LIBERTY-14: SO CLOSE‼️

1349 Words
AGAD din lumayo ang matandang babae kay Vice, matapos itong nagsisigaw at humingi ng tulong sa mga tao. Ngunit bago siya tuluyang umalis ay hinalikan niya ang labi ni Vice, kaya muli itong nagsisigaw. Ang bilis na pinunasan ni Vice ang kaniyang nguso, dahil sa pandidiri sa matandang babae. Lalo na nang maisip niya ang nakita niyang dilaw na mga ngipin nito at mayroon pang mga bulok. Mabilis naman na tumakbo ang matanda patungo sa isang street para magtago. Wala naman nagtangkang humabol sa kaniya dahil ang mga tao ay nakatayo sa paligid ni Vice. Tinutulungan nila ang lalaki dahil sa hirap nitong magsuka. Nang matapat ang matanda sa isang kotse ay agad nitong binuksan ang pinto ng naka paradang kotse sa gilid ng daan at sumakay siya sa likurang bahagi na upuan ng kotse. "Mission accomplished!" Sambit niya, saka niya hinila ang mascara na nakasaklob sa kaniyang ulo. "Ang init!" Sabi pa niya. Malakas naman na tumatawa sina Richard at Aaron na naka upo sa harapang bahagi ng kotse. Agad din pinaandar ni Richard ang kaniyang kotse para maka alis na sila sa lugar. "Kawawang Palmer! Tsk! Tsk! Tsk!" Sambit ni Aaron, habang umiiling. May hawak siyang ipad, at pinapanood ang video nang ginawa ni Lib, kay Maxwell. "Princess, last na 'yon, okay! Hindi kana magpapakita kay Vice, bilang matanda." Paki usap ni Richard sa pamangkin. "Okay, Daddy! Hindi na ako magpapakita bilang si Lola Eczema. But I can't promise you na ito na ang huling beses na paglalaruan ko siya. Galit pa rin ako sa kanya, Daddy!" Tugon ni Lib. "Huwag ka lang pahuhuli, Princess! Alam mong malayo kami sa 'yo. Hindi ka namin matutulungan kung mahuli ka ni Vice." Saad naman ni Aaron. "Don't worry, Daddy A, dahil nagmana yata ako sa inyo ni Daddy Rich!" Tugon niya kay Aaron. Hinatid nila si Lib sa tinutuluyan nitong bahay, bago sila umuwi sa mansion ni Richard. Tiwala ang dalawang lalaki na safe si Lib, dahil na-delete na nila ang kuha ng mga CCTV kung saan nangyari ang lahat. Pag pasok ni Lib sa inuupahang bahay ay agad siyang sinalubong ni Max. Ang laki na nang kanyang aso, kaya kapag tumayo ito ay maabot na ang kaniyang dibdib. Sabik na sabik si Max, kay Lib. Parang umiiyak ang tinig nito habang dinidilaan niya ang pisngi at leeg ni Lib. Hinawakan naman ni Lib, ang kaniyang batok at minasahe ito, ganon din ang likod ni Max, kaya medyo kumalma ang kanyang aso. Hinayaan lang ni Lib si Max, hanggang kusa itong tumigil at humiga na ito sa dog sofa na binili niya para kay Max. Sa mga sumunod na buwan ay naging busy si Lib sa pag-aaral. Dahil sa dami nilang mga training ay hindi na siya nakakalabas, kaya hindi na rin sila nagkikita ni Maxwell. Nakatutok lang siya sa pag-aaral niya para maging ganap na NBI Agent, kagaya ng pinapangarap niya. NAGING tahimik naman ang buhay ni Maxwell, matapos ang ilang beses na nangyaring insidente sa buhay niya. Hindi na rin nagpakita ang matandang babaeng baliw na kinatatakutan niya. Mula nang nagsampa siya ng kaso para mahuli ang matanda ay hindi na ito nagpakita sa kaniya. Alam niyang tuluyan nang natakot ang matanda dahil na rin sa dami niyang bodyguard na ipinadala ng kaniyang ama. Ngunit paminsan-minsan ay bumabalik siya sa mansion ni Richard Ang, para magbakasakali na dumating ang pamilya Ang, at muli niyang makita si Ziyou. Ngunit ang caretaker lamang ang naroon na nakakausap niya. Sinubukan din niyang kunin sa caretaker ang address ng mag-asawang Richard at Maria sa Kuala Lumpur, Malaysia, ngunit hindi rin alam ng caretaker ang kanilang address doon. Lagi niyang sini-search si Ziyou sa social media, pero wala naman siyang mahanap na profile nito. Pati sina Richard at Maria ay hindi niya mahanap ang social media account ng mga ito. "Ang lakas talaga ng tama mo sa pamangkin ni Mr. Ang, Pare! Ano bang ipinakain sa 'yo ng babaeng iyon at ganon na lang ang ipekto niya sa 'yo?" Nagtatakang tanong ni Enrico. Hindi siya makapaniwala sa mga ikinikilos ni