Hindi pinayagan ng doctor na ilabas na si Caleb dahil sa mga sugat nito. Pabor naman 'yun saakin. Kaya sa mga nagdaang araw na 'yun, laging dumadalaw sina Tita Isabelle at Tito France. Mabuti na nga lang at sa paglipas ng araw, hindi na gaanong nagsusungit si Caleb sa kanila. Kinakausap na niya ang mga ito kahit papaano. Lagi kasi nila itong pinasasalubungan ng laruan at pagkain. Samantala, hindi na dumalaw si JD matapos nang nangyari.
Hindi siya pinansin ni Caleb nang araw na iyun kaya umalis din ito. 'Yun nga lang, hindi ako nakaligtas sa masamang titig niya bago ito makalabas ng kwarto.
"We need to go, Caleb. Magpagaling ka ah? We'll miss you." paalam ni Tita Isabelle kay Caleb isang hapon nang dumalaw sila.
"Opo, Lola."
Napangiti si Tita Isabelle saka bumaling saakin, "Mauna na kami, hija. May aasekasuhin pa kasi kami, 'e. Baka hindi rin kami makapunta sa susunod na mga araw dahil mangingibang bansa kami ng Tito France mo for our business tripkaya ikaw na muna bahala sa apo namin, ah? Don't worry, my son, JD, will help you to take care of him."
"O-okay po." pilit ang ngiti ko dahil sa huling sinabi niya.
Hanggang sa tuluyan na silang nagpaalam. Nang maisara ko ang pinto, bumuntong-hininga saka ako humarap kay Caleb. Napakunot ang noo ko nang makita ko ang malungkot niyang mukha habang pinaglalaruan ang laruang robot na bigay sa kanya ni Tita Isabelle.
Bumuntong-hininga ako at pilit na winala sa isipan ang sinabi ni Tita Isabelle saka lumapit sa kanya. Naupo ako sa tabi niya saka ko hinaplos ang buhok niya. Kahit papaano, nakahinga ako nang maluwag dahil mabilis gumaling ang mga sugat niya. Sabi nga ng doctor, baka one of these days pwede na siyang lumabas.
"Hey, why are you sad? Miss mo agad sina Lola at Lolo?"
Tiningala niya ako nang nakasimangot pa rin, "Mommy, is that true? Lola Isabelle told me that my real dad was the reason why I'm still here. Alive and breathing."
Napatigil ako sa paghaplos ng buhok niya. Hindi agad ako nakapagsalita sa gulat sa tanong niya.
"Mommy, is that true po?" ngumuso siya.
Bumuntong-hininga ako nang maka-recover ako sa tanong niya. Dahan-dahan akong tumango, "Yes, baby. He was the reason kung bakit hanggang ngayon kasama pa rin kita. Nayayakap, nahahawakan at nakakausap."
"Really?" mas lalo siyang ngumuso, "Am I bad, mommy?"
Napakunot ang noo ko, "Why?"
"Because I shouted at him because of what he did to you. I even said I hate him. I shouldn't have done that because he saved me. Am I bad, mommy? Is he mad at me?" nataranta ako nang bigla siyang umiyak.
Agad kong pinunasan ang luha niya, "No, baby. Hindi ka bad, okay? At mas lalong hindi siya galit sa'yo."
"Then why did he stop visiting? I think he got mad because of what I did!" mas lalo siyang umiyak kaya mas lalo rin akong nataranta, "Mommy, I want to see him. I want to apologize to him. Please call him, Mommy."
Ang pagkataranta ko, unti-unting nawala dahil sa sinabi niya. Nabingi ako sa iyak at pakiusap niya na tawagan ang Daddy niya.
Shit, what should I do?
Maliban sa hindi ko alam kong paano siya tatawagan, kinakabahan ako at parang ayoko pang makita siya ulit. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang masamang titig niya nung nakaraan. At saka, what if he's busy? Paano kung sinusuyo niya hanggang ngayon si Cyndie kaya hindi niya dinadalaw ang anak ko?
I sighed in my thought. Stop being bitter, Alejah.
"Oh, bakit para kang hilong ibon diyan?"
