Maiingay kaming magbabarkada noong araw na iyon. Iyon ang unang klase namin para sa second semester. Halos magkakakilala kaming lahat na magka-blockmates dahil kami kami pa rin ang magkasama, sila din kasi ang blockmates ko nung last sem.
"Jeth!"
Lumingon ako sa harapan nang narinig kong may tumawag sa pangalan ko. Nakita kong pumasok ang morenang babae na nakasuot ng jeans at simpleng white t-shirt. Medyo magulo ang buhok niya pero hindi nakabawas iyon sa kanyang ganda. Nakuha ng seryosong ekspresyon nito sa mukha ang atensyon ko. Ilang sandali lang ay nakita ko siyang tumingin sa kabuuan ng room, ng hindi pinapansin ang mga tingin na ibinibigay sa kanya ng mga tao sa room. Umupo ang babae sa may unang row at sa gilid na upuan na siyang pinakamalapit sa pinto.
"Jeth!"
Para akong natauhan nang narinig ko ulit ang pangalan ko. Pasimple ko munang sinulyapan ang babaeng kakaupo lang at maingat na inilapag ang bag nito sa may armchair, bago ko tiningnan ang tumatawag sa akin.
"Jethro! Kanina ka pa tinatawag ni Ma'am Balingit!" naiinis na sigaw nung babaeng kaklase ko, na kanina pang tawag nang tawag sa pangalan ko.
Tumango na lang ako at tumayo. Habang palapit ako sa may pintuan ay hindi ko maiwasang tingnan iyong magandang babae. Napakapormal ng upo nito at diretso lang ang tingin nito sa whiteboard na wala pang nakasulat. That was weird.
Huminto ako sa paglalakad at hinarangan ang tinitingnan niya. Kung sa iba ito ginawa siguro ay titingnan nila ako, pero iba siya. Kung kanina sa white board, ngayon sa t-shirt ko na ito nakatingin. Hindi man lang gumalaw ang ulo nito. She's weird.
"Hey, you're new here?" tanong ko.
Kung hindi niya ako sasagutin ay nakahanda na ang paa ko para umalis pero bahagya akong nagulat nang tumango ito.
"I'm Jethro David," pagpapakilala ko. Napangiti ako nang itinaas ng babae ang tingin niya sa mukha ko. Masuri niya akong tinitingnan sa mata kaya tumigin na rin ako sa mga mata nito.
Bahagya ako nadismaya nang tumango lang ito at hindi nagpakilala sa akin. Lumabas na lang ako ng room para puntahan si Ma'am Balingit.
"Oh, Jethro, nandyan ka na pala," sabi ni Ma'am Balingit sa akin nang nakasulubong ko siya.
"Pinapatawag niyo daw ako, Ma'am," sabi ko at tinago ang inis ko. Alam na alam ko na kasi ang kailangan ng professor.
"Yes, I want you to represent the school in the upcoming Battle of the Geniuses. Sandra will be your--"
"Ma'am, dinecline ko na po iyan bago pa matapos ang first sem. Sorry, pero ayaw ko po," sabi ko at naiinis na bumalik sa room.
Okay lang sa akin na isali ako sa quiz bee na iyon pero kung ang anak nito na sandamakmak ang kalandian sa katawan ang makakasama ko, h'wag na lang.
Biglang nagbago ang expression ng mukha ko pagkapasok. Nakita ko kasing sinundan ako ng tingin ni Ms. Formal.
"Sandra again?" tanong sa akin ng isa kong katropa pagkaupo ko.
Tumango na lang ako at nanahimik sa upuan ko habang tinatanaw ng tingin ang babaeng nag-iisa sa first row.
Nanahimik na ang lahat nang tumunog na ang alarm at pumasok na ang prof.
"Occupy all the seats on the first row," sabi ni Mrs. Tyson na napakasungit na prof namin sa CLE.
Walang gumalaw sa kanila. Ayaw na ayaw kasi naming nasa first row, bukod sa hindi ka makakatulog doon ay lagi ka pang napapansin ng professor kapag nakaupo ka doon. Kaya iba talaga iyong babaeng nag-iisa sa first row ngayon.
Tiningnan ko iyong babaeng pormal na nakaupo at nakatingin sa professor. Parang wala siyang pakialam sa nangyayari, nasa professor lang ang buong atensyon niya.
Tumayo ako at kinuha ang bag ko. At pumunta sa harapan.
"Pwede ba?" tanong ko sa babae.
I took her silence as yes. Umupo ako sa tabi niya at pinanuod ang iba pa naming classmates na nakayuko sa mga upuan nila.
Sa inis siguro ni Mrs. Tyson ay nagsimula na siyang magtawag ng pangalan para paupuin sa unang row kaya walang nagawa ang mga natawag kundi umupo sa harapan.
