Chapter 2: Venom's First Kiss

1404 Words
ZEPHYR'S P.O.V: NANG MARATING ko ang Trev O Grill, hindi ko inaasahan na mala five-star hotel pala ang atake nito at hindi bagay ang suot kong t-shirt at jeans ngunit tumuloy pa rin ako sa loob. An atmosphere of sophisticated elegance, blending classic luxury with subtle, contemporary touches. The design would prioritize comfort, intimacy, and an elevated sensory experience for its patrons. "Good evening Maam, do you have a reservation?" salubong sa akin ng waiter nang makapasok ako sa loob. Panira siya ng imahinasyon. Namamangha pa nga ako sa itsura ng loob nitong restaurant tapos bigla niya akong babanatan ng ganun? Ang welcoming ha! "Uhm, wala pero may katatagpuin kasi ako." "Oh, may I know your name please? Don't worry, inaalagaan po namin ang bawat indibidwal na pumapasok dito sa aming restaurant." Wow, sosyal naman. "Zephyr Fortalejo," mabilis na sagot ko. "This way, Maam." Iginiya ako ng waiter patungo sa ikalawang palapag at hindi ko inaasahan na mas malawak pa pala sa itaas unlike sa ibaba na parang fast food chain lang. May mga pintuan at may table for two lang din ngunit dinala ako ng waiter sa isa sa mga private room at nang buksan niya yun, isang lalaki ang aking nakita at nasa ibabaw ng mesa ang ID na hinahanap ko kaninang umaga lamang. Nagpaalam ang waiter at ako naman ay tuluyan nang pumasok at hinarap ang lalaking may hawak sa ID ko. "You must be Zephyr Aethera Fortalejo?" ani ng lalaki. Kung gaano kalamig ang kanyang boses, mas naging North Pole yun sa pandinig ko ngayong nasa harapan ko na siya. His face is a striking, almost chiseled profile, framed by dark, neatly styled hair. His dark orb eyes, though possibly shadowed by the room's warm, low lighting, would possess a piercing quality, a quiet intensity that a mind constantly at work, observing everything. A subtle aura of authority that was both intriguing and a little intimidating, making him a figure that commanded attention without overtly seeking it. "And you must be?" may pagkamataray na tanong ko ngunit ngumiti siya sa akin. English pa kasi ng English, akala niya yata hindi ko siya papatulan. "Have a seat first and let's eat. Don't worry, I'll pay for it." Mukha ba akong patay gutom? Sinunod ko na lamang ang kanyang gusto at saka ako naupo sa couch na nakadikit sa pader at magkaharap kaming dalawa at saktong tumunog ang tiyan ko bilang hudyat na gutom na ako kaya namula bigla ang aking pisngi. "Is it alright if you spend your time with me? You seem like a very busy person," aniya at hindi pinansin ang pagkulo ng tiyan ko. "Ibalik mo lang sa akin ang ID ko pwede na akong umuwi." "Don't be so hard on yourself. My name is Thrain Darkhaven." Inilahad niya ang kanyang palad sa aking harapan at bilang mabait na mamamayan sa mundong aming ginagalawan, tinanggap ko ang kanyang kamay. "Zephyr Fortalejo." "I know. Tinawagan nga kita para maibalik ang ID mo." "Pwede ko na bang kunin?" "No. Not so fast because I have something to talk with you." Nangunot ang aking noo sa nais niyang ipahiwatig ngunit bigla namang may kumatok sa labas ng pinto kung saan kami naroon at bigla akong napalunok nang maamoy ang pagkain na dala ng waiter na siyang naghatid sa akin kanina. Isang set ng sea food yun na may kasamang kanin at talaga namang matatakam sa amoy pa lang niyon. Inilagay ng waiter sa mesa ang pagkain na dala niya kasama ang inumin at nang masiguro niyang maayos na ang lahat, muli itong nagpaalam at kaming dalawa na lamang ni Thrain ang naiwan. "Dig in. Don't be shy." Utos pa niya na akala mo ay isa akong bata at dahil pagkain na ang nasa harapan ko, tinanguhan ko na lamang siya at saka pinagsilbihan ang sarili ko. Maging si Thrain ay kumuha na rin ng para sa kanya at hindi ko na siya pinansin dahil talagang gutom na ako at swerte ko na lang na sa isang fine dining restaurant niya ako dinala. Bibihira lang sa tulad kong alipin ng salapi na makakain sa ganitong uri ng restaurant at talagang mapapakanta