Chapter:2
Sabado ngayon kaya Clarke and I decided to have a date kain lang sa park ng fishball, sa Tuesday pa kasi ang balik niya, dahil he needs to go to Batangas mamamayang 5pm to visit his uncle, hindi ko na lang tinanong kung sino basta I trust him, dahil hindi naman babaero itong si Clarke, pero subokan niya lang talaga akong lokohin.
Siya nga pala aalis din kami ni Ynna ngayon, kailangan naming pumunta sa site dumating kasi si Ambria our gay best friend, kung si Ynna ay magaling sa pag defusing bomb, well Ambria is also good on hacking and tracking every locations of our enemies at hindi lang yan she's so pretty and have hot boyfriend.
"Hay naku! Kararating ko pa nga lang, pero trabaho na naman itong ginagawa ko ngayon."Ani Ambria habang naka akbay sa kanya si Marju.
"Hayaan mo na, minsan ka lang naman bumalik ng Pilipinas kaya sasagarin na namin."Sabay Kindat ni Ynna, while Ambria raise her eyebrows.
"Talaga lang Ynna ha! Pero totoo ba itong nalaman ko sa mga sources ko, naghiwalay na naman daw kayo ng bago mong dyowa?"Ambria said, kaya naman agad na tuon paningin niya sa akin, tsk! Kahit kailan talaga itong si Ambria napaka daldal lagot na naman ako nito kay Ynna.
"Everest! Alam ko ikaw ang nagsabi kay Ambria tungkol dyan. Pati ba naman buhay pag-ibig ko at break up namin ng Ex ko kailan updated siya?"Turo nito kay Ambria.
"Abay dapat lang noh! Bestfriend niyo ako kaya may karapatan din akong malaman lahat ng sikreto niyong dalawa. Siya nga pala kailan mo ipapakilala sa akin si Clarke?"
"Pagdating niya promise. Pakilala kita sa kanya. But for now Let's work and enjoy."
"Did you track the location of Don Roman?" Ynna ask.
Ambria turn off his laptop then took his 9mm caliber "Yes, ako pa! Let's go! dahil ituturo ko sa inyo kung saan nagtatago ang matandang yun."
Pagdating ko sa mansion ni Don Roman ay kaagad akong pinapasok ng mga tauhan niya sa loob. Mas marami sila ngayon kasya dati, simula ng mawala si Samantha ay tunuroan niya ako kung paano maging malakas at kung paano gumanit ng kahit na anong Armas at kung paano makipaglaban. My dad is part of A Mafia sa generation nila ni Don Roman, siya ang top 1 rank at si Don Roman naman ay nasa Rank 2. Pero simula ng makilala ni dad si Mom ay mas pinili niya kami at tinalikuran ang pagiging Mafia niya. At dahil dun ay si Don Roman na ang pumalit sa kanya. Ayaw sana ni dad na maging parti ako ng mundong ginagalawan niya dati, but when Samantha died ay pumayag na siyang maging parti ako ng Mafia para ipaghiganti ang pagkamatay ng girlfriend kong si Samantha na nag-iisang anak ng kaibigan niyang si Don Roman.
"Clarke, mabuti naman at dumating ka na."Ani Don Roman, pagbaba ko ng sasakyan.
"Kumusta po kayo dito?"Tanong ko sa kanya.
"Wait! What is he doing in Don Roman's Mansion don't tell me his part of A Mafia?"Ani Ynna, nagkataka naman bigla si Ambria at Marju sa sinabi niyang yun.
"Who is that hot fafa?"Nakatikim naman ng kurot sa magkabilang pisngi si Ambria kay Marju ng makita nito ang malagkit na tingin ni Ambria kay Clarke.
"He's Clarke, my boyfriend."Sagot ko sa tanong ni Ambria, tila ba nakaramdam ako ng kaba, marami pa talaga akong hindi alam tungkol kay Clarke sa isang taon na pagsasama namin bilang magkasintahan. But looking him wearing all black suit ay masasabi ko talagang membro siya ng Mafia. Pero kung totoo man 'yun bakit niya nilihim sa akin ang tungkol dito. Does he know about Samantha?
"Wtf! You know that You're not allowed to fall in love with our enemies. Kapag nagkataon malaking problema ito! At masisira ang lahat ng plano natin na pabagsakin si Don Roman."
"I know, I know. At hindi ko makakalimutan yun, Ambria. Mahal ko si Clarke, sa kanya lang ako naging masaya, saka hindi pa naman tayo sure kung kalaban ba talaga natin siya."
"Bahala ka, basta binalaan na kita at ayaw kung masaktan ka."
"Alam ko, salamat."Sambit ko kay Ambria at sinabi sa kanyang bumalik na kami ng mansion. Dahil baka kanina pa naiinip si Gab-Gab dun.
Habang nasa kalagitnaan kami ng byahe ay biglang tumunog ang phone ni Ynna.
"Hello mom, bakit po kayo na patawag?"
"I'm sorry Ynna, but I need you to pick up your Lil-sissy at the airport now. She's with his butler. Because we will be staying in the white house for our safety dahil nagsisimula na namang gumagawa ng palihim na hakbang ang mga tauhan ni Don Roman at ayaw kong pati si Isla ay madamay."
"Okay mom, we will pick Isla ingat kayo ni Dad dyan, if you need help just call me okay?"
"Okay bye, Ynna. Take care."
Malapad na ngumiti si Ynna sa amin at agad na nilagay ang phone niya sa bulsa. "Mukhang may magiging kalaro na si Gab-Gab, Let's go pick up my sister Isla sa airport bago tayo umuwi."
"That's great! I'm sure magkakasundo ang dalawang yun."Ynna said.
"Sana lang talaga magkasundo ang dalawang yun at hindi mag-away , pareho pa namang nag-aral ng taekwondo ang dalawang yun."Sabay tawa ng malakas ni Ambria. Kaya pati kaming tatlo dito ay natawa nalang din.
Biglang hininto ni Ambria ang sasakyan sa gilid at tumingin ng seryoso kay Ynna."Bakit nga pala kayo nag break ng dyowa mo Ynna?"
"Ambria kapag hindi ka pa tumigil sasabihin ko talaga kay Marju, kung gaano ka naging tanga sa una mong naging boyfriend. Kulang na lang pati bahay at lupa niyo ibenta mo para magtanan kayo, pero ang ending pinagpalit ka parin sa malandi!"
"Grabi ka naman, kailangan ba talagang maungkat ang nakaraan? Nakakasakit ka na talaga ng damdamin ko Ynna. I hate you!"
Ganyan talaga silang dalawa mag palitan ng sagot nauungkat pati mga utang nila, mabuti pa matulog na muna ako. At saka ko na lang isipin ang tungkol kay Clarke. I love him sana lang talaga Hindi kami umabot sa point na pahirapan namin ang isa't-isa.
"Ang tagal naman po nila mama, inaantok na ako e'." Ani Gab-Gab.
"Tara hatid na kita sa room mo."Ani Manang Cossette kay Gab-Gab.
"Ayaw gusto ko bago ako matulog ay makita ko si Mama na naka uwi ng safe. Miss ko na agad siya e."
"Hala sige, hintayin mo ako dito kukuha lang ako ng unan at blanket mo para dito ka na lang muna sa may sala, at kapag naka tulog ka gigisingin nalang kita agad pagdating ng Mama Everest mo at tita Ynna mo."
"Sige po. Salamat po."