Mabilis ang panahon kapag masaya ka. Naniniwala ako rito. Kapag kasi masaya ka, hindi mo nararamdaman ang pagdaan ng mga araw. Naging busy kaming lahat sa pag-aaral para sa final examination. Maraming pasaway sa amin sa block pero kapag major exams ang pinag-uusapan ay talagang nagseseryoso kami. Our dream is to be an engineer, kaya kailangan talaga ng puspusan sa pag-aaral. Kahit na tapos na ang competition ay naging ritual na namin ni Renia na magkita every Saturday para mag-aral. Minsan advanced reading lang ang ginagawa namin. At habang ginagawa namin iyon ay mas lalo ko siyang minamahal. She's the smartest person I know. Pinarada ko ang sasakyan sa tapat ng convenience store kung saan namin napagkasunduang magkita ni Renia. I saw her inside drinking her coffee. Pumasok na ako par