"Christopher! Sa gitna ka para mabantayan ko ang pagtulog mo," inis na sabi ni Mrs. Tyson.
Tumawa kaming lahat, well, except kay Ms. Formal.
"Introduce yourselves one by one in front," sabi ni Mrs. Tyson habang nakaupo sa isang chair sa harapan.
Napailing na lang ako, mukhang tinamad na naman si Mrs. Tyson. Alam naman niyang halos magkakaklase naman kaming lahat last sem pero gusto pa niyang may introduction.
Itinigil ko ang pagsusumbat ko sa isip nang tinuro ni Ma'am ang babaeng nasa tabi ko na kanina pang tahimik.
Tuwid na tumayo ang babae sa harapan at hinintay na tuluyang tumigil ang iba naming kaklse sa pagrereklamo bago siya magsimulang magsalita.
"I'm Renia Rose Mapagpigil," sabi ng magandang babae sa kalmadong boses.
Nagtawanan ang mga kaklase namin at hindi ko alam kung bakit. Iyon ba dahil sa Mapagpigil ang last name niya? Wala akong nakikitang nakakatawa doon. I found her name unique, especially Renia.
"I beg some respect from all of you. There is nothing funnier than those immature creatures who laugh over the names of other people. Such a disappointing attitude, knowing you are studying in a Catholic school," sabi ni Renia. Wala kang maririnig na inis sa boses nito. Napakalmado ng boses niya. Ito ang dahilan kung bakit lahat kami ay natahimik.
Pinanuod lang namin siya habang naglalakad, akala namin ay lalabas na siya ng room pero hindi. Pormal siyang umupo sa upuan niya sa tabi ko na parang walang nangyari.
"Hello, Renia," nakangiting bati ko sa kanya pero hindi naman niya ako tiningnan. Medyo suplada.
"Anong gusto mong itawag ko sayo? Renia or Rose?" tanong ko ulit, this time umaasa na talaga akong may makukuha akong sagot mula sa kanya.
Bahagya niyang ginalaw ang kanyang ulo pero hindi pa rin niya tinitingnan ang kagwapuhan ko.
"Can't you hear Mrs. Tyson calling you?"
Ewan ko ba pero napangiti ako sa sinabi niya. Wala namanh dapat ikangiti pero bigla na lang akong ngumingiti. Iyon kasi ang pinakamahabang sinabi niya sa akin.
"Jethro David!" tinawag akong muli ni Mrs. Tyson na may kasama pang limang minutong reklamo at story telling. Hindi ko alam kung bakit bigla bigla na lang niyang naikwento ang flag ceremony niya nung elementary pa ito.
Inis na inis akong tumayo. Pwede naman kasing si Renia na lang ang magpakilala dahil siya lang naman ang bagong lipat sa section pero talagang dinadamay kaming lahat sa katamaran niya. May dahilan ako kung bakit ganito ako kabadtrip sa prof na 'to.
"Jethro David," sabi ko lang pero dahil mainit talaga ang dugo sa akin ni Mrs. Tyson ay napagalitan pa ako kung bakit ganon daw ako nagpakilala. Kaya nagtanong siya na naaasar na sinagot ko naman.
Pagkabalik ko sa upuan ay sinasagot ko na ang nakakainis na professor na iyon sa isipan ko. Sa dinami dami ng pwedeng maging prof, bakit siya na naman?!
"Why don't you tell her that?"
Napatingin ako sa seryosong mukha ni Renia. Kinausap ba niya ako? Wala sa sariling lumingon ako sa kaliwa ko. Baka iyong isa kong katabi. Pero walang tao doon sa upuan dahil nagpapakilala iyong tao sa harapan.
"Huh?" tanong ko. Paano ba magreact? Bakit ang alam ko lang ay kinausap niya ako pero hindi ko alam kung ano ba talaga ang sinabi niya?
Hindi siya sumagot at nanatili lang ang tingin sa white board.
"Renia," tawag ko. "You're saying something?"
Nilingon niya ako at nahigit ko ang hininga ko nang mataman niya akong tiningnan sa mata.
Binabasa ba niya ako? Isa ba itong alien na nakakabasa ng isip ng tao? Ganito ba talaga kaganda ang mga alien? Wow! I would consider living in their planet to see more beautiful aliens like her.
Inalis na niya ang tingin sa akin at muling humarap sa whiteboard. Pero muli siyang nagsalita pero ngayon malinaw na malinaw na ang pagkarinig ko sa kanya. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pagtaas ng gilid ng labi niya.
"I am not an alien."
I was shocked. Hindi ko alam kung ilang minuto bago ako nakarecover. What was that?