Napatigil ako sa lakad paroon parito at napatingin sa pinto. Nakita ko ang kunot noong si Shannon. Binalewala niya sandali ang tanong niya saka lumapit sa natutulog na si Caleb. Marahan niya itong hinalikan sa noo. Matapos 'yun, kunot noo siyang bumaling ulit saakin.
"What's bothering you?"
Napabuga ako ng hangin, "Caleb want to see JD. Gusto raw niya humingi ng sorry."
"Sorry?"
"Uh," I nodded and sat on the sofa, "Nalaman kasi niya na si JD 'yung reason kung bakit siya naligtas kaya ayun. He cried and keep begging that he want to see his daddy." hindi makakaila ang frustration sa boses ko dahil sa huling sinabi ko.
Shannon rolled her eyes, "Alam mo? Iyan ang mahirap sa'yo, 'e. 'Yung hindi mo dapat problemahin, pinoproblema at bini-big deal mo. I hate JD pero ano naman ngayon kung gusto siyang makita ng bata? Mahirap bang gawin 'yun? Tatawagan mo lang naman siya."
"Pero wala akong number niya." maliit ang boses kong sabi.
"And you're afraid to talk to him!" dagdag niya sa sinabi ko, "Alam mo. Obvious na obvious na mahal mo pa 'yung tao. Dahil kung wala ka nang nararamdaman dun, hindi ka matatakot at maiilang na kausapin siya," nailing-iling siya na parang dismayadong-dismayado siya, "You are still the Alejah that I know five years ago."
Hindi ako nakasagot dahil tama siya. Hanggang ngayon talaga basang-basa niya pa rin ang nasa isipan ko. Pero mali siya sa sinabi niyang ako pa rin ang Alejah five years ago. Dahil ang Alejah nuon, desperado sa pag-ibig ni JD. Ngayon, kaya ko nang tiisin at sarilinin ang nararamdaman ko.
Mayamaya, nagising si Caleb kaya kaagad itong nilapitan ni Shannon. Samantala, hindi mawala-wala sa isipan ko ang usapan namin ni Caleb kanina.
"Hi, baby Caleb. How are you feeling?"
"I'm fine, Tita Ninang," ngumuso na naman ang anak ko, "But can I ask you a favor?"
"Sure. What is it?"
"Can you, please, call my daddy for me? I just want to talk to him, Tita Ninang."
Bumaling muna si Shannon sandali saakin bago niya sinagot ang tanong ni Caleb, "Okay. We'll call your daddy and ask him to visit you here, okay?"
"Really?" Caleb excitedly exclaimed, "Thank you, Tita Ninang!" sa sobrang saya nito, napayakap pa siya kay Shannon.
Palihim kong pinandilatan si Shannon nang bumaling ito saakin. Ngumiti lang siya na parang wala lang at nagkibit balikat. Umirap na lang ako sa hangin at naglabas ng hininga. Kahit kailan talaga.
Shannon obeyed what's Caleb wants. Lumabas siya sandali at hindi ko alam kung saan siya pupunta kaya sinilip ko siya sa labas. Nakita kong may kausap siya sa phone niya. Wala akong ideya kung sino, pero imposible namang si JD. Sa pagkakilala ko sa kanya, ayaw niyang magkaroon ng number ng taong ayaw niya.
"What?" inis niyang sabi sa kausap niya sa kabilang linya, "Okay! Fine!" matapos 'yun inis niyang ibinaba ang phone niya. Nang makita kong paharap na siya, agad akong lumapit kay Caleb na maaliwas na ang mukha.
I smiled at him, "Sumasakit pa ba sugat mo?"
Umiling siya, "No, Mommy. Look.." pinakita pa niya ang maliit niyang muscle sa braso niya, "I'm strong like Superman!"
Mas lalo akong nangiti sa sinabi niya, "Do you want to go home?"
"Yes, Mommy. But I want to talk to daddy first," unti-unting napawi ang ngiti ko sa sinabi niya saktong naramdaman ko ang pagpasok ni Shannon kaya excited siyang binalingan ni Caleb, "Tita Ninang! Where is my Daddy? Did you talk to him already? Is he coming now?"
Nakita ko ang inis sa mukha ni Shannon pero agad niyang binago ang ekspresyon ng mukha niya nang lumapit kay Caleb. Malungkot niyang tiningnan ang anak ko.
"I'm sorry, baby, but my friend told me that your daddy is busy. Hindi raw nila alam kung nasaan ang daddy mo."
Dahil sa sinabi ni Shannon, bumalik ang pagsimangot ni Caleb, "I think he's really mad at me ."
"Don't say that, baby Caleb."
Pero hindi pinasin ni Caleb ang sinabi ni Shannon. Muli itong humiga at nagtatampong tumalikod saamin. Napabuga na lang ako nang malalim na hininga dahil sa inasta niya at nailing-iling na bumaling kay Shannon. Kalaunan, muli ko rin namang ibinalik ang tingin kay Caleb.
I'm sorry, baby, but I think he's busy with someone else.
Isang linggo pang nanatili sa hospital si Caleb. Matapos nang isang linggo at kaya niya nang gumalaw at medyo humilom na ang sugat niya, pumayag na rin ang doctor na lumabas.
Masayang-masaya ako nang tuluyang inalis ng doctor at nurses ang benda niya sa ulo at paa. Pero nanatili ang cast niya sa kanang kamay dahil may bale pa siya.
Pero kung anong kagalakan ang nararamdaman ko, kabaligtaran naman iyun nang nakikita ko sa mukha ng anak ko. Nanatili itong nakasimangot. Kaya naman napabuntong-hininga ako saka ko siya nilapitan nang tuluyan na siyang maisakay sa wheelchair.
Marahan kong tinutulak ang wheelchair niya habang papalabas kami ng hospital.
"Bakit malungkot ang baby namin?" Mommy asked when she also noticed my grumpy son, "Hindi ka ba masayang makakalabas ka ng hospital?"
Nakasimangot na tiningala ni Caleb si Mommy, "I want to see my Daddy, Mommy 'La."
Napatikhim ako nang tumingin saakin si Mommy matapos nang sinabi ni Caleb.
"Ilang araw na rin niyang hinihintay na dumalaw si JD, Mommy." sagot ko rito. Napabuntong-hininga ako kapagkuwan.
"You don't need to see that guy, young man," biglang pagsasalita ni Kuya na kanina pa nanahimik. Hindi ko pa nga maalalang kasama namin ito kung hindi pa ito nagsalita, "You don't need him. Tito Zee is here to take care of you, hmm?"
Pansin yata ni Kuya ang paninitig ko sa kanya kaya bumaling siya saakin. His brow arched and mouthed 'what?'. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya at napabuga ng hininga.
Napapalibutan ako ng mga taong suplado.
Nang huminto ang kotse sa harap ng gate ng bahay, ingat na ingat si Kuya na ibaba si Caleb sa kotse. Muli niya itong isinakay sa wheelchair at siya na mismo ang nagtulak ng wheelchair nito papasok sa gate hanggang makapasok kami sa bahay.
"Surprise!"
Maging ako, nagulat nang hindi ko inaasahan ang bubungad saamin nang makapasok kami sa bahay. Laglag ang panga ko habang nakatingin sa nakalihirang mga kaibigan ni Kuya. May tarpaulin na hawak si Every at Lydon na may nakasulat na 'Welcome home, baby Caleb'. Si Ares, may cake na hawak. At si Harvey, may party poppers na hawak.
Literal akong nasurprisa dahil duon.
Ang tanong is... whose idea is this? Hindi kaya..
"Welcome home, young man," bati ng isa sa kaibigan ni Kuya na si Lyndon. Hinimas pa niya nang bahagya ang buhok ng anak ko tapos bumaling siya kay Kuya na bahagyang nakangisi, "f**k! Your idea is so f*****g corny. But.." sa halip na tapusin ang sasabihin, nagkibit balikat na lang ito.
"Thanks, man." Nag-apiran pa sila.
Nawala naman parang bula ang pag-asa sa isipan ko dahil sa sinabi ni Kuya. Ibig sabihin si Kuya ang nakaisip nito? Akala ko pa naman.. I sighed.
"Where's my Daddy? Why is he not here?" biglang tanong ni Caleb na sandaling nakapagpatahimik saaming lahat.
Maya-maya'y tumikhim si Ares at siya na ang unang nagsalita, "He wants to come here but he's not allowed to -" bago pa niya matapos ang sasabihin, tinakpan na ni Every ang bibig niya.
"Ang ingay mo talaga kahit kailan, man." bulong niya ritong dinig na dinig ko naman saka niya binalingan ang inosenteng anak ko, "Ibig niyang sabihin, your Daddy's kinda busy that's why he's not here, baby."
Sumimangot na naman ang anak ko, "Why is he always busy?" nagtatampo niyang sabi saka niya muling tiningala ang mga kaibigan ni Kuya, "Are you friends with my Daddy?"
"Yeah. Why?" Lydon asked.
"Can you call him? And tell and ask him why did he stop visiting me? Is he mad?"
Sandaling nagkatinginan ang magkakaibigan dahil sa sinabi ng anak ko. Si Lydon ang unang nakabawi.
"Sure. I'll call and gonna ask your Daddy." sabi nito saka nito inilabas ang cellphone niya. Bago pa siya makapagtipa nang kung ano, nagsalita na si Kuya gamit ang mariing tinig.
"Try to call that bastard, Viasel, and I'm gonna kick your ass out of this house.."
Dahil sa sinabi ni Kuya, mabilis na ibinalik ni Lydon ang cellphone niya sa bulsa ng pantalon niya. Napalunok ito at muling tumingin sa anak ko.
Ngumiti ito nang alanganin, "Ah, I can't call your dad. His phone is busy."
"You're lying," napawi ang alanganing ngiti ni Lydon sa labi niya habang tinitingnan siya nang masama ng anak ko, "Why don't you just tell me that I'm not important to him? That he doesn't really care about me that's why he's not here like you all."
"Caleb," I warned, "That's not the right way to talk to someone older than you. That's not what I taught you."
Hindi ito sumagot at napayuko na lang.
Bumuntong-hininga ako at napabaling sa mga kaibigan ni Kuya na maang na nakatingin sa anak ko. Parang hindi sila kapaniwala.
"Pasensiya na kayo. Ilang araw na rin kasi niyang hinahanap si J-JD," mabilis akong nagbaba ng tingin sa anak matapos kong mabanggit ang pangalan ni JD. Ayokong hintayin ang reaksyon nila, "Let's go, Caleb. Dadalhin na kita sa kwarto mo. Say bye to your Tito's."
"Bye." sabi nito sa maliit na boses nang hindi man lang nag-aangat ng tingin sa mga kaibigan ni Kuya.
Marahan at tipid kong tinanguan ang mga kaibigan ni Kuya saka ko sila tinalikuran. Narinig ko na lang ang mahinang pagmumura ni Lydon mula sa likuran.
"Gago, man. Walang duda. That kid is a Sanmiego!" nasundan pa iyun nang sunod na sunod na pagmumura.
Nailing na lang ako saka ako umupo sa harapan ng anak ko na nanatiling nakatungo nang makarating kami sa hagdanan.
"Baby, put your hands on my nape. Bubuhatin kita."
Walang salita niyang sinunod ang sinabi ko. Matapos niyang ilagay ang isang kamay niya sa batok ko, binuhat ko siya. Hindi pa man ako nakakahakbang sa hagdanan nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Ares mula sa likuran ko.
"Wait, Ale."
Agad ko itong nilingon. Napakunot ang noo ko nang may inabot siya saaking nakakahon. It's look like a gift, actually.
"This is for Caleb. Gustong ibigay 'to ni Jared nang personal sa kanya but..." he shrugged, "He is not allowed to come here."
"Not allowed?"
Sa halip na sumagot, nilingon nito ang kapatid kong napasulyap din saamin. Naibalik ko lang ang tingin kay Ares nang tumikhim ito.
"Yeah. Not allowed. Kahit sa hospital. He really wanted to visit Caleb but your brother always blocks him."
Nagulat ako at mayamaya, muli akong napabaling sa kapatid ko. He did that? Kaya ba hindi na ito bumalik pa matapos nang nangyari?
Humugot ako nang malalim na hininga saka ko inilipat ang mga mata ko sa regalong nakahalad saakin. Kinuha ko iyun. I thanked Ares bago ako nagpaalam na.
Nang makarating kami sa kwarto, agad kong inabot kay Caleb ang pinapabigay ni JD para sa kanya. Sinabi ko sa kanyang galing iyun sa Daddy niya pero suplado niya lang 'yung itinapon.
"Caleb!"
"I don't need that!" sigaw niya. Nagulat ako nang bigla siyang umiyak, "I want my Daddy! But I think Tito Zee was right, he really doesn't care about me."
Lumuhod ako sa harap niya, gulat sa sinabi niya, "He said that?" he just nodded and 'hmm'. Pinunasan ko ang luha niya, "Don't say that, baby. He cares for you, hmm? Don't worry, sasabihan ko siyang dalawin ka niya rito, okay?"
"Really, Mommy?"
Tumango ako at tipid na ngumiti saka siya mahigpit na yinakap. Gusto kong magalit kay Kuya. I wanna mad at my brother. Pero kapag pinagsabihan ko siya tungkol sa ginagawa niya, alam kong mas lalala ang galit niya saakin.
As I promised to Caleb, lakas loob kong hiningi ang cellphone number ni JD kay Tita Isabelle na hiningi ko kay Mommy. Hiyang-hiya nga ako nung hiningi ko sa kanya ang number ni JD. Buti na nga lang at parang wala namang malisya sa kanya ang paghingi ko ng number ni JD. Ni hindi nga siya nagtanong kung anong gagawin ko. Tinanong lang niya ako kung kamusta si Caleb then she said bye and hang up.
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatitig sa screen ng cellphone ko. Nag-iisip ng kung anong sasabihin kay JD. Actually, makailang beses na akong nagtipa ng i-me-message sa kanya pero nauwi pa rin sa pagbura nito.
Muli akong lumakad paroo't parito saka ako bumuntong-hininga at lakas loob na nagtipa ng mensahe.
Ako:
Hi.
Napangiwi ako nang mapagtanto ko kung gaano kakorni ang message ko sa kanya kaya I decided na i-delete na lang pero nagulat ako na aksedente kong na-i-click ang 'send' button.
"Holy s**t! What should I do?" bigla akong nataranta, "Dammit. You're so idiot, Alejah. s**t!"
Napahinto lang ako nang mag-vibrate ang phone ko. Senyales na may dumating na mensahe. Agad kong tiningnan 'yun at bahagya pa akong nagulat nang makita ko kung kanino galing 'yun.
Jared:
Who's this?
He replied!
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. I don't know what to say. Nawala sa isip ko ang sasabihin ko dahil sa simpleng reply niya. Kalaunan, nilakasan ko ulit ang loob ko para muling magtipa ng mensahe.
Ako:
It's me. Alejah.
Napapikit ako nang mariin matapos kong ma-i-send ang mensahe sa kanya. Nang lumipas ang ilang segundo at hindi siya nag-reply saka ko iminulat ang mata ko. Lumipas pa ang ilang minuto't nakatitig lang ako sa screen ng phone ko pero he didn't reply.
I smiled bitterly.
Na-realize ko na heto ako't kinakabahan sa kung anong sasabihin sa kanya kahit hindi naman niya nakikita. Pero heto't siya hindi man lang nag-reply matapos kong magpakilala. He really hate me that much, huh? Dahil dun, lakas loob akong nagtipa ng mensahe.
Ako:
I just want to tell you that our son -
Napatigil ako sa pagtipa.
Our son? Tss. Baka kung ano naman ang isipin niya. I deleted my message and typed a new one.
Ako:
I just want to tell you that Caleb wants to see you. 'Yun lang. Sorry kung nadisturbo kita. Goodnight.
Matapos 'yun, i-s-en-end ko na ang mensahe sa kanya at hindi na hinintay ang i-re-reply niya. Itinabi ko ang phone at dumiretso sa banyo para maglinis ng sarili.