Sa buong buhay ko ay sa iisang babae lang ako nabaliw ng ganito. She's my first and definitely my last. Wala ng makakapagbago ng desisyon kong ito. Noong gabing iyon ay naikwento ni Regina sa mga magulang ko ang buhay niya. Pagkatapos ay sinimulan ni mama ang pagpaplano para sa kasal namin ng Re ko. Walang naging problema dahil nagkasundo ang dalawa sa maraming bagay. Gusto ko kahit ano basta si Re ang bride ko. Iyan ang lagi kong sagot kapag tinatanong nila ang gusto ko. May nagsasabing hindi tatagal ang relasyon namin dahil hindi talaga kami nagsama ng matagal. Pero ano bang alam nila? Ano bang alam nila sa totoong nararamdaman namin para sa isa't isa? May iilan na inimbita si Re sa kasal namin. Ito ang mga naging kaibigan niya habang nag-aaral siya bilang si Regina. Malaki ang pa

