LUMINGA si Nix sa paligid na tila inoobserbahan niya kung may mga taong nakatingin. Pero dahil parehas silang magkapatid na sikat, marami pa rin na mga tao ang nakamatiyag sa kanila. “I can’t teleport from here. Masyadong maraming makakakita,” sambit ni Nix. Dahil sa magkasama ang dalawa, unti-unting dumarami ang tao sa paligid namin. Heto na naman ang mga fan girls nila. Hindi ba sila nagsasawa sa mukha ng dalawang ‘to? Napatingin ako sa mukha ni Zed. Well… I must admit… kahit ako hindi magsasawa sa mukha ni Zed. Kahit alam ‘kong half demon siya. His face is so angelic. Napatingin din ako kay Nix. Seryoso siya at side view niya ang nakikita ko. Hmm… gwapo pala ang mayabang na ‘to sa ganitong angulo. Ang ganda ng ilong niya, makinis ang mukha, ‘yong kilay niyang matulis na maangas

