"One day your life will flash before your eyes. Make sure it's worth watching." -- Gerard Way Chapter 26 Vanished Soul HALOS tatlong araw na akong hindi natutulog simula noong napaginipan ko si Ate Shi, natatakot ako dahil baka sa susunod na bangungutin ako mas malala pa ang mangyari kahit na sobrang malala na ang nangyayari sa akin. Panay ang inom ko ng kape kahit na minsan nakararamdam pa rin ako ng antok pilit ko itong nilalabanan, bumabawi na lang ako sa pagkain at mga energy drinks lalo na kapag nasa school at tuwing nasa bahay naman ako nanonood na lang ako ng movie o t.v series, medyo nakahihinga ako ng maluwag sa ganitong ginawa ko dahil kahit papaano walang nangyayaring masama. Gusto ko sana magpatingin sa espesyalista tungkol sa nangyayari sa akin pero alam kong wala silang ma