ang anghel sa aking tainga dahil tila langit ang aking nalasap habang ninanamnam ang pagkain. "I know what you did that night." Biglang nawala ang pagpapantasya ko sa pagkain nang magsalita si Thrain at doon ko lang napansin na kanina pa pala siya nakatitig sa akin at tapos na siyang kumain. Nakakahiya. "Anong ibig mong sabihin?" "Nagkamali ka ng binangga kaya sa impyerno ang huling hantungan mo." "Sa ating dalawa, kayo ang traydor. Ginawa ko lang ang trabaho ko kaya kung ako sa'yo, kumustahin mo na lang ako sa diablong kauri mo." "Those lines didn't ring a bell?" Mabilis akong dumukwang sa mesa at itinutok sa kanyang leeg ang tinidor na hawak ko ngunit hindi man lang natinag si Thrain. "Sino ka ba talaga at ano ang kailangan mo sa akin?" naging seryoso at malamig ang tono ng aking boses habang nakatutok sa kanyang leeg ang tinidor na hawak ko. A wicked smile covered his lips as he hold my hands where the fork I was holding and put it away from his neck like nothing happened. "Easy there, my venomous snake. Let's get down to business." Sinamaan ko siya ng tingin ngunit bumalik ako sa aking kinauupuan at tuluyan na akong nawalan ng gana sa kinakain ko. "Ano bang kailangan mo?" "Let's make a deal. I will return this identification card of yours but you will agree my terms first." I rolled my eyes at him. "Spill." "Work for me as a killer and I will pay you a double amount of money when you finished what I've ordered you to do." "At kung hindi ko magawa ang sinasabi mo?" "You will pay your body... to me." Naningkit ang mga mata ko sa kanyang sinabi. Kaya kong pumatay ng tao ng walang kahirap-hirap ngunit ang gawing kabayaran ang katawan ko ay ibang usapan na 'yon. "Wala bang ibang choices bukod sa maging kabayaran ang katawan ko? Hindi ko alam na hayok ka rin sa laman at talagang ginamit mo pa ang ID ko para lang mapapayag diyan sa gusto mo?" Isang pagak na tawa ang kanyang binitawan, "Baby, anything I lay my hands on, I never let go. People are no different, and you are now among my possessions." "Walang sinuman ang pwedeng magmay-ari sa akin bukod sa sarili ko kaya hindi ko tatanggapin ang alok mo." "What if I could give you and your sibling everything you've ever wanted, pull you both out of those slums? Zephyr, each life you take will earn you a hundred thousand. So, a deal, or no deal?" Kahit ang tungkol sa kapatid ko ay alam niya at mukhang pinag-aralan niya ang buong pagkatao ko bago niya ako tawagan. Nice strategy, Thrain Darkhaven! "Sinu-sino ba yang gusto mong iligpit ko?" napipikang wika ko dahil hindi ko inaasahan na may makakaalam sa trabahong ginagawa ko at nakita niya pa ng harapan. Mukha siyang maamong tupa ngunit sa likod ng mukhang 'yon ay isang halimaw ang nakatago. "First is one of the Senators and I will drop his name the second time we met. Second is a one of the royal family outside this country and third is myself." Nangunot ang aking noo. "Anong ibig mong sabihin?" "You will find out if you will agree to my offer, baby. So, what can you say?" Kung kasama lang din ang sarili niya at may kaakibat na bayad, patulan na natin. "Fine. It's a deal then." I extended my hand for a handshake, but what utterly shocked me was when he grasped it, not for a polite shake, but to pull me closer, and unexpectedly. Before I could even register what was happening, his lips crashed into mine. Isang kakaibang damdamin ang umusbong sa aking dibdib nang lumapat ang labi niya sa akin at namalayan ko na lang na nakaupo na ako sa kanyang kandungan at sabay naming pinagsaluhan ang mainit na halik na kanyang iginawad sa akin. "From this day forward, you will be mine Zephyr Fortalejo and you can't escape from me." Hindi ko alam kung warning ba 'yon o nahihibang lang siya ngunit ako itong si tanga na tumango sa kanya na para bang tinatanggap ko ang isang tanikala na siyang magbibigkis sa aking leeg. My first kiss was taken away by this venomous person.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD