ZEPHYR'S P.O.V: BUMUSANGOT ang mukha ni Thrain nang sabihin kong ikwento niya sa pagong at saka niya ako inalalayang makatayo mula sa pagkakahiga ko sa training mat at muling hinarap ang tungkol sa misyon na ibinigay niya. "Ngayong natalo mo na ako, ano ang dapat kung gawin para mailigpit si Sato?" tamad na tanong ko at saka ako lumapit sa isang estante kung saan naroon ang iba't-ibang uri ng patalim. "Kai Sato is a ghost in the machine, a cybernetically enhanced assassin who has replaced large parts of his body with advanced technology and he's also a former military so when it comes to combat, I think you can't win against him." "Nabasa ko nga sa impormasyon tungkol sa profile niya at nakasaad din doon ang weakness niya." "The cybernetics that make him so dangerous also make him vul

