October 2, 2020
Dear Jace,
Hello! Nakita na naman kita kanina. Lalapit sana ako kaso ang dami mong kasama. Ang daming nagmamahal sa'yo, siempre number 1 ako kahit hindi mo alam. Naiirita na nga sa akin si Raf kasi palagi akong nagpapasama sa kanya pumuntang public CR kahit may CR naman sa fourth floor, hindi ko naman kasalanan na malapit sa public CR ang classroom niyo. Kahit nakakapagod bumaba at kahit naiihi na ako bababa talaga ako basta makita lang kita. Ang creepy ba? 'wag kang mag-alala hindi naman ako manggugulo.
Hahanga lang ako sa'yo sa malayo, sapat na 'yun. Naalala ko na naman tuloy 'yung araw na una kitang nakita (naks!). Ang daming tao non, kasi valentines day sa school tapos may mga outsider na nakapasok, siempre, tulakan lahat sa canteen makabili lang mg chocolates para sa jowa nila. Since NBSB ako at alam kong walang magbibigay, pinilit ko ring makapasok sa canteen kahit sobrang liit ko at halos lalake ang nandoon.
Naalala ko pa nung bigla akong natumba kasi may nagtulak sa aking kalabaw, tapos nagulat pa ako nun kasi nag-eexpect akong maglalanding yung puwet ko sa sahig, pero ilang minuto na ang nakakalipas at nakapikit pa rin ako pero hindi ko maramdaman 'yung sahig. Naisip ko tuloy nun na baka hindi ko na naramdaman yung sakit kasi sobrang flat nung puwet ko. Pero hindi pala, kasi sinalo mo ako.
Tiningnan ko pa talaga kung kaninong kamay yung nakahawak sa bewang ko tapos paglingon ko, oh shet ang gwapo! Tinitigan pa kita nun ng ilang segundo hanggang sa bigla kang nagsalita and asked if okay lang ba ako. Tapos kinabahan ako nun ng sobra, nataranta ako tapos bigla kitang niyakap. Ewan ko kung anong nakain ko nun pero siguro tsansing yun. Agad akong bumitaw sa pagkakayakap ko sa'yo tapos umalis agad. Bahala na 'yung chocolate. Mas masarap ying dessert na nakita ko kanina. Tapos ayun, after sa valentines palagi na kitang nakikita. Sa canteen, sa gym pati sa public CR.
Hanggang sa nakita kitang maglaro ng basketball, ang swabe mo tingnan grabe! Perfect na perfect! Tapos nabalitaan ko pa na wala kang girlfriend! Sobrang saya ko nun kahit alam kong wala akong pag-asa. Lahat ng mga laro mo sa school, pinapanood ko, kahit kalaban mo yung section namin sa'yo pa rin ako nagchi-cheer. One time nagkasalubong tayo, gusto ko sanang mag-hi at magtanong kung naaalala pa ba niya ako, pero umapaw yung hiya kaya yumuko nalang ako kahit alam kong hindi ka titingin sa mukha ko.
Mas lalo akong nagkagusto sa'yo kasi ang talino mo. Tapos sobrang bait pa. Jace, ang perfect mo s**t ka. Sa'yo lang ata ako nabaliw ng ganito kaya panindigan mo ako! Sana, pag natapos ang taon, may picture na tayo together. I never liked anyone this much, as in ikaw lang hinayupak ka. Tapos ang hirap pa kunin ng attention mo. Sobrang layo mo sa'kin. Hirap-hirap mong abutin. Ang dami ko pang kaagaw sa'yo.
----
"Missy?"
"Bakit?" Tinakpan ko kaagad ang notebook.
"Punta tayong canteen." Tiningnan ko si Raf. Naka-liptint pa. Sigurado akong hindi canteen ang pupuntahan nito.
"Canteen lang?" Bigla siyang ngumiti at umiling "Syempre hindi. Pupunta tayo sa crush ko magpapa-bet ako, sama ka?" Napailing nalang ako at ipinasok ang notebook sa bag ko. Mahirap na.
"Ano ba 'yung sinusulat mo?"
"Wala, tara na." Lumabas na kami ng room at bumaba na.
As expected, ang dami na namang tao sa canteen, kahit tatlo na 'yung canteen sa school mas marami pa rin ang dadayo dito sa canteen na malapit sa building namin. Dahil ata sa siomai.
"Akin na pera mo ako nalang bibili."
Binigyan ko si Raf ng P50, pag sinasama niya ako sa canteen palaging siya 'yung bumibili para sa akin kasi ang liit ko raw, natatabunan lang daw ako. Umupo ako sa may malapit na bench at hinintay si Raf, buti na lang mag malaking puno kaya hindi ako naiinitan.
Maraming mga estudyante ang nasa labas, especially mga lower year. Parang hindi pa naka-move on sa emelentary days kasi may naghahabulan pa. Malapit lang ang canteen sa court kaya kitang-kita ko ang mga nagbabasketball. Hinanap agad ng mga mata ko si Jace. Mabuti nalang sharp eyes ako pagdating sa kanya kaya na-spot ko agad. Sa basketball court, biglang nagstand-out sa paningin ko si Jace na nakasando. Ohlala! Umupo ako ng maayos at pinaypayan ang sarili ko, uminit kasi bigla. Nakafocus lang ang mga mata ko kay Jace ngunit nahihirapan akong makita ng maayos ang mukha. Tumayo ako at lumipat sa mas malapit na bench sa court at doon umupo. Takot ako sa mga bola kasi 'ball magnet' ako pero para kay Jace, kailangan kong magsacrifice. Tiningnan ko muna ang canteen ng ilang segundo dahil baka biglang lumabas si Raf at hanapin ako. Hindi ko siya maaninag kay ibinalik ko na lang ang atensiyon ko kay Jace na nagba-basketball.
Ilang minuto na ang lumipas, malapit na mag bell para sa 3rd period pero wala pa rin si Raf. Sumasakit na yung palad ko sa sobrang lakas ng palakpak ko tuwing nakakashoot si Jace. Nawe-wirduhan na tuloy yung mga estudyante havang nakatingin sa akin, kaya pumapalakpak nalang rin ako pag iba yung nakakashoot. Nagpapansin lang naman ako kay Jace kasi baka tingnan ako. Pero hindi ata effective kasi parang hindi naman ako naririnig kapag pinapalakpakan ko siya. Hindi nga rin tumitingin. Bulag din ata. Nagdesisyon nalang akong bumalik na sa room. 5 minutes nalang magbi-bell na. Naglakad ako patungo sa building namin, hindi na ako bumalik sa canteen kasi baka wala na si Raf doon, tsaka marami pang tao.
"Bilisan mo maglakad Bontuyan." Muntikan pa akong matapilok nung may nagsalita sa likod ko. Si Sir Philo! Mabuti nalang hindi ako nakapagmura! Dali-dali akong nag-bow at hindi ko alam kung bakit ko 'yon ginawa.
"Sorry sir, sorry sir!" Hindi ko pa rin inangat 'yung ulo ko kasi natatakot ako. Hindi naman strict si sir pero natatakot pa rin ako.
"Miss Ng, bilisan mo maglakad, may quiz pa tayo." Pagkatapos sabihin ni sir 'yon nauna na siyang umakyat kaya napaiwan ako sa baba. Naghintay pa ako ng ilang segundo at nakiramdam kung nakarating na ba si sir sa room bago umakyat ng sobrang bilis nafifeel ko na ang struggle ko mamayang gabi.
"Bwesit na building!"