Kabanata 5

1893 Words
“Hmm... What happened? Nasaan ako?” sambit ko nang maimulat ko ang mga mata ko. Napapaligiran ng kulay berdeng kurtina ang kamang hinihigaan ko. Nasa hospital ba ako? Napatingin ako sa kanang kamay ko at nakitang may benda ito. Did I passed out? Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga nang maalala ko ang nangyari sa cafeteria. Paniguradong nawalan nga ako ng malay nang makita ang mga dugo sa palad ko kanina. Simula noong bata pa lang kasi ako, nagkaroon ako ng phobia dahil sa isang dahilan na hindi ko maalala... basta I have a phobia called 'Hemophobia' which is a fear blood. Kada nakakakita ako ng dugo minsan nahihilo ako pero kadalasan nawawalan ako bigla ng malay kapag hindi ko nako-control ang pagkahilong nararamdaman ko. Sinimulan kong bumangon at hinawi ang kulay berdeng kurtina kaya bumungad sa akin ang isang nurse na busy sa harap ng laptop. Kung ganoon nasa school's infirmary ako? Hindi kasi ito katulad ng mga hospital na pinagdadalhan sa akin noon kapag nawawalan ako ng malay. Sino naman ang nagdala sa akin rito? "uhm.. Nurse?" pagkuha ko sa atensyon ng nurse. Nilingon ako ako ng nurse saka napangiti bago sandaling inayos ang eyeglasses niya. “Gising kana pala. Kumusta ang pakiramdam mo?” nakangiting tanong niya at napatingin sa palad ko. “uhm, medyo okay naman na, Nurse. May I ask? Sino po ang nagdala sa akin rito?” kamot sa ulong tanong ko. “Ahh... D-dinala ka rito ni Mr. Kleo Altamerano. Aalis ka na ba? Can you please sign your name here?” ani niya at may kinuha pang folder at ballpen. Akmang ibibigay niya sa akin iyon nang makita niya ang kamay kong may benda. “Right-handed?” tumango ako sa tanong niya. Bali ang kanang palad ko kasi ang nasugatan dahil doon sa mga bubog ng baso. “Ah, gano'n ba? Okay, just tell me your name, grade and section. Ako na lang ang magsusulat.” aniya. “Letty Sabrina Sabrosa, grade 12- Responsible.” Hindi na ako nagtagal sa loob ng infirmary at agad ring nagpaalam sa nurse nang bigyan niya ako ng gamot at instructions kung kailan ko dapat iinumin iyon. Gusto ko sanang pumasok para makahabol sa afternoon class pero nakita kong 5:47pm na at maggagabi na rin. Hindi ako nakapasok ng afternoon class. Ganoon pala naging kahaba ang pagtulog ko. Inabot rin ng limang oras. Napagdesisyunan ko tuloy na dumiretsyo na sa parking lot. “Ay puta! Hindi pa ako makakapag-drive.” Halos iumpog ko ang sarili ko rito sa poste nang maalalang may sugat at benda nga pala ang kanang kamay ko. Hindi ako makakapagdrive ng maayos. Hindi ko rin magagawang itext si Leaf para ipagdrive ako dahil wala pa naman akong cellphone dahil hindi pa ako nakabili ng bago mulang maligo ang cellphone ko sa ilog. Wala akong choice kung hindi ang magcommute at iwan ang motor ko rito. ••••••• “Letty, naiuwi ko na 'yung big bike mo. Wala ka ba talagang balak pumasok ngayon?" sambit ni Leaf mula sa labas ng kwarto. Nakisuyo kasi ako rito na pumunta siya sa parking lot ng Montero High kahapon para maiuwi niya 'yung motor ko pero ngayong umaga niga lang kinuha. “Masama ang pakiramdam ko, sis. Aabsent na muna ako ngayon.” pagsisinungaling ko. Hindi naman talaga masama ang pakiramdam ko. Gusto ko lang munang magpahinga dahil sa nangyari sa akin sa school. Isa pa, ayaw ko munang makita ang mukha ng mga schoolmates ko lalong-lalo na ang mukha ni Gio. Naalala kong kaklase ko pala ang lalaking feeling anime character na si Killua. Dahil sa gagong ulupong na 'yon, nagising tuloy akong nasa infirmary. Tatlong araw pa lang simula nang masimula ang pasukan, ang rami na agad nangyari sa akin doon sa eskwelahan. Pagkauwing-pagkauwi ko