"Mag-usap tayo, Jethro." Ito agad ang bumungad sa akin pagkagising ko. Nakaupo si mama sa gilid ng kama habang hinihintay na unti unti akong makabangon. "Kailan mo ba balak magpakilala ng babae sa amin ng papa mo? You are already 28!" Napahawak ako sa ulo ko nang marinig ko ang sigaw ni mama. Matinding hang-over ang nararanasan ko ngayon. "Sinabi sa akin ni Jordan na may bagong babae ka daw na nagugustuhan kaya ka nagpakalasing," pagoapatuloy pa ni mama. Very talkative, Jorg. "Ma, hwag po kayong maniwala sa lalaking iyon," sabi ko habang hinihimas ang ulo ko. Tinitingnan ako ni mama nang nakakunot ang ulo. "Ah! Basta ipakilala mo sa amin iyong babae. Paano na si Renia? Sumuko ka na?" Napatigil ako sa pagmamasahe sa ulo ko at malungkot na tiningnan si mama. "Ma, siya pa rin," sago

