ZEPHYR'S P.O.V: "ANG BRUTAL mo naman pero I love you too, let me sleep my little muffin. Binantayan kita buong magdamag kaya bayaran mo ako." Napabuga na lamang ako ng hangin at hinayaan si Thrain na sumandal sa akin. Masakit pa rin ang ulo ko hanggang ngayon at kahit anong pilit kong alalahanin ang nangyari kagabi, walang kahit anong senaryo ang pumasok sa isip ko. Itinulog ko na lamang ang sakit ng aking ulo hanggang sa hindi ko namalayan ang oras, nakarating kami ng Maynila na nakaunan ako sa hita ni Thrain. "Masarap ba ang tulog mo?" tanong niya habang nakadungaw sa akin nang imulat ko ang aking mata kaya pabalikwas akong bumangon. Doon ko lang napagtanto na kami na lang ang nasa loob ng van. "Nasaan sila?" "Bumaba na. Mukhang masarap nga ang tulog mo. Hindi mo namalayang nasa M

