. "Dalhin mo sa amo mong masungit, Ate, at sa kaniya mo ipa ubos." Sagot ni Malou, saka ito naunang lumabas ng pinto. Sumunod naman sa kanya ang tatlong mga kaibigan. KINABUKASAN ay naghanda si Lib, para magtungo sa bahay ng kaniyang Daddy Rich, para sa gaganaping birthday party ng kanyang Mommy Maria. Malapit lang ang subdivision kung saan naroon ang bahay ni Richard at Maria, kaya muling naglakad si Lib, para pagpawisan siya. May mga gamit na rin siya sa bahay ng kaniyang Daddy Rich, kaya doon na siya maliligo. Dala pa rin niya ang luma niyang bag na pinagtataguan niya ng costume na ginamit niya noon na panakot kay Maxwell. Malapit na siya sa gate ng subdivision nang makita niyang nasa gilid ng kalsada si Maxwell, kasama ang mga tauhan nito, kaya muli na naman siyang naka isip ng kalokohan. Agad siyang nagtungo sa masukal na bahagi sa gilid ng daan para isuot ang kaniyang costume at muling takutin si Maxwell. Mabilis lang para kay Lib na isuot ang kaniyang costume, dahil naka suot siya ng short at simpleng T-shirt. Isinuot muna niya sa magkabilang braso ang silicon na parang kamay na puno ng galis, bago niya isinuot ang lumang damit. Pinaka huli ang maskara na ipinasok niya sa ulo. Isa itong mukha ng matandang babae na tadtad sa galis-aso hanggang leeg. Ipinailalim niya sa loob ng damit ang kanyan bag, kaya nagmuha siyang buntis na matandang galisin. "Kung kailan malapit na, saka naman na-flat ang isang gulong." Inis na sambit ni Maxwell. "Sandali lang, Vice! Parating na si Menti, dala ang isang kotse n'yo." Tugon ng kaniyang driver. Papasok na sana si Maxwell sa loob ng sasakyan nang makita niya ang palapit na matanda. "Maxwell, asawa ko! Kailan tayo pakakasal? Tingnan mo, buntis na ako sa anak natin." Malakas na bigkas ng matandang galisin. "Dencio, nandyan na naman ang matandang ketongin!" Biglang nataranta si Maxwell, pagkakita niya sa matanda. Mabilis siyang tumakbo palayo para hindi siya malapitan ng kinatatakutang matanda. Ngunit paglingon niya'y tumatakbo rin nang mabilis ang matanda. Hinahabol siya nito. "Heeelp! Heeeeeelp!" Malakas na sigaw ni Maxwell. Nakasalubong niya ang sasakyan na pag-aari niya, kaya agad niyang ikinampay ang dalawang kamay para tumigil ito at makasakay siya. "Vice, bakit ka tumatakbo?" Nagtatakang tanong ni Menti. Ibinaba nito ang salamin ng bintana para makausap si Maxwell. "Buksan mo ang pinto, dali! Hinahabol ako ng matandang buntis na galisin!" Saad niya, kaya agad na in-unlock ng lalaki ang pinto para makasakay siya. "Paanong makatakbo ng mabilis iyang matandang buntis?" Nagtatakang tanong ng lalaki. "Paandarin mo ang kotse at habulin mo walanghiyang matandang 'yan!." Utos niya sa driver. Agad naman itong sinunod ng driver. Pinaandar niya ang kotse at sinalubong ang matandang buntis. "Vice, ayaw tumabi! Tumatakbo pa rin pasalubong sa atin." Sabi ni Menti Nanlalaki ang mga mata nito sa takot dahil ayaw nitong makasagasa ng tao. Biglang nag preno si Menti, nang malapit na ang kotse sa matandang buntis. Kitang-kita nila kung paano tumalon ang matandang babae sa harapan ng kotse at padapang dumapo sa harapan ng salamin ng dashboard. Naka tapat pa ang isang kamay nito sa harapan ni Maxwell, at naka f*çķ y** sign ang daliri. Parehong hindi naka galaw sina Maxwell at Mentu, dahil sa gulat. Hanggang sa biglang tumayo ang matandang babae at tumalon-talon sa may takip ng makina, saka ito umakyat sa ibabaw ng kotse at doon naman ito tumalon-talon ng ilang beses, bago ito bumaba sa likurang bahagi at muling tumakbo ng mabilis. "Ang kotse ko! Ang kotse ko!" Malakas na sigaw ni Maxwell sa loob ng kotse, dahil sa ginawa ng matandang ketongin na buntis. "Baba, habulin natin! Hindi ako papayag na basta na lang nasira ang bago kong kotse. Magbabayad ang baliw na matandang iyon." Mabilis na lumabas ng kotse sina Maxwell at Menti, para habulin ang matanda. "Ayon siya, Vice, patungo sa subdivision." Turo ni Menti. "Halika na! Bilisan mong tumakbo para mahuli natin." Saad ni Maxwell. Mabilis silang tumakbo, patungo sa kalsadang papasok ng subdivision kung saan sila patungo ngayon para sa Party ng isang mayamang negosyante. Dahil sa layo ng tinakbo nila ay pansamantala silang tumigil sa gilid para magpahinga. May parating din na kotse mula sa loob ng subdivision kaya't padadaanin muna nila ito, bago sila muling magpatuloy sa pagtakbo. Ngunit biglang tumigil ang bagong SUV sa tapat ni Maxwell, at ibinaba ang bintana nito. "Vice Mayor Palmer! What are you doing here?" Tawag sa kanya ng lalaki. "Mr. Ang!" Gulat na sambit ni Maxwell, nang makilala ito. "Yes, Vice Mayor Palmer, ako nga! Wait, bakit ganyan ang ayos mo, Vice? Mukha kang nag-marathon sa pagkabasa ng damit mo. Naliligo ka sa pawis. Hindi kana ba pupunta sa bahay?" Nagtatakang tanong ni Richard Ang. "May hinahabol kasi ako, Mr. Ang! Isang baliw na matandang babae, ketongin, at butis. Baka nakita mo siya na pumasok sa loob ng subdivision, Mr. Ang? Ang laki nang kasalanan sa akin ng baliw na 'yon." Tugon ni Maxwell. "Baliw na matandang babae, ketongin, at buntis?" Pag-ulit ni Richard sa sinabi ni Maxwell. Nasa mukha din nito ang pagtataka. "Wala naman akong nakita." Tugon nito. "Mahal, nakita mo ba ang hinahanap ni Vice?" Baling nito sa asawang naka upo sa passenger seat. "Wala naman akong napansin." Sagot ni Maria. "Ziyou, may nakita ka bang baliw na matandang babae, ketongin, at buntis?" Tanong ni Richard sa magandang babae na naka upo sa bandang likod na upuan. "No, Daddy! Wala akong nakita!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD