“Letty, let's eat. Lumabas ka na diyan!” rinig ko sa boses ni Leaf mula sa labas nitong kwarto ko. Narinig ko pa itong kumatok kaya marahan akong nagmulat ng mata. Napatingin ako sa wrist watch ko at nakitang alas-otso na pala ng gabi. “Okay! Sandali lang. Bababa na rin ako.” medyo pasigaw na sambit ko at humikab pa. Naglakad ako papasok ng banyo upang maghilamos bago bumaba. “Ew, you didn't change your clothes.” sambit ni Leaf nang makitang papalapit ako sa lamesa. Napatingin naman ako sa suot ko at nakitang ito pa pala 'yung suot ko kanina simula nang makauwi kami. “Nakatulog ako kaya hindi na ako nakapagpalit.” rason ko, na ikinakibit-balikat lang nito. Nagsandok na ako ng kanin ko at kumuha na rin ng ulam. Masaya kaming nagkekwentuhan rito sa hapag at panay pa ang tawa namin min

