ZEPHYR'S P.O.V: UMAGA PA lang ay handa na ang lahat ng dadalhin namin ni Cataleen. Tag-isang maleta lamang kami at kasalukuyan na kaming nasa airport kasama si Jenny at Charlotte na siyang maghahatid sa amin dito sa paliparan. Ayaw ko sana na ihatid nila kami ngunit masyado silang mapilit at nagdrama pa na kesyo matagal kaming hindi magkikita dahil walang kasiguraduhan kung babalik pa nga ba ako rito sa Pilipinas o hindi na. "Te, sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo sa buhay?" ani ni Jenny habang yakap-yakap ang aking braso at ayaw niya akong bitawan. Napairap na lang ako sa kawalan. "Gustuhin ko mang manatili ay hindi ko magagawa dahil may kailangan akong asikasuhin." "At ang paghahanap ng hustisya ang gagawin mo ganun ba? Bakit sa Amerika?" ani naman ni Charlotte. "Kailangan eh