Maxwell, dahil bigla na lang itong nagkaroon ng interest sa isang babae. Ang kilala niyang Maxwell Palmer ay isang happy-go-lucky na walang balak magseryoso pagdating sa mga babae. Para lamang itong nagpapalit ng damit kung magpalit siya ng babae. MULING naimbitahan si Lib, na mag-dinner sa bahay nila Malou, dahil kaarawan ng Mommy ni Malou. Ang mismong ina ni Malou ang nag-invite kina Lib, Jessa, at Sarah, para mag-dinner sa kanilang tahanan. Nagpahatid si Lib, kay Lancer sa mansion ng mga Palmer, para dumalo sa kaarawan ni Mrs. Palmer. May dala siyang regalo para kay Mrs. Palmer. Isa itong Jade bracelet na binalot niya sa simpleng gift wrap. Nang dumating si Lib sa harapan ng malaking bahay ay nakita niyang pababa rin sa kotse si Jessa, kaya tinawag niya ang kaibigan para magkasama silang papasok sa loob. Naka suot ng red long dress si Jessa na tenernuhan ng white jacket para hindi ito ginawin dahil sa malamig na klima sa kanilang lugar. Si Lib, naman ay naka suot ng white pants, white strapless top na sinapawan ng white long sleeve blazer. Bagay na bagay naman ito sa kanya dahil sa height niyang 5'7. "Wow! Ang ganda mo, Lib! Para kang 'yong bidang babae sa Chinese Movie na 'So Close'." Pagpuri ni Jessa, nang makita niya si Lib na lumapit sa kaniya. "Pati ang mukha mo ay parang Chinese! Naging kamukha mo si Shu Qi." Dagdag pa nito. "Thank you, Jes! Ikaw din naman ang ganda-ganda mo ngayong gabi. Bagay na bagay din sa iyo ang suot mo." Tugon naman ni Lib. Magkasama silang dalawa na lumapit sa guard at ipinakita ang mga hawak nilang invitation card. Agad naman silang pinapasok ng guard at itinuro sa mga ito ang daan patungo sa party. Naka tent kasi ang buong harapan ng mansion para hindi malamig ang gabi para sa mga bisita. "Happy birthday, Tita!" Pagbati ni Lib, sa ginang nang makalapit na sila ni Jessa. Agad din niyang ibinigay ang dala niyang maliit na kahon ng regalo para sa ginang. "Tita, pagpasensyahan n'yo na po itong nakayanan kong bilhin na regalo para sa inyo. Sana po ay magustuhan ninyo ito at isuot araw-araw." Malumanay na sabi ni Lib, saka niya ibinigay ang maliit na kahon. "Maraming salamat, Hija! Nag-abala ka pa. Sana'y itinago mo na lang ang pera mo, para may magamit ka sa iyong pag-aaral." Tugon naman ng ginang. "Okay lang po 'yan, Tita! Hindi naman po gaanong mahal ang laman ng box na iyan." Sagot ni Lib. Niyakap ni Mrs. Palmer si Lib, dahil sa sinabi nito. "Thank you, Hija! Ang bait mo talagang bata." Sabi ni Mrs. Palmer. Ibinigay din ni Jessa ang dala niyang malaking kahon ng regalo sa ginang. Nagpasalamat din si Mrs. Palmer sa dalaga, bago niya hinatid ang dalawa sa magiging upuan nila. "Maiwan ko muna kayo rito, Hija! Pababa na rin si Malou. Kumain muna kayo habang naghihintay." Sabi ni Mrs. Palmer sa dalawang dalaga. Sinabihan din nito ang isang waiter na asikasuhin ang mga kaibigan ni Malou, at bigyan sila ng masasarap na handa. Magkasama naman na lumabas sina Malou at Maxwell, patungo sa labas ng kanilang tahanan. Nang makarating sila sa table na naka laan para kina Malou at mga kaibigan ay biglang natigilan si Maxwell sa paglalakad. Nakatitig lang siya sa isang babaeng kumakain. "Ziyou?" Pagtawag niya sa kaniyang isipan. "Kuya, bakit mo tinititigan si Lib? Type mo siya 'no?" Tanong ni Malou, saka niya ibinangga ang katawan kay Maxwell. Bigla naman nagsalubong ang makakapal na kilay ni Maxwell, pagkarinig niya ang pangalang 'Lib'. "Bakit mo pinapunta dito ang babaeng iyan, Malou? Hindi mo siya dapat na kinakaibigan, at lalong hindi mo siya dapat niyayaya rito sa bahay natin dahil hindi siya nababagay na maging kaibigan mo, o nang pamilya natin. Isang hampas-lupa na walang modo at puro kahihiyan lang ang alam niyang gawin. Ipapahamak ka lamang ng babaeng iyan, Malou!" Tuloy-tuloy na sabi ni Maxwell. Hindi niya napigilan ang kaniyang sarili na magsalita ng hindi maganda dahil sa inis niya kay Lib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD