CHAPTER TWELVE

2830 Words
Monday na ngayon, nasa school na ako dahil 6:30 na ng umaga. Ganitong oras talaga ako dumadating sa school pero nakapagtataka dahil medyo marami na rin ang mga estudyante ngayon. Usually kasi 'pag ganitong oras e nabibilang ko lang ang mga nakikita kong estudyante. Pero iba ngayon, medyo marami ang mga estudyanteng maagang dumating. Parang may event ngayon sa sobrang busy nila. Pero sa pagkakaalala ko wala naman. Pumasok na ako sa room at hinintay ang mga kaklase kong dumating. Hindi naman nagtagal ay dumating na sila at kanya-kanyang upo sa kanilang upuan. Nakaupo lang din ako habang nakatingin sa kanila. Ilang minuto pa ang lumipas, dumating si Raf. Nakatayo siya sa pintuan at hinahangos. Napagod ata kakaakyat sa building. Nakahawak siya sa beywang niya habang hinahangos. Ng makita niya ako ay agad siyang nag-middle finger. Gago talaga. Sinimangutan ko siya at ginantihan din. Pumasok na siya sa room at inilagay ang bag sa harap ng upuan ko. "Girl, gosh, ngayon lang ako napagod sa pag-akyat dito sa building natin as in!" sabi niya habang pinapaypayan ang sarili. "Ba't ka naman napagod? Tumakbo ka ba paakyat?" tanong ko naman sa kanya. "Oo, akala ko kasi late na ako dahil marami na akong nakikitang mga estudyante sa school. Tangina, ang aga pa pala!" naiiyak na sabi ni Raf sa akin. Tiningnan ko si Raf at napatawa ako ng mahina dahil sa sobrang dami ng pawis niya sa noo. 'Yung makeup niya natutunaw na. "Ang haggard mo na, umaga pa naman," sabi ko sa kanya sabay abot ng suklay na nasa bag ko. Medyo mahaba na rin kasi ang buhok niya. Mabuti nalang at kinoconsider siya ng guidance rito na magpahaba ng buhok. Ewan ko dito sa school namin, palakasan na ata. Kumuha si Raf ng lip tint tsaka eyebrow at pulbo. Kumuha siya ng salamin sa bag niya at umupo sa harap ko. Nagsimula na rin siyang mag-ayos ng mukha habang ako naman ay nakatingin lang sa kanya. Nakita niyang nakatingin ako kaya sinamaan niya ako ng tingin which made me laugh. Gago talaga. "Ay, alam mo na ba 'yung news girl? About doon sa bagong pinatay?" tanong niya habang kinikilayan ang kanyang sarili. Sobrang funny niyang tingnan actually kasi nasa harap niya lang ako at medyo malapit ako sa kanya dahil nakapangalumbaba ako sa harapa niya. "Ano?" tanong ko naman sa kanya at nagkunot pa ako ng noo. Siempre Raf, alam ko 'yun, ako mismo nandoon. Hindi ko naman siguro pwedeng sabihin iyan sa kanya kaya nagpanggap nalang akong clueless sa mga nangyari. "Hala seryoso ka girl?"sabi ni Raf at tiningnan ako na parang hindi siya makapaniwala sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Hindi mo talaga alam? Ay sabagay, fresh na fresh pa 'tong news dahil kanina ko lang 'to nabalitaan," sabi ni Raf at inusog papalapit sa akin ang upuan niya. "May bago na namang pinatay? Kailan lang daw?" sabi ko at nagpanggap na interesado sa kanyang sasabihin. "Ewan ko kung kailan pinatay, pero kaninang madaling araw lang daw natagpuan ang bangkay," sabi niya at nagpanggap na nasusuka. "At alam mo ba? Kilala ko 'yung pinatay na girl!" sabi pa niya sabay apply ng cheek tint. "tapos, naayusan ko siya once and you know what? Sobrang bait niya as in, hindi ako makapaniwalang mangyayari iyon sa kanya," nalulungkot na sabi ni Raf. I can feel him. That's what I felt when Leigh died. Parang panaginip lang lahat. Sana nga panaginip nalang. "Taga dito rin sa school natin 'yung girl?" I asked Raf. He nodded at tsaka nag space out. Nahihirapan ata siyang paniwalaan ang ma nangyayari. "As in, akala ko nga ibang Michelle 'yung narinig ko kanina sa balita pero nung marinig ko ang surname dun ko na-confirm." Nagpatuloy si Raf sa pag-aayos habang ako naman ay napaisip. Come to think of it, mga babae nga halos ang pinapatay niya. May nga issue ba siya sa babae? Grabe siguro 'yon para magawa niyang pumatay ng isang tao. "Nakakatakot na ang nangyayari sa school natin, baka hindi ako magtagal dito at ibalik ako ni mama doon sa school sa'min," naiiyak na sambit. Nalungkot naman ako bigla. "Uy 'wag mo naman akong iwan dito, ang gara mo," I said ang pouted, sinampal niya naman ako ng mahina. "Drama mo girl, pero seryoso nga, nakakatakot na rito, kaya kailangan mag-ingat tayong mga babae palagi dahil nanotice ko na mga babae ang halos pinapatay nitong killer na 'to." Mahahalata na talagang lalaki ang pumapatay dahil jan sa pagpili niya ng biktima. "Pero feeling ko, bakla ang killer," kung may iniinom lang akong tubig ngayon malamang nabilaukan na ako. What the f**k? San siya galing nyan? "Anong bakla? Bakit?" natatawa kong sambit kay Raf. Umayos naman siya ng upo. " Eh kasi isipin mo ha, mga babae lang 'yung mga pinapatay niya diba? Naisip ko na baka bakla ay dahil baka 'tong killer na 'to ay galit sa mga babae dahil mang-aagaw ng jowa? O di kaya naiinggit siya sa mga babae? Diba diba? May point ako, aminin," sabi niya sabay sundot sa tagiliran ko. Napaisip naman ako sa sinabi niya. May point naman pero kilala ko na kasi 'yung killer kaya hindi ako naconvince. Sinabayan ko na lang siya. "Oo nga! Pero girl, hindi naman siguro mapupunta sa ganyang punto. Pwedeng babae, lalaki, bakla, o tomboy 'tong killer na 'to, hindi natin alam. Basta mag-iingat nalang tayo palagi," sabi ko at kinuha ang suklay na nasa kamah niya. Pinupokpok niya kasi sa lamesa baka mabali. "True ka jan girl, feel ko lang maging detective for once," sabi niya sabay tawa ng mahinhin. Nagpatuloy lang kami sa chikahan namin ni Raf hanggang sa dumating na 'yong adviser /physics teacher namin. "Good morning, class." Tumayo naman kaming lahat at bumati pabalik. Pinaupo naman kami agad ni ma'am. "We were in a meeting earlier. Tapos the principal said na half-day lang kayo ngayon at sa susunod pang mga araw hanggang sa ma-solve na 'tong problema sa school," huminto muna sa ma'am dahil biglang dumami ang mga nagbubulungan sa classroom. "Quiet now please." Tumahimik naman bigla ang mga kaklase ko. "Alam niyo naman siguro 'tong mga nangyayari sa school natin ngayon.....pati na rin sa mga estudyante ditong pinatay." Inilibot ni ma'am ang paningin niya sa amin. "So para sa kaligtasan ng lahat, maaga kayong ididismiss ngayon and we want you guys na dumiretso na agad ng uwi sa bahay at 'wag nang gumala, not until we caught our culprit na, you guys are old enough so be responsible and mag-ingat kayo lagi," sabi ni ma'am kaya mas lalong tumahimik ang classroom. She sounded worried and scared dahil sa mga nangyayari ngayon. "wala pa tayong balita galing sa kapulisan natin pero they are doing their best to solve the case, this is for all now lang muna, I'm gonna get going so you continue with your business," sabi ni ma'am at bumalik na naman ang mga bulungan sa classroom. "And please, 'wag kayong lalabas ng classroom." Pagkatapos sabihin ni ma'am iyon ay bumalik na sa kanilang ginagawa ang mga kaklase ko. May nagform ng circle para magchika. 'Yung mga lalake sa likod ay naglalaro na naman ata dahil focus na focus sa screen ng cellphone nila. May nagkakantahan, may natutulog, may nakatunganga lang sa gilid, kabilang na ako doon siempre. Dumating na si Joy sa classroom. Nagawa pang ma-late ng bruha. "Missy! Oh my God, na-late ako for the first time!" sabi ni Joy ay nagtitili. Tinakpan ko naman ang tenga ko dahil sobrang annoying ng boses niya. "Ang ingay mo girl, ba't ka ba late?" tanong ko naman sa kanya. Inilagay niya ang bag niya sa kanyang upuan at nakapameywang na humarap sa akin. "Muntikan na nga akong hindi makapasok dahil kay mama," naiiritang sambit niya. "Oh bakit naman? May ginawa ka naman siguro kaya nagkaganon." Tiningnan niya lang ako na parang hindi siya makapaniwala sa akin. Umupo naman siya sa upuan niya at hinarap ako. "Ako? May ginawa? Seryoso ka jan? Nasobraan sa pagkaprotective si mama sinabihan ba naman akong hindi muna ako papasok hanggat hindi pa nadadakip ang pumapatay," napasabunot naman si Joy sa buhok niya sa sobrang pagkairita. "Ay seryoso?" Grabe naman si Auntie. "Oo, nag-away pa kami kanina pero hindi niya ako napigilang pumasok sa school. Ayokong maiwan no," sabi niya sabay kuha ng baon niya sa kanyang bag. Hindi pa ata kumakain ng almusal 'to. "Andito na ba si ma'am?" tanong niya. Tumango naman ako. "Oo kanina, may announcement kang siya pero umalis naman agad." Nakatingin lang ako kay Joy habang ngumunguya siya. "Ano'ng announcement daw?" tanong ko naman. "Half-day lang daw tayo ngayon sabi niya. At sa mga susunod na araw pa hanggat hindi pa nadadakip ang salarin," sabi ko sabay kuha ng lumpia sa baon niya. Masarap 'to e. Mukhang crispy pa. "Bili tayo niyan mamaya, sa baba ko lang binili e. Wala kasi akong ulam." Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagkain ng kanyang ulam. Ilang minuto pa ang lumipas ay lumapit si Raf sa amin. Hindi ko alam saan siya galing pero mukhang fresh na siya. "Maganda na ba?" tanong niya agad sa amin sabay ikot sa aming harapan. Nagkatinginan naman kami ni Joy at biglang natawa. "Ang sama niyo, tinatawanan niyo lang ako. Bala kayo jan," akmang aalis na si Raf pero nahawakan ko ang braso niya at hinatak siya pabalik. "drama mo girl, ikot ka pa nga isa pa," sabi ko sa kanya habang natatawa, nagpupumiglas naman siya sa hawak ko, at nang mabitawan ko siya ay agad siyang pumwesto sa harap namin at umikot ulit. Tumango naman kami ni Joy which made him very happy. Umupo na si Raf sa harapan namin at hinugot ang cellphone niya sa kanyang bulsa. Akala ko makikipag-usap siya sa amin kaya siya lumapit. "Walang chika jan girl?" I asked. Nagshush siya sa amin at mabilis na nagpipindot sa cellphone niya. "Teka lang, kaya nga ako dito umupo dahil ang tahimik niyo, hindi ako nadidistorbo," sabi ni Raf habang nagtatype sa cellphone. Tinry kong sumilip kung sinong ka-chat niya pero mabilis din siyang nakaiwas. "Sino 'yan hoi? Ba't mo tinatago?" Usually kasi kapag may ka-chat siya alam ko dahil pinapakita niya sa akin ang conversation nila. Pero nakakaduda 'tong action niya ngayon. Parang may ginagawang hindi tama 'to. Tinitigan ko siya baka matinag pero focus na focus siya sa ka-chat niya hindi niya ako nanonotice. I pouted. Nakita niya namang nakapout ako. "Teka lang, chika ko sa'yo later. Ang panget mo," I tsk-ed at natawa naman siya. "Later ha?" Tumango naman siya at nagpatuloy sa ka-chat niya. Ilang minuto pa ang lumipas ay walang teacher na pumasok sa classroom namin para magklase. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ay sana hindi nalang ako pumasok. Half-day na nga lang hindi pa magkaklase. Ano naman matututunan ko? "Char," napatakip agad ako sa bibig ko ng marealize ko na napalakas pala ako ng pagkasabi nun. Huminto si Joy sa pagsusulat at tiningnan ako ng nagtataka. "Ano?" Natawa naman ako bigla kaya mas lalo siyang nagtaka. "Wala," sabi ko habang natatawa pa rin. "Don't mind her Joy, hindi ka pa nasanay diyan sa kaibigan mong abnormal," sabi ni Raf habang nagta-type pa rin sa cellphone niya. Ano ba ginagawa niya jan? Nagsusulat na ata 'to ng novel e. "What time na ba? Nagugutom na ako," sabi ni Raf at hinawakan ang tiyan niya. "Bibili kami ni Joy mamaya ng lumpia, sama ka?" I asked him. Tumango naman siya at nagpatuloy sa ka-chat niya. "9:30 pa, may 15 minutes pa before recess kaya Raf, magretouch ka na jan, kapagod kang hintayin, nagbell nalang hindi pa natatapos." Tiningnan naman ako ni Raf ng masama. "Hoi, never nangyari 'yan! Sinungaling ka talaga," sabi niya at akmang sasabunutan ako ng buhok pero nakatayo ako agad at lumayo. Ilang minuto ay ang bell na rin, hudyat na recess na. Tumayo na kaming tatlo at lumabas na ng classroom para magrecess. Hindi naman kami natagalan sa pagbili dahil wala masyadong bumili ng lumpia. Umakyat na kami pabalik sa classroom at kinain ang aming binili. Inilabas ko naman ang baon ko para kainin nalang ang kanin. Nagugutom na kasi ako. Ayoko na maglunch mamaya. Gusto ko ng ubusin 'to. Umupo ako sa sahig at nagsimula ng kumain. Sumabay naman sina Raf at Joy. Kumuha rin si Raf ng sariling baon at ginawang ulam ang lumpia. Nakihati naman si Joy sa akin dahil naubos namin ang baon niya kanina. Kinuha ulit ni Raf ang cellphone niya. May round 2 na naman sila ng kachat niya. Napairap nalang ako. "Chika ko sa'yo later, mag-wait ka jan," sabi niya at dinilaan ang daliri niya. Nagpatuloy naman kami ni Joy sa pagkain namin habang busy si Raf sa cellphone niya. Natapos na kami ni Joy sa pagkain ngunit hindi pa rin nakakalahati si Raf. Busy kasi sa ka-chat. Inuna pa landi bago kumain. "Raf, nilalangaw na kanin mo," sabi ko sa kanya, sabay bugaw ng langaw. Dahan-dahan niyang kinuha ang takip ng baon niya habang nakatingin pa rin sa kabyang cellphone at tinakpan ito. Umupo na siya pabalik sa upuan at ipinasok ang kanyang baon sa kanyang bag. Humarao naman siya sa akin. "Sama ka later," sabi niya at ngumisi. "Ha?" Napairap naman si Raf. Aba! "Sabi ko sama ka later sa treehouse, half-day naman gala tayo," sabi ni Raf at inayos ang nagulong buhok. "Buang ka girl? Kakasabi lang na umuwi ng deretso, naisipan mo pang gumala," naiiling na sabi ko sa kanya. Frustrated naman siyang napahawak sa mukha niya. "Ngayon nga lang 'to, at isa pa may surprise ako sa 'yo kaya kita isasama, edi 'pag ayaw mo sa surprisw ko 'wag kang sumama, hindi naman kita pinipilit--" tinakpan ko agad ang bibig ni Raf bago pa niya matapos akbg kanyang sasabihin. "Oo na oo na, sasama na. Hindi mo naman sinabi agad na may surprise ka, edi sana naka-oo agad ako," naiiling kong sabi sa kanya which made him laugh. Sa treehouse kami mamaya, isa sa rason kung bakit hindi ako pumayadmg ay dahil beerhouse ito. Alam kong iinom na naman sila mamaya. Pero dahil may surprise si Raf, sasama ako. Ibinaling ko ang tingin ko kay Joy at bigla siyang natawa. " Sorry, can't come. Uuwi agad ako sa bahay after nito. Dapat umuwi na rin kayo," sabi niya sa aming dalawa ni Raf. "Isa ka pang KJ, ngayon lang 'to girl," sabi naman ni Raf. Natawa naman si Joy. " Bahala kayo." 12 na kaya tapos na ang klase kahit walang pumasok na teacher. Nagprepare na kami ni Raf para pumuntang treehouse mamaya. Nagpaalam muna ako kay mama na half-day lang kami ngayon at baka matagalan ako ng uwi. Pumayag naman agad si mama. Kinuha na namin ni Raf ang mga bag namin at lumabas na ng classroom. Medyo malayo ang treehouse dito sa school kaya nagtricycle kaming dalawa. "Sino ba kasama natin doon?" I asked him. "Basta, friends ko tsaka 'yung kausap ko kanina," sabi niya habang nagtatype uli sa cellphone niya. Napatango naman ako kahit hindi niya nakikita. Ilang minuto ay nakarating na kami doon. Medyo marami ang mga estudyante. Walang silbi 'yung mga meeting nila kanina, 'tamo 'tong mga estudyante ngayon, nasa treehouse halos. May kumakain din doon ng lunch at may naka-order na ng beer. Pumasok na kami at hinanap ang mga kaibigan ni Raf. Sabi niya kasi nandito na daw sila. Naka-uniform pa kaming lahat, mabuti nalang at hindi kami pinapaalis ng may-ari. Siempre, mga estudyante lang halos ang suki niya sa araw. Hindi naman kami natagalan sa paghahanap dahil nakita agad namin ang isang grupo ng mga tao na sobrang ingay. Mga kaibigan ata 'to ni Raf dahil kumaway sa amin. Medyo marami sila, hindi ko masyadong makita 'yung iba dahil nakatalikod. Wala akong nakitang babae kaya kinabahan ako. Mabuti nalang at andito si Raf. Lumapit na kami sa kanila, nilapitan naman agad nila si Raf at nagbeso-beso sila. Medyo na-op ako doon a. Pagkatapos nilang magbeso-beso ay ipinakilala na ako ni Raf sa mga kaibigan niya. "Si Missy 'to, kaibigan ko, isinama ko na wala kasing aampon," sabi ni Raf, natawa naman agad ang mga kaibigan niya. Nahiya naman ako bigla. Napatingin naman ako sa iba pang kasama nila na nakatalikod. Ang babastos naman ng mga 'to. Hindi bumabati. "Hali na kayo, umupo na kayo, naka-order na kami ng tanduay, kinukuha pa ni Ken," sabi ng isang kaibigan ni Raf. Umupo naman kami agad ni Raf at pagharap ko ay nagulat ako sa nakita ko. Si Jace?! Napatingin naman ako kay Raf at kumindat siya sa akin. Lumapit siya at bumulong. " Siya 'yung sinasabi kong surprise," tumawa pa si Raf na parang kinikilig habang hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko. Fuck! Naramdaman kong biglang pinagpawisan ang noo ko. Naramdaman ko ring uminit ang mukha ko kaya iniwas ko ang paningin ko kay Jace. Hindi ko siya magawang titigan ng kahit ilang segundo lang at alam kong halatang halata na ako ngayon. Bahala na si Lord!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD