ZEPHYR'S P.O.V: INIWAN ko muna pansamantala si Cataleen sa bahay ni Jenny at saka ako pumunta sa Underground Society upang alamin ang tungkol sa Hemlock Cartel. Suot ang isang simpleng jeans at tshirt, fake face at voice changer. Pumasok ako sa isang eskinita at hinananap ang isang pintuan kung saan ang main entrance ng underground society. Papalubog pa lamang ang araw ngunit heto ako at susuong na naman sa panganib lalo na ang kamatayan. Nang matapat ako sa pintuan na aking hinahanap, kumatok ako ng tatlong beses at bumukas ang maliit na bintana kung saan mata lang ang kita at isang lalaki ang aking nakita. "I.D?" aniya at masama pa ang tingin sa akin. Ipinakita ko na lang ang I.D na ginawa ko katulad ng I.D na pagmamay-ari ko na binigay sa akin ng Hemlock Cartel na siyang napulot n