kahapon, nagpahinga agad ako bago ikinwento sa kapatid ko ang lahat nang nangyari sa school. “Letty, nandito na si Kit may dalang fruits. May iniwan na rin akong tanghalian sa kusina. Kumain kana lang, ha? Aalis na kami. Mag-iingat ka rito.” sambit ng kapatid ko mula sa labas ng kwarto. “Okay, lock mo ang pinto paglabas niyo. Ingat kayo!” sagot ko at saka naglakad patungo sa study table ko para kunin ang isang kaha ng sigarilyo at lighter. Naninigarilyo ako and I do this everytime, pampakalma. That son of the b***h Gio Montero really wants to get in my nerves! Ano ba ang ginawa ko sa lalaking iyon? Bwisit! First, dahil sa kaniya, kasama niya akong nahulog sa tulay, second, hinalikan niya ako ng walang paalam, third, ininominate niya ako as escort dahil daw ang liit ng dibdib ko at hindi halatang babae ako and lastly, because of him, nagising akong nasa infirmary dahil sa kalokohan niya. Ano ba talagang problema ng lalaking iyon sa akin? Lumabas ako ng kwartong minamasahe ang sentido ko upang manuod ng tv sa sala. Wala akong cellphone para paglibangan kaya lulunurin ko na lang ang sarili ko sa panunuod upang hindi na rin maalala ang mukha ng feeling anime character na iyon. “Hays! Ang boring!" sigaw ko at mabilis na idinukdok ang sigarilyo sa ashtray. Wala akong mahanap na channel na may magandang palabas. Walang kwenta ngayon ang palabas sa cable. Mabilis na bumalik ako sa kwarto ko upang magbihis. Dahan-dahan ako sa pagsusuot ng damit at pantalon dahil ang hirap kapag isang kamay lang ang nagagamit. Parang baldado ang kalahati kong katawanan. Sabi nung nurse sa infirmary ilang araw lang daw ay gagaling na rin naman itong sugat sa palad ko. Hindi naman raw kasi masyadong malalim itong mga sugat kong nabubog dahil doon sa basong binasag ko. Nang maayos ko ang sarili ko, lumabas na ako ng bahay at nilocked ang pinto bago pumara ng tricycle patungo sa mall. Ayaw ko man pero kailangan kong mag-commute dahil sa rito sa kamay ko. ••••• “Sabrina, mabuti naman at nakadating ka.” nakangiting salubong sa akin ni Chase nang makita ako. Nandito ako sa isang lugar kung saan gaganapin ang drag racing ngayong gabi. Hindi ko inaasahan na magkikita rin kami ni Chase kanina sa mall. Sinabi nito na ilang beses niya daw akong sinubukang kontakin para sa ngayong gabing drag race. Gusto niya raw sana akong tanungin kung gusto ko raw magparegister pero sabi ko naman, kaya hindi niya ako nako-contact dahil matagal nang nasira ang cellphone ko dahil nahulog ito sa ilog isang araw bago maganap yung nilabanan kong drag race sa may bitukang manok. Naalala ko, nakaalis ako bago dumating 'yung mga police noon pero nagpanicked ata 'yung mga tao sa may starting point at hindi na napansin na itinakas na pala nung lalaking kulay pula ang buhok na nagngangalang Patrick ang mga pusta. Kawawa naman iyong mga nagpusta doon. Saka dahil sa police hindi ko na nakuha yung motor nung kalaban ko. Tss! Swerte. “Chase, ilan ang mga nakaline-up na magkakarera?” "6, may natapos ng tatlo." Ibig sabihin may tatlo pang natitira. "SABRINA!" agaw atensyong sigaw ng isang grupo sa pangalan ko. Nabaling naman ang tingin namin sa kanila ni Chase. Wow! Hanggang dito rin? Hindi ko expected na makikita ko sila rito at hindi ko rin sila mga kilala pero masasabi kong kada sumasali ako sa drag race ay nakikita at naririnig ko ang mga itong chinecheer ang pangalan ko. Sila rin ‘yung grupong sumigaw ng pangalan ko noong nakaraang laban ko. Gustong-gusto talaga ata nila ang manuod o pumusta sa mga street drag racing. Kinawayan ko ang mga ito at nginitian. Sandaling nagpaalam ako kay Chase para lapitan ang mga ito dahil hindi ko ito nalapitan noong nakaraan. "OMG! SABRINA!" sambit ng isa. "Picture! Picture!" tumango ako nang ilabas nila ang cellphone nila at nakipag-groufie sa akin. “Sab, wala ka sa bracket ngayong race. Bakit?” tanong ng isa. "What happened to your hand, LS?" nag-aalalang tanong pa ng isa. Napatingin naman ako sa kamay kong may benda. Kagagawan ng gagong ‘yon. “Ah, ito ba? Nabubog itong kamay ko dahil sa basag na baso kahapon sa school’s cafeteria. Saka hindi ako macontact nung kaibigan ko noong mga nakaraang araw kaya hindi ako nakapagregister rito sa race." paliwanag ko, na para namang ikinalungkot ng mga mukha nila. "But don’ worry, paniguradong sa susunod makakapagregister na ako, kapag magaling na itong kamay ko.” Napangiti naman ang mga ito. Para bang gustong-gusto ulit nilang makita akong nakikipagkarera ulit. "Sabrina" Napalingon ako nang may tumawag sa pangalan ko. I thought it was Chase pero hindi pala. Nakita ko ang apat na lalaking nakatayo sa hindi kalayuang pwesto namin nitong mga kausap ko. Nakangiti ang tatlo at may kumakaway pa habang ang isa ay nakakunot-noo. That son of a b***h Gio Montero is here! All of them are here! Yung feeling F4 nandito! What are they doing here? “Hala? Ang ga-gwapo!” “Mga kaibigan ata ni Sabrina?” Rinig ko sa ilang bulungan nitong mga kausap ko kanina. “Sabrina” pagtawag ni Kleo sa pangalan ko at napatingin sa kanang kamay ko kung asan ang benda nang dahil sa bubog. Si Gio ay iritadong nakatingin lang sa akin. Ano na namang ginawa ko? Wala pa akong ginagawa sa kaniya, ah? Muling ibinaling ko kay Kleo ang tingin ko. “Hey” bati ko sa kaniya at tipid na nginitian. Dinala niya ako sa infirmary kaya dapat lang na pansinin ko ito dahil tumatanggap naman ako ng utang na loob. “Sa—” natigil ako sa pagsasalita dahil nakuha ni Chase ang atensyon ko at nakitang sinisenyasan niya ako habang nasa likuran siya nitong apat. “Excuse me.” saad ko at nagsimula na akong maglakad upang lagpasan ang mga ito at nakita nilang nilapitan ko si Chase. “Magsisimula na ang 4th race, Sabrina. Doon tayo pumwesto malapit sa starting line.” “Okay, let’s go.” nakangiting saad ko at sabay kaming naglakad patungo sa starting line. “Sabrina!” “It's been a while, Sabrina.” Ilang bati ng ilang kakilala ko rito sa drag race. Nakipag-usap naman ako sa mga ito habang nanunuod ng mga natitirang racers habang pasimpleng binibigyan ng komento ang mga lumalaban. “Finally! It’s done. Sab, let's go?” aya ni Chase na ikinatango ko at sumabay sa kaniya sa paglalakad. Hindi ko rin sinasadyang nabaling ang tingin ko sa apat na siyang nakatingin rin pala sa amin ni Chase. Wala pa ba silang balak umuwi? “Sab, do you want me to transfer to your new school? Para naman may pogi kang bodyguard.” natawa ako sa sinabi niya Chase. As if naman kaya niyang iwan ang girlfriend niya sa Mabini High, e patay na patay ito doon. Simpleng lunch time nga, ginagawa nilang date time, e. “Ewan ko sa’yo! Anyway, kumusta kayo ni Alyssa?" tukoy ko sa girlfriend niya. “Still the same... We are still in-love with each other.” napangiti ako sa sinagot niya. Alyssa and Chase met because of me. Since grade 7, kaibigan ko na itong si Chase. Nainlove ito sa isang transferee noong grade 9 kami. Kay Alyssa. Ang bata pa nilang lumandi. Grade 10 naging sila, and now, hanggang ngayon sila pa rin. “Ikaw, kailan mo balak magkaboyfriend ulit after nung break niyo n—” Hindi ko na ito pinatapos sa pagsasalita. Ayokong marinig na banggitin niya ang pangalan ng lalaking iyon. “Nah, magtatandang dalaga ako. Wala na akong balak ma-inlove ulit.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